WANTED: TUTOR
Chapter 30
Julie's POV
"Shet. Ayoko na sa course ko promise." angal ni Blue.
Andito kami sa kubo ngayon. Nagreready for the final exams.
"Bal, last year na natin to. Wag ka na sumuko!" sabi sa kanya ni Orange.
"Bal, nakakabobo na mag-isip ng concept. Lahat na ng bagay sa mundo nagamit ko na as concept!" aniya.
"Ano nanaman ba final plate niyo?" tanong ni Maqui.
"Ayun. We were asked to make a furniture." si Orange ang sumagot.
"May naisip ka na, Orange?" tanong ko.
"Yup. Gagawa ako ng out of this world bed." nakangiting sagot niya.
"Ano namang concept mo?" tanong ni Blue sa kakambal.
"Bathtub. Hahaha." humalakhak kaming tatlo sa sinabi ni Orange. "Oh bakit? Ang cool kaya nun. You have a bed and a tub in one!"
"Orange, di pa kadiri? Matutulog ka na basa yung hinihigaan mo."
"Hahaha. Joke lang kasi. Actually, I'm planning on making a magic bed. Yung sa umaga pag di mo siya kailangan, nagdidisappear siya then with just a click of a button, bam! Your bed's here."
"Pano yun?" tanong ko.
"Hydraulics, my friend." sagot niya naman. "Sabi ko nga kay Blue, gawa na lang ng sunken couch eh. Ayaw naman niya."
"Bal, common na kasi yun eh!" angal nanaman ni Blue at ngumudngod pa sa table. "Ayoko na. Nakakabobo na to."
"Hey girls." nagulat kaming apat nang biglang may magsalitang grupo ng lalaki sa likod namin.
Paglingon ko ay ang barkada pala nila Elmo. Nakasandal si Elmo at Zac sa magkabilang poste ng kubo at sina Matteo at Gino naman ay nakatayo sa gilid nila. Si Peter naman ay bitbit ang bag niya at ni Elmo.
"Will you get your bag from Peter?" utos ko sa kanya.
"Boom!" halakhak nilang lahat. Napakunot ang noo niya saka humarap kay Peter at kinuha ang bag niya.
"Ayan dude. Nagagalit agad si kumander sayo." ani Zac.
"Shut up, Zachary." ani Elmo sabay upo sa tabi ko. "Kumain ka na ba? Let's eat?"
"I have to review for an exam. Ikaw ba nag-aral na?"
"Ha?" pagtataka niya.
"Nako, Julie. Di naman nag-aaral yan pag exam eh. Hula system lang siya palagi." ani Gino sabay tawa pa.
Tinignan ko ng masama si Elmo dahilan para mapaatras siya ng konti.
"Wala naman akong scheduled exam ngayon eh. Bukas pa." sabi niya naman.
"Lul! Anong wala? May exam tayo mamayang 3:30 dude. Taxation yun." sabi ni Matteo.
"Elmo." tawag ko sa kanya.
"Yes, babe?"
"Babe?! Julie kailan pa naging kayo?!" gulat na tanong nila Maqui at ng kambal.
"Ha?! A-anong kami?! H-hindi ah!" sabi ko. Binatukan ko si Elmo at kinurot pa sa tagiliran. "Sabing ayoko ng ginaganyan ako eh! Peste ka talaga!"
"Hahaha. Joke lang! Aray!" angal niya.
"Nanliligaw ka ba, Elmo?" tanong ni Maqui sa kanya.
"Ha? Uhm. Oo." medyo nahihiyang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
FanfictionA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!