10

3.9K 66 2
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 10

Julie's POV

Buti naman author naisipan mong ako uli magkwento. Wala naman silang mapapala sa utak hangin na yun eh.

*****

No choice ang kumag na to kundi sumunod sa akin dito sa gazebo nila para mag-aral. Hah. Kala niya siguro porket nag-away kami kanina sa mall eh hindi na ko papasok sa trabaho ko sa kanya. Sorry na lang siya. Di ako ganun.

"Bakit ba nagpunta ka pa? Sabi ko diba wag na?" sabi niya habang pinapanuod niya akong hinahanda yung notes niya.

"Di naman ako pupunta kung hindi namin nakasalubong si Peter kanina sa Mcdo."

"Ano namang sinabi nung deadkid na yun ha?" tanong niya.

"Na exam mo daw sa taxation subject niyo at injured ka daw." sabi ko.

"Paki mo naman kung injured ako?"

"Wala naman akong paki kahit maghingalo ka pa. Mas okay nga yun nang mabawasan naman ang bobo sa mundo no." irap ko sa kanya.

"Eh kung ganun naman pala, why are you still here?!"

"Tanga ka talaga no? Exam niyo nga bukas! Irereview kita dahil trabaho ko yun!"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo." sabi niya at saka nag-iwas ng tingin.

"Ah ganun? Oge. Pag bumagsak ka bukas walang sisihan ha? Wag mong sasabihing di kita pinuntahan dito at di kita sinubukang ireview." sabi ko. "Diyan ka na nga!" aalis na sana ko nang magsalita siya.

"Umalis ka na talaga. Kanina, sinira mo na ang date ko tapos ngayon na umuwi ako para sana magpahinga, sisirain mo pa gabi ko." sabi niya.

"Ah. Sinira ko ba date mo kanina? Sorry po senyorito ha? Di ko alam na ganun na pala ang date? Kulang na lang magsex na sa loob ng sinehan?! And to think na first time niyo lang nagkakilala ha? Okay. Ikaw na! Ikaw na ang habulin ng babae." sabi ko sabay hagalpak ng tawa.

Big deal sa kanya yun? Di ko naman kasalanan na bobo siya at mas bobo yung kadate niya eh. Hahaha.

"Osige na po senyoritong feeling gwapo, aalis na po ako. Nahiya ako sa sipag mo mag-aral eh. Goodluck na lang bukas ha? Balita ko kasi 100 items daw ang exam niyo bukas at hindi multiple choice. Sige. Bye!" huling sinabi ko at saka na pumasok ng bahay nila para magpaalam kay Tita Machie.

"Oh, Julie! San ka pupunta?" tanong niya sa akin nang magkasalubong kami sa bukana ng kitchen. "Gusto ba ng meryenda ni Elmo?"

"Ah hindi po, tita. Magpapaalam na po sana ako."

"Bakit? Kakadating pa lang ng anak ko ah." pagtataka niya.

"Eh ayaw niya po magreview eh. Pinapauwi na po ako." sabi ko at ngumiti pa.

"Ganun?" aniya sabay tingin sa likod ko. "Why are you telling Julie to go home? Gusto mo ba talagang hindi makapasa sa subjects mo?" sabi ni tita. Hula ko nakatayo sa likod ko si Elmo.

"Not in the mood. Andyan naman si Peter para pakopyahin ako sa exam." sabi niya at saka naglakad papasok sa kitchen at kumuha ng inumin sa ref. "I don't like her so I'm getting rid of her. You're fired by the way." sabi niya sa akin na cool na cool pa ang boses. Yabang lang eh.

Ngumiti ako sa kanya saka nagbaling ng tingin kay Tita Machie na halatang nagtataka. Oh, tita. If you only knew how monstrous your son is. You'd understand why this is cool with me.

"Tita uwi na po ako. Thank you po." sabi ko kay Tita Machie.

"No, Julie. Stay here." sabi niya sa akin at bumaling kay Elmo. "Give me your phone and your car keys young man." aniya.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon