22

3.7K 80 4
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 22

Julie's POV

Niyakap niya ako ng mahigpit matapos kong pumayag sa gusto niyang mangyari. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon. Ayoko namang masira ang moment namin na ganito. We're both opening ourselves to each other and this is a good start for us.

Matapos ang ilang minuto ay naglakad na uli kami pabalik sa parking lot. Nagtungo kami sa may railings at sumandal dun. Pinanuod namin ang pagsikat ng araw dun at pagkatapos ay bumalik na kami sa kotse niya.

"You must be hungry." sabi niya habang sinusuot ang seatbelt sa akin.

"Uhm. H-hindi naman masyado."

"Inaantok ka na ba?" tanong niya.

It's 6:30 in the morning at mula pa kagabi sa party ay hindi pa kami natutulog.

"No. Hindi pa naman."

"Good. Kakain muna tayo okay lang? Then after that uuwi na tayo." tumango ako saka na siya nagmaneho papunta sa restaurant na Bag of Beans.

Sikat ang Bag of Beans dahil sa breakfast all you can nila at sa mga freshly baked breads nila. Pagpasok mo mula sa white wooden gate nila ay makikita mo sa kanan ang isang maliit na bakery nila. Dun ka makakabili ng tinapay na pwede mong itake-out. Sa gawing kaliwa naman ay ang dining area. Isa iyong malawak na lanai at sa pinakaloob nun ay ang buffet area. Maraming nakahain na pagkain. Iba't ibang fried rice, ulam, salad, prutas, bread, soups ang nasa gitnang part nun. Sa isang banda ng restaurant ay pwede kang magpaluto ng waffles, pancakes or crepe. Depende sa gusto mo. Pwede ka rin magpaluto ng omelette dun. Sa kabilang side naman ay iba't ibang klaseng cereals ang makikita. Kasama nun ay ang gatas para sa cereals at iba't ibang inumin. May isa namang malaking kwarto para sa mga long tables nila. Mayroong isang grand piano dun sa sulok nun at isang LED tv naman sa pinakagitna ng kwartong iyon na wall-mounted. Pag lumabas ka sa kabilang pinto nun ay mapupunta ka sa dining area sa garden.

Pumwesto kami ni Elmo sa loob na dining area. Puno na kasi sa labas at ayaw naman namin sa garden dahil medyo malayo siya sa buffet area.

Tahimik lang kaming kumakain. Tanging ang mga ingay lang ng kubyertos ang maririnig.

"Uhm. Ako na." sabi niya saka niya hiniwa ang sausages sa plato ko. "Para di ka mahirapan."

"Thanks." tipid na sabi ko. "Alam mo, this is the first time na lumabas ako with a guy friend. Kasi sila Maqui at yung kambal lang ang madalas kong kasama." kwento ko.

"Well. I guess kailangan mo na masanay na kasama ako. Kasi this will be the start of your many firsts." nakangiting sabi niya sa akin. Ngumiti rin ako at saka tumango.

"You have..." sabi ko habang tinuturo yung dumi sa may labi niya.

"Ha?"

"May dumi ka." sabi ko.

Pinunasan niya iyon pero hindi niya naman natanggal.

"Wala na?" tanong niya.

"Meron pa. Ako na nga." sabi ko saka kinuha yung table napkin at binasa iyo gamit ang moist na nanggagaling sa basong may malamig na juice. Pinunasan ko yung gilid ng labi niya hanggang sa nawala yung stain. "Ganyan ka ba talaga kadungis kumain? Parang bata lang." natatawang sabi ko.

"Haha. Sorry. Ganito talaga ko lalo na pag masarap yung kinakain."

"Ts. Daig mo pa sanggol."

"Hoy hindi ah." aniya. "Tignan mo kaya yung baby dun. Mas madungis nga siya eh." sabi niya pa sabay turo sa kabilang table. Paglingon ko ay nakita ko ang isang baby na puro chocolate ang paligid ng bibig niya.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon