WANTED: TUTOR
Chapter 39
"What are you doing here?"
Napalingon kaming dalawa at laking gulat ko nang makita ko si James at si Tito Rod. Teka. Nasa LA na sila nakabase diba? Bakit nandito sila?
"James? Tito Rod?" sabi ko dahilan para mapatingin sila sa akin.
"Julie?" sabay na sabi nila na nanlalaki pa ang mga mata.
"S-sir..."
"The nerve of you to come here!" sigaw ni James.
"James..." sabi ko.
"Son, stop." pigil naman sa kanya ni Tito Rod.
"T-tito I'm sorry..."
"Sorry?! You're 2 years late you shithead! Get out of here!" sigaw pa rin ni James.
"James." pigil nanaman ni Tito Rod sa kanya.
"Dad! He killed her! He killed my sister!!" nanggagalaiting sabi niya habang tinuturo si Elmo.
Ano daw? Killed her? Sister? K-kapatid niya si Bella?
"I-it was an accident, James. Alam mong aksidente ang lahat ng yun." umiiyak na si Elmo.
"No!" si Tito Rod na ang sumigaw. "If it weren't for you, my daughter would have been alive up until now. You killed her!"
"S-sir hindi po..."
"Get out of here. Go away before I do something bad to you." banta ni James.
"Moe let's go." sabi ko.
"Hindi, Julie eh. Hindi eh." sabi niya habang umiiyak pa rin.
"Let's go Elmo." mariing sabi ko at saka na siya hinatak papunta sa kotse.
Hindi ako kumikibo buong byahe. Hindi ko rin siya pinagmaneho dahil baka maaksidente pa kami sa lagay niya. Aaminin ko naman. Naawa ako sa kanya dahil galit si James at Tito Rod sa kanya. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit iginigiit nilang pinatay niya si Bella. Hindi ko rin naman alam ang totoong kwento. Pero sa nasaksihan ko kanina? Nasaktan ako. Nasaktan ako para sa kanya at para sa sarili ko. Nasaktan ako para sa kanya dahil alam kong hindi niya kayang pumatay lalo pa at minahal niya si Bella. At nasaktan ako para sa sarili ko dahil minahal niya si Bella at mukhang mahal niya pa rin ito.
"Sasama ka pa ba sa taas?" tanong ko sa kanya nang makarating kami sa condo ko. Hindi ko na binalak pang pumasok ulit sa office. Sasabihin ko na lang kay dad na sumama ang pakiramdam ko.
"Hindi na. Uuwi na ko." walang buhay na sabi niya.
"O-okay. Mag-ingat ka ha? Please if you can't drive magstop ka muna somewhere."
"Yeah. Sige na." sumakay na siya sa kotse niya at saka na nagmaneho paalis.
"Mahal kita, Pogi. Wag ka naman sanang mawala sa akin." sabi ko bago tuluyang umakyat sa unit ko.
Matagal akong nakahiga sa kama. Hindi ko alam kung anong nakakaaliw sa puting kisame ko pero parang mas naging interesado pa akong tignan iyon kaysa ang kumilos.
KKKKKRRRRNNNNNGGGG!!! KKKKRRRRRRNNNNGGGG!!!
Kanina pa rin nagriring ang phone ko. Mapa cellphone o telephone man yan. Pero wala ako sa mood tumayo at sumagot ng mga tawag. Bahala na sila kung mag-alala sila. Basta ako, dito lang sa kwarto.
"My god, Julie Anne! Kung hindi ko pa kukunin ang keycard kay Tito Steve hindi pa ko makakapasok ng condo mo!"
Nagulat ako nang makita kong nakatayo si Maqui sa gilid ng kama ko. Nakapameywang siya at mukhang galing sa office niya.

BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
FanfictionA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!