WANTED: TUTOR
Chapter 14
Elmo's POV
Yehehehesssss! Ako nanaman magkkwento! Bwahahahaha.
A/N: Shut up! May sakit ka diba?
*****
Anong oras na ba? Bakit ang tagal-tagal-tagal naman dumating nung nerd na yun? Mukhang niloloko lang ata niya ko na babalik siya eh. Tsk. Pag nakalabas lang ako dito nako. Kaltok saken yun.
Nakailang pelikula na ba ako dito sa HBO? Mga 5 ata? Eh sa Star Movies? 4 siguro. Nakailang replays na din ng Spongebob sa Nickelodeon. Nakatatlong episodes na din ng Adventure Time sa Cartoon Network. Pati CSI napanuod ko na din. Pero wala pa rin yung nerd na yun?!!!
"Tsk. Off ko na nga lang tong tv." sabi ko saka na nga ini-off ang tv.
Tumunganga ako sa kwarto. Buti na lang at remote-controlled ang kama ko. Naiayos ko yung upper half part ng kama para maitaas ko yun at medyo makaupo ako. Tapos hinatid na rin sa akin yung pagkain ko. Isang pirasong boiled chicken breast, half cup ng rice at mixed vegetables na di ko alam kung butter ba yung ginamit or kung ano lang. Tsaka isang maliit na container ng fruit snack.
Sinimulan ko na kumain pero dahil nga walang lasa, hindi ako nabusog.
"Utusan ko kaya yung nerd na yun bumili ng pagkain?" sabi ko sa sarili ko. "Tama."
Hinalughog ko yung drawer sa tabi ng kama ko pero wala naman ang phone ko. Dahan-dahan akong tumayo at tinignan ang cabinet sa may sink pero wala rin.
"Bobo ka, Elmo. Grounded ka diba? So no phone." paala ko sa sarili ko. "Hay. Ano ba yan!" frustrated kong sabi saka na lang bumalik sa kama.
Tumingin ako sa isang wall clock na malapit sa kama. 11:30
"Asan na ba yun?" pagtataka ko nanaman.
Habang nakatitig ako sa kisame ay naalala ko yung pictures na nakita ko kagabi sa laptop nung nerd na yun. Lalo na yung picture na sabi niyang debut picture niya daw.
"Siya ba talaga yun?" pagtataka ko ulit.
Inimagine ko nanaman yung picture. Maganda ang shot nun. Candid shot siya na animo'y naglalakad lang siya at nakuhaan ng picture. Nakasuot siya ng light orange na dress tapos may hawak siyang mga lobo. May maliliit, may malalaki. Iba-iba rin ang kulay nun. Tapos nakalugay ang mahaba at brown niyang buhok na kulot sa dulo. Nakatingin siya sa itaas at nakangiti.
"Sabi niya siya yun eh. Pero bakit ganun? It doesn't look like her."
Dun sa mga pictures na nakita ko, pinakanakapukaw sa pansin ko ay yung folder niya ng debut photos niya. Hindi talaga siya yun eh. Bakit sobrang ganda nung nasa picture? Parang... Ah basta! Hindi kamuha nung nerd na yun yung babae sa picture. Paninindigan kong hindi si Julie the nerd yun. Baka naman nakuha lang niya sa internet yun tapos sinabi niyang siya yun. Oo tama. Pwede nga niyang gawin yun.
Nagulat ako nang magbukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang magandang babae. Nakaitim siyang dress at nakapusod ang buhok niyang kulay brown. Pula rin ang labi niya at nasuot siya ng mataas na heels na kulay gold. May dala siyang bag na itim na may gold na chain bilang sling nun. Tapos may isang gym bag naman siyang dala sa kabilang kamay. Dun sa isa niyang kamay ay may bitbit siyang plastic na may lamang kung ano.
"Sorry ngayon lang ako nakarating. Kakatapos lang kasi nung party and umuwi pa ko sa bahay mo to get your things." tuluy-tuloy na sabi niya.
"Ayos lang. Basta wag ka ng aalis sa tabi ko." lutang kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
FanficA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!