WANTED: TUTOR
Chapter 4
10am. Ito ang naka-schedule na oras ng interview ko sa MML building sa Taft Ave. it's actually a 10-minute walk from school kaya after ng ES class ko ay lumabas agad ako ng school para pumunta sa nasabing building. Mabuti na lang talaga at mamaya pang 1:30 ang next subject ko.
Madali kong nahanap ang building. Meron naman kasing malalaking letra sa may ledge saying, MML BLDG. kaya mabilis lang matunton.
"Good morning ma'am. May appointment po?" bati sa akin ng guard.
"Uhm, scheduled for interview po ako. According to Ms. Lucy, ipakita ko lang daw po yung text niya sa inyo." sabi ko at saka na pinabasa ang text sa akin about sa schedule ko.
"Ah. Kayo po pala yung ineexpect ni ma'am. Iwan na lang po ng ID dito tapos akyat na po kayo sa 8th floor." sabi niya sa akin.
"Thank you po, kuya." sabi ko pagkakuha ng visitor's ID.
Agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang 8.
Pagkalabas ko ng elevator ay luminga-linga ako para hanapin ang opisina ni Ms. Lucy. Nakita ko ang isang guard sa tabi ng isang malaking glass door kaya naisipan kong lapitan siya.
"Good morning po, ate. May appointment po ako with Ms. Lucy?"
"Saglit lang po ma'am ha." aniya sabay lakad palapit sa glass door at may tinype na code dun. Narinig ko ang mala-buzzer na tunog at matapos yun ay automatic na nagbukas ang pinto. "Pasok na po kayo." sabi niya.
"Thank you po." sabi ko naman.
Pumasok na ako sa loob at nakita ang isang babaeng nakaupo sa isang office desk. Sa tantiya ko ay mga 26 or 27 years old siya. Medyo maliit at nakasuot ng salamin. Nag-angat siya ng tingin sa akin at saka ako nginitian.
"You're the applicant?" tanong niya.
"Ah. O-opo." kinakabahang sabi ko. I shook hands with her at saka siya tumayo.
"You'll be interviewed by Mr. President. Tara sa office niya." sabi niya saka na naglakad patungo sa isang frosted glass door sa bandang dulo ng kwartong iyon.
Habang papalapit ay mas lalo akong kinakabahan. My hands are starting to get clammy and nararamdaman ko rin ang pawis sa noo at batok ko. This would be my first time to be interviewed by a company's president and take note, tutoring job lang to ha?
"Mr. President, the private tutor applicant's here." ani Ms. Lucy.
"Send her in." narinig ko ang malaking boses na nanggaling sa loob.
"Wag ka matakot. Di naman nangangain si sir." sabi ni Ms. Lucy sabay ngiti sa akin. "Goodluck! Sana matanggap ka." pahabol niya bago bumalik sa desk niya.
Inayos ko muna ang salamin ko at pinasadahan ang half ponytail ko bago ako tuluyang pumasok ng opisina.
Bumungad sa akin ang view sa buong Metro Manila dahil sa picture window na nasa harapan ko. Luminga ako sa kabuuan ng opisina at nakita ang isang malaking family portrait. Sa ilalim nun ay nakita ko ang isang lalaking nasa mid-40s siguro na nakaupo at nakamasid sa akin.
"G-good morning Mr. President sir. I'm Julie Anne San Jose and I'm applying for the private tutoring job." sabi ko.
"Sit down, Ms. San Jose." tipid na sabi niya. Umupo ako sa upuang tinuro niya at hinintay ang mga tanong niya.
"How old are you?"
"I'm 20 years old sir."
"And you study where?"

BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
FanfictionA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!