8

3.6K 62 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 8

Since tanghali naman ang klase ko ngayon, nagkaron pa ako ng mahaba-habang time para pag-aralan yung research ko sa ES. Absent kasi si Mr. Faustino dahil may aattendan daw siyang seminar sa Hong Kong at wala namang available na sub kaya sabi niya, wala na lang muna kaming klase ngayon at sa Friday.

"Hay. Buti na lang talaga nasa HK ka sir." sabi ko sabay review ng notes sa ES. "Nastress pa naman ako sa kumag na yun kagabi. Pasalamat talaga siya mahaba pasensya ko eh. Kundi baka talagang napatay ko na yun." sabi ko.

Pagkatapos kong masiguradong kumpleto ang research ko ay naghanda na ko para sa school. Naligo na ako at nagbihis at pagkatapos ay bumaba na at pumasok ng school.

"Ms. San Jose please report about Vatican City on Friday." sabi ni Ms. Cruz sa akin pagkabigay ko ng research paper ko. Tapos na kaming magklase nun dahil nagpapasa lang naman siya ng research.

"Okay, miss." sabi ko naman.

Sabay kaming lumabas ng room habang dala ko ang mga research work ng ibang kong klase. Matanda na kasi itong si Ms. Cruz at madalas ay nakakalaglag siya ng mga bitbit niya lalo na pag mabibigat kaya madalas ay tinutulungan namin siya kapag lilipat siya sa iba niyang klase.

"Oo nga pala. Have you decided on what org to join this year?" tanong niya sa akin. "Next week na ang org fair diba?"

Tumango naman ako bago sumagot.

"I'm not yet sure po eh. May part-time job po kasi ako." sagot ko.

"Part-time job?"

"Opo. Nagtututor po ako after classes."

"Really? That's good to hear from someone like you no? Talagang may mga kabataan pa rin na kagaya mo." aniya.

Ngiti lang naman ang naging tugon ko. Dumating na kami sa next na klase niya. Bukod kasi sa ES na subject ay nagtuturo rin siya ng ibang minor subjects. Katulad ngayon. Sa kabilang building siya magtuturo at Rizal ang subject niya.

"Dito na lang, Ms. San Jose." untag niya sabay mwestra sa akin na dalhin ang mga research namin at ilapag sa table niya.

Pumasok na ko ng classroom niya at saka nilagay ang mga homework namin.

"Mr. Magalona! How many times do I have to tell you na bawal upuan ang table?!" nagulat ako sa pagsigaw ni Ms. Cruz. Jusko. Kahit naman kasi matanda na siya eh mabagsik pa rin siya pag nagagalit.

"Ma'am, new classmate ba namin yan?" tanong nung studyanteng pinagalitan niya. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Elmo na nakatingin sa akin habang nakangiti ng nakakaasar.

"For your information, Mr. Magalona. Si Ms. San Jose ang dean's lister ng International Studies course at matagal na niyang tapos ang subject ko na pang-apat na take mo na!" singhal ni Ms. Cruz.

Nagpigil ako ng tawa kahit pa gusto ko na samahan sa hagalpakan yung mga kaklase niya. Nakita ko rin sa classroom nila sina Zac, na nakilala ko kagabi. Si Gino na playboy na nagpakilala saken nung Monday at si Matteo na nakaaway ng kambal nung first day. Tawa rin sila nang tawa habang isa-isa silang binabatukan ni Elmo.

"You may go, Ms. San Jose. Thank you." sabi ni Ms. Cruz sa akin. Tumango na ako at saka na lumabas ng classroom nila.

Hindi pa man ako nakakalayo ay may humabol sa akin at kinalabit ako. Paglingon ko ay isang lalaki na nakasalamin at may braces. Kulot ang buhok niya na naka-afro style at nakasuot siya ng suspenders. Typical nerd/deadkid ng school ang mga kagaya niya.

"Bakit?" tanong ko.

"P-pinapaabot ni b-boss." utal-utal na sabi niya sabay abot sa akin ng isang papel na nakatupi. "S-sige ha? B-balik na k-ko sa classroom." saka na siya kumaripas ng takbo.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon