WANTED: TUTOR
Chapter 6
"IKAW?!!" sabay na sabi namin sa isa't isa.
"You two know each other?" pagtataka ni Tita Machie.
"A-ah eh. H-hindi po! Hindi po. Hehe." sabi ko. "K-kamukha niya lang po siguro." sabi ko.
"Ah okay. Anyway, Elmo this is Julie your new tutor." ani Tita Machie.
"Tutor?! Nanaman?! Ma, naman!"
"Please be nice to her, Moses. This is your last chance. Kailangan mong bumawi sa mga bagsak mo." mariing sabi ni Tita Machie saka na niya kami iniwan.
"Psh. I don't need you. Makakaalis ka na. I have somewhere I need to go." sabi niya at akmang tatalikod pa lang nang hilahin ko siya mula sa kwelyo niya at marahas na pinaupo siya sa bakanteng upuan. "What the fuck?!"
"Mag-aaral tayo whether you like it or not. Pinalagpas ko na ang nangyari sa atin last week kaya makisama ka ngayon kung ayaw mong sabihin ko sa mommy mo na hindi ka marunong magsorry kahit na ikaw na ang may kasalanan."
"Argh!!!" sigaw niya sa mukha ko. "You're fired!"
"Sorry ka na lang pero magulang mo magpapasweldo sa akin and unless they tell me that I'm fired, hindi ako aalis." sabi ko.
"Alam mo for a nerd? You sure are rude." sabi niya.
"Alam mo for a prophet's name? You aure are satan-like." sabi ko.
"Aba't!!!" akmang susuntukin niya ako nang taasan ko siya ng kilay.
"Try me, Elmo Moses." mataray na sabi ko.
Padabog siyang kumuha ng mga gamit niya sa bag at marahas na hinagis iyon sa mesa. Napailing na lang ako at saka umupo sa tabi niya.
"Alam mo, hindi naman ako ganito talaga. Pero since about school to, I need to be strict with you. I hate stupid and dumb people. Lalo na yung mga bobo na nga mayayabang pa." sabi ko naman. Akala niya uurungan ko siya ha? Medyo mali siya ng kinalaban. Hah!
Sinimulan na namin ang pag-aaral. Inuna namin ang subjects niya kanina at hinuli ang para bukas para kahit paano ay fresh pa sa kanya yung lessons pagdating kinabukasan.
"Bilisan mo na. Sagutan mo yang problems na binigay ko." sabi ko sabay abot ng isang papel sa kanya.
"Daig mo pa prof ko ah! Pag nagpaquiz yun 15 items lang tapos ikaw 30?!" angal niya.
Kanina pa ko naririndi sa mga angal nito eh. Mula nag-umpisa kami puro angal ang alam gawin. Kesyo hindi pa raw nila napapag-aralan yung tinuturo ko or hindi na daw kasali sa subject niya yun blah blah. Sarap putulin ng dila! Ang daldal!!
"You have to answer everything para kung alin man dyan ang ibigay ng prof niyo, alam mo na kung paano sagutan." sabi ko nang hindi siya tinitignan. Naaninag ko siyang nagmmake face habang sinasagutan ang problems. Konti na lang sasapakin ko na to.
"Ang hirap naman!" angal niya nanaman.
"Walang mahirap sa taong masipag." sabi ko.
"Sorry ka. Tamad ako eh." aniya.
"Sorry ka din. Makulit ako eh. Sagutan mo yan!" utos ko.
Padabog siyang sumagot sa mga problems na binigay ko habang ako naman ay nagrereview ng sariling notes ko.
Habang nag-aaral ako ay biglang nagvibrate ang phone ko. Chineck ko iyon at nakita ang text ng kapatid ko. Oo nga pala. Di ko pa nasabi sa kanya kung nasan ako.
Percy San Jose:
Ate where are you?
Nagreply naman agad ako.

BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
FanfictionA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!