11

3.7K 69 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 11

Vacant namin nun and as usual, nasa kubo nanaman kaming apat habang kumakain.

"Uy! Bukas na yung party ni Percy diba?" tanong sa akin ni Maqui.

"Yup." simpleng sagot ko sabay subo sa pizza.

"Nasabi mo na ba sa parents ni Elmo?" tanong ni Orange.

"Nope. Mamaya siguro pag nasa kanila na ako." sabi ko.

"Eh musta naman si Hudas Barabas Hestas?" tanong ni Blue.

"Haha. Sino yun Blue?" pagtataka ni Maqui.

"Yung shungang kulugong tinubuan ng bigote na tinututor ni Julie." sagot niya.

"Bwahahaha. Bal, galit na galit lang? Ang hard ha?!" sabi naman ni Orange sabay tapik sa balikat ng kakambal.

"Eh ako kumukulo dugo dun sa bwiset na yun eh." sabi naman niya. "Ano Jules? Musta yung mala-demonyo mong alaga?"

"Hahaha. Edi ano pa? Kung halimaw siya noon, mas halimaw siya ngayon. Grabe lang. Kung sigawan ako akala mo naman eh bingi yung kausap. Pasan ang mundo." sabi ko.

"Haha. Kahit sino naman sigurong grounded eh." comment ni Maqui. Naikwento ko kasi sa kanya kahapon na grounded si Elmo at ang gaga, tawang-tawa.

"Ewan ko ba dun. Heto pa, kagabi kasi tinulungan ko siyang gumawa ng powerpoint presentation para sa isang subject niya. Tapos habang nagreresearch ako ng mga kailangan niya pang infos, aba ang walangya pinitikan ako ng rubber band sa tenga! Grabe talaga yun!" reklamo ko. "First time yun ha. I never experienced that with my brother. Siya pa lang!"

"Hahaha. Torture pala abot mo dun, Jules. Ang tindi!"

"Ts. Kaya nga eh. No choice naman ako since pinapasweldo ako ng parents niya. Pero hay nako! Kung pwede lang pumatay, napatapon ko na bangkay nun sa Manila Bay. Bahala na kung san mapadpad."

"Haha. Okay lang yan. Travel fund mo nakasalalay diyan. Tiis lang." kumindat sa akin si Maqui kaya tumango na lang ako.

Nagpatuloy pa kami sa pagkkwentuhan nang may biglang may bumagsak na makapal na libro sa table namin.

Tumingala kaming apat at nakita na nakatayo si Elmo sa may inuupuan ko. Nakita ko rin na may kasama siyang apat na lalaki. Si Peter, yung deadkid na kinokopyahan niya. Si Zac, yung friend niya na nagpunta nung nakaraan sa kanila. Yung swimmer na nakaaway ng kambal na si Matteo at yung malanding lalaking may banda na si Gino. Ngumiti yung apat sa amin at kumaway pa. Inirapan naman sila ng tatlo at ako naman ay tumingin ng nakakairita kay Elmo.

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

"I need you to bring this book at my house later. At isa pa, bring your laptop. May gagawin tayo." masungit na sabi niya.

"Wait. Why do I have to bring that? Di mo ba kaya? Baldado ka ba?" sabi ko sabay turo sa libro.

"Look. I really don't like you pero kagaya nga ng sabi mo, we're stuck with each other. Kaya starting today, hindi ka lang tutor kundi PA ko na rin."

"Kapal mukha dude. Artista ka?!" singit ni Maqui.

"Maq..." pigil ko. "Look, Elmo. According sa contract na pinirmihan ko sa daddy mo, private tutor lang ako. Hindi ako nag-apply para maging personal assistant mo. Kaya pwede ba?"

Tumingin siya ng masama sa akin. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at ang pag-igting ng panga niya.

"Look, Nerd. You will be my personal assistant starting today. Grounded ako because of you kaya as your punishment, kung nasan ako, dapat andun ka rin." aniya.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon