41

3.4K 71 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 41

"Birthday na birthday mo hindi ka man lang magccelebrate?" tanong sa akin ni Maqui.

I've been stuck in my condo since that day. At ilang araw na ba ang lumipas? No. Ilang linggo na ba ang lumipas? Buwan na nga ata pero heto nanaman ako. Nagkukulong sa kwarto. Tulala at walang imik.

"What's there to celebrate, Maqui? He left me and now I don't know how to pick myself up." tulala at nangingilid na luhang sabi ko. Iiyak nanaman ako. Pagod na pagod na kong umiyak. Mahapdi na ang mata ko. Nahihilo na ako at wala na ring luhang lumalabas mula sa mata ko.

"Julie... Sabi mo sa akin okay ka lang. Bakit ganyan ka nanaman?"

Tumingin ako sa kanya at matamlay na ngumiti.

"I'm fine, Maq. I'm just not happy." tuluyan na ngang bumuhos ang luha ko at wala nang nagawa si Maqui kundi ang yakapin ako.

"Asan ba kasi yung kambal kung kailan sila kailangan?" narinig kong sabi niya.

"Maq..."

"Yeah?"

"I want to move on. Hell, I'm trying my best to move on. Pero... Pero there's something in me that still wants to hold on to him. And I don't know who to follow anymore." humihikbing sabi ko.

Humiwalay siya sa yakap sa akin at saka ako tinitigan.

"Alam mo, sabi nga sa kanta ng The Script na The Man Who Can't Be Moved, how can I move on when I'm still in love with you. Jules, you're still in love with him kaya nahihirapan ka ng ganyan. And I can't blame you for finding it hard to let him go dahil alam ko naman kung gaano kasakit ang ginawa niya sayo. Nararamdaman ko yun, Julie. Nung araw na nagdiretso ka sa condo ko na walang imik at tulala? I knew that something was wrong."

"Maq, ang sakit pala." humagulgol nanaman ako ng iyak. "Ang s-sakit k-kasi all this time na... na akala ko m-mahal niya talaga ako... akala ko napalitan ko na s-si Bella sa p-puso niya y-yun pala... yun pala hindi pa."

"Shh. Please, Jules. Wag ka na umiyak. Maawa ka naman sa sarili mo. Please." pag-aalo niya.

"A-akala ko ako na eh. A-akala ko sapat na ko para sa kanya yun pala h-hindi pa..."

Niyakap na lang ako ni Maqui. Alam ko namang nahihirapan siya sa nangyayari sa akin. Mahirap naman talagang aluin ang taong nasasaktan.

"Tahan na. Nasasaktan ako everytime I see you cry. Alam ko naman na masakit yan and I know that there are no words to heal your broken heart. But bes, itong simpleng yakap ko sayo sana kahit pano mabawasan yung sakit sa puso mo. Madami pa naman kaming nagmamahal sayo. Hihigitan namin yung pagmamahal na binigay niya noon. Ipaparamdam namin na kahit wala na siya, andito pa rin naman kaming mga kaibigan mo para sayo. Mahal na mahal ka namin, Julie."

"Maqui..." napahigpit na ako ng yakap sa kanya. I clung to her like she was my lifesaver. Maqui is my lifesaver.

Makalipas ang ilang araw pagkatapos ng gabing iyon ay sinubukan kong bumalik sa dating gawain ko. Alam na ni dad ang nangyari at ang sabi niya sa akin, subukan ko daw ibalik ang lahat ng pinagkakalibangan ko nun para di ako mag-isip. And I tried doing it. Ngayon, sinisimulan kong magbake ng cupcakes para sa pagdating ni Percy at ng tatlong bestfriends ko. It's Friday and they all wanted to celebrate my birthday kahit pa lumipas na iyon. Anila, di daw kumpleto ang taon naming lahat kapag di ako nagbirthday. Kaya naman pinagbigyan ko na sila.

Habang hinihintay ko ang pagtatapos ng binebake ko ay naligo na rin ako. Pagkatapos magbihis ay inayos ko na ang mga pagkain sa mesa at muling tumunganga habang naghihintay sa oras.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon