45.2

4.1K 77 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 45.2

Elmo's POV

"Dada!!"

Napahinto ako sa pagkanta nang makarinig ako ng maliit na boses ng isang bata. Umalingawngaw kasi sa buong concert grounds ang tili niya dahil may hawak siyang isang mic na sa tingin ko ay nakuha niya sa backstage. Nilingon ko siya at nang makita ko siya ay para kong nakita ang sarili ko. Para akong nananalamin ngunit ang kaibahan nga lang ay mas bata ang nasa harapan ko.

"Dada! Dada home!!" aniya saka pa yumakap sa akin. Napalingon ako sa mga tao at pare-parehas kami ng reaction. Nagulat.

"Heaven!!" lumingon ako sa tumawag sa bata at mas nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Tumingin din ang bata sa kanya at ngumiti.

"Mama! Dada, home. Dada, home!" paulit-ulit na sabi ng batang si Heaven. Tumakbo siya sa tinatawag niyang mama at pilit itong hinila palapit sa akin pero hindi naman natinag ang mama niya.

"N-no, honey. Let's go." aniya.

"No! Dada home! Heaven missed, Dada! Mama, Dada home!" pilit niya rito at saka pa ito hinatak.

Kusa na akong lumapit sa kanila at tinitigang maigi ang babae. Naramdaman kong kinakalabit ako ni Heaven kaya napatingin ako sa kanya. Tinaas niya ang maiikli at maliliit niyang mga braso kaya kinarga ko siya.

"Dada home!" ulit nanaman niya at saka niyakap ang leeg ko. "Heaven missed, Dada." aniya.

Tumingin ako sa babaeng nasa harapan ko at nakitang tumutulo ang mga luha niya. Umiiyak nanaman siya.

"J-Julie..." sa wakas ay nasabi ko na rin ang pangalan niya. After 2 years, natawag ko na uli siya.

"M-Moe..." ngumiti ako nang bigkasin niya rin ang pangalan ko.

"Dada!" ani Heaven at saka pa niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Dada, home?" tanong niya sa akin.

"Let's talk later. May concert pa kayo." sabi ni Julie at saka kinuha si Heaven sa akin. Umiyak naman ito at pinilit wag bitawan ang leeg ko.

"Dada!!" sigaw ni Heaven.

"Heaven, let Dada work first okay? We'll see him later." malambing na sabi ni Julie.

Suminghot naman si Heaven at saka na siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Bumalik na sila sa backstage at ako naman ay nanatili lang nakatayo sa may gilid.

"Dude." narinig kong tawag ni Brix. Tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay. "Let's have an intermission first." sabi niya. Tumango na lang ako at nagmadali ng humabol kanila Julie.

"Si Julie?" tanong ko kay Kuya Jay.

"Nandun sa vacant dressing room kasama sina Zac." sabi niya. "Sundan mo na."

"Thanks kuya." sabi ko at tumakbo na papunta sa sinabi niyang dressing room.

Binuksan ko ang pinto at lahat sila ay napahinto sa pagkkwentuhan at napalingon sa akin.

"Where's Julie?" tanong ko nang di makita si Julie sa loob.

"Lumabas sila nila Ate Maqui at Heaven. Nagpunta sa may concession stands." si Percy ang sumagot. "Ano bang nangyari? Palpak ka nanaman?"

"Hindi. Kailangan kong makausap si Julie." sabi ko.

"Habulin mo dun! Baka magyayang umuwi yun mapapalya ka nanaman." ani Matteo.

"Don't let her get away this time, Elmo. I swear to God, kakalbuhin kita pag di mo pa ginawa yang binabalak mo." sabi naman ni Blue.

Hindi na ako sumagot sa kanila at tumakbo na lang palabas ng backstage.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon