42

3.3K 69 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 42

Elmo's POV

I don't know why I'm here again. Basta gabi-gabi dito ako didiretso bago ako uuwi sa condo. Ilang araw na ba? Buwan? May taon na ba? Pakiramdam ko ang tagal-tagal na simula nang mawala si Julie sa buhay ko. Simula nang hayaan ko siyang mawala sa buhay ko. Why? Because I'm stupid. I'm so stupid that I let myself get affected by my fear. Natatakot kasi akong magaya siya sa nangyari kay Bella. Pero mas nakakatakot pala ang mawala siya at di mo alam kung tatanggapin ka pa niya uli. I became stupid. I'm a jerk.

"Ang gago ko talaga. Kasi nawala siya sa akin. Hinayaan ko siyang mawala. Ni hindi ko man lang pinagsisihan yung mga binitawan kong salita nung gabing yun. Napakagago ko talaga. Diba?!" sabi ko.

Hindi naman kumikibo ang bartender na si Bob.

"Hoy. Sumagot ka nga! Pipi ka ba?!" singhal ko.

"Sir, lasing ka na." sabi niya lang habang pinupunasan ang bar counter.

"De ah. Tinatanong kita eh. Gago ako diba?! Diba?!" sigaw ko uli.

Alam ko pinagtitinginan na ko ng mga tao dahil sa eksenang ginagawa ko pero wala akong pakielam. Nasasaktan ako dahil na rin mismo sa kagaguhan ko.

"Sagutin mo kasi yung tanong ko, Bob! Parang wala tayong pinagsamahan eh! Gago ako diba?!"

"Sir Elmo, gumagawa na po kayo ng eksena. Baka magalit si boss sa amin." aniya.

"Eh kung sinasagot mo kasi yung tanong ko edi natutuwa pa ko sayo!" sigaw ko.

"O-osige na po sir. K-kung yun gusto niyo. Sige po."

"Sasagot ka din pala di mo pa ginawa kanina. Gusto mo talaga akong pinapahiya eh!" sigaw ko.

Galit na galit ako sa simpleng bagay kahit di ko alam kung bakit ang bilis mag-init ng ulo ko. Dala siguro to ng pagiging sawi ko. Umupo na uli ako sa stool at umorder ng panibagong alak.

"Sir, lasing na kayo. Mabuti pa po wag na kayo uminom." ani Bob.

"Tsk. Isa na lang di mo pa ko pagbibigyan. Malaki naman ako magtip sayo ah." sabi ko sa kanya.

"Eh kasi sir baka lang di na kayo makadrive pauwi."

"Wag kang magkunwaring concerned saken. Wala naman nang nagmamahal saken kaya di mo na ko dapat lokohin sa mga ganyan mo. Sige na! On the rocks!"

Suminghap siya at saka muling nilagyan ng alak ang baso ko.

Lumingon ako sa kabilang upuan. Siguro mga tatlong upuan ang pagitan namin at may nakita akong babae't lalaki na nagkkwentuhan. Mukhang sila dahil paminsan-minsa'y hahalik yung lalaki sa babae. Sweet nga. Pero itong lalaki namang to tumitingin dun sa dulong stool kung saan may nakaupong babae. Mag-isa lang siya at medyo daring ang suot niyang damit. Kung si Julie ang babaeng yan baka napagalitan ko yun. Di niya pwedeng ilabas ang kaluluwa niya. Bawal.

"Psst!" sitsit ko sa kanila. Lumingon naman sila sa akin. "Siguraduhin mong di ka niloloko niyang boyfriend mo ha. Madaming manloloko pa naman ngayon."

"Dude, what's your problem?" tanong niya.

"Wala. Sinasabi ko lang naman sa girlfriend mo na mag-ingat." sabi ko. Uminom ako mula sa baso ko at pagkatapos ay nagsalita uli. "Madami kasing lalaki ang kunyari matino yun pala nasa loob ang kulo."

"Gago ka ha!" sigaw niya.

"Tangina mo. Gago pa ko, eh concerned lang naman ako sa relasyon niyo?!" sigaw ko rin.

"S-sir wag niyo na pong patulan." sabi ni Bob sa akin.

"De, Bob. Gago tong lalaking to eh. Bakit ha?! Guilty ka ba sa sinabi ko?!"

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon