33

3.8K 77 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 33

"Wake up you sleepyheads!" narinig kong sigaw ng dalawang babae. Pagmulat ko ng mata ko ay nakita kong nakatayo ang kambal sa gilid ng kama namin ni Maqui.

"Ugh. Ang aga pa. Can we sleep in?" angal ni Maqui.

"Anong sleep in?! It's 1:30pm! Lunch na po mga madam." sabi naman ng hula ko'y si Orange.

Muli akong dumilat at saka dahan-dahang umupo sa kama. Nakita kong inaalog pa rin ni Orange si Maqui na nakadapa at nakatalukbong pa ng comforter at unan sa ulo.

"Hah! Tamo, Bal. Sabi sayo mas madaling gisingin si Julie eh. Tamo?! Di pa ko nagsasalita niyan ah. Hahahaha." sabi ni Blue sa kakambal.

"Tsk. Shut up, Bal! Pwede bang tulungan niyo na lang ako kay Maqui?!" utos niya sa amin.

Tumayo na ako at saka namin siya tinulungan ni Blue na gisingin si Maqui.

"Maq! Bangon na kasi!" ani Orange na pinapalo na sa pwet si Maqui.

"Ayaw!" sabi naman ni Maqui.

"Asan ba si Gino?" tanong ni Blue. Bigla namang umupo si Maqui at saka sumimangot sa amin. "Oh. Gising na ang reyna!"

"Go to hell, Beatrice." irita at antok na sabi ni Maqui sa kanya.

"Hahaha. So si Gino lang pala magpapagising sayo ha?" sabi ko naman.

"Isa ka pa, Julie Anne." banta sa akin ni Maqui.

"Oh tara na. Maghilamos na kayong dalawa. Then sunod na kayo samen sa baba." sabi sa amin ni Orange at saka na sila lumabas.

"Tara na Maq." anyaya ko at nagtungo na kami sa bathroom para maghilamos at magtoothbrush.

Pagkababa namin ay nadatnan naming nakaupo na sila sa paligid ng hapag. May sinigang na hipon, fried flying fish, salted egg with tomatoes at mainit na kanin.

Tahimik kaming kumakain nang biglang bumanat si Zac.

"Dude, may nakita akong chics dun sa beach. Shet. Grabe ganda, bro!" sabi niya sa katabing si Elmo.

"At talagang kay Elmo ka pa nagkwento ha?" natatawang biro ni Orange sa kanya.

"Bakit? Bawal ba?"

"Pwede naman bro. Kaya lang kaharap mo si Julie eh. Medyo konting hiya tayo no?" si Matteo ang sumagot.

Napatingin sa akin si Zac at saka ngumisi.

"Hehehe. Sabi ko nga, kay Gino ako magkkwento eh." sabi niya sabay harap kay Gino.

"Tigilan mo ko bro. Nandito si Maqui." sabi naman sa kanya ni Gino.

Namula si Maqui sa narinig at saka kumunot ang noo niya.

"Eew. I said go find someone else, Gino!" taboy ni Maqui.

"Aww. Shucks. Basted agad, dude?!" asar ni Matteo. "Buti na lang di pa ko binabasted ni Beatrice." dagdag niya sabay kindat kay Blue.

"Go to hell, Matteo!" sabi naman ni Blue sa kanya.

Humagalpak sa tawa ang tatlong magkakaibigan dahil sa pagkapahiya ni Matteo.

"Okay lang yan, bro. Sabi mo nga, pakipot lang." sabi ni Elmo sa kanya at saka pa siya nito tinapik sa likod.

"Ts. Makasalita tong si Elmo eh. Palibhasa may chance kay Julie eh." ani Zac na pumapalatak pa.

"Ha? Bakit ako?" pagtataka ko.

"Baka ako, Jules. Ako talaga nililigawan ni Elmo eh." sarcastic na sabi ni Orange sa akin.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon