WANTED: TUTOR
Chapter 34.2
Nakarating na kami finally sa falls. And wow. As in wow talaga! Ang ganda-ganda naman dito!! Konti lang ang tao ngayon kasi -ber month daw. Pag summer, sobrang daming tao raw dito.
Agad na lumusob sa tubig sina Matteo, Gino, Zac at ang kambal. Nagsisigawan sila dahil ang lamig daw ng tubig.
"Tara na bes!" sabi ni Maqui saka na siya tumalon sa malalim na part at lumangoy palapit sa mga kaibigan namin na nakaupo sa may parang dam.
"Hoy! Lapit na dito! Tama na landi!" sigaw sa amin ni Blue.
"Let's go." sabi ni Elmo at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming tumalon at lumangoy palapit sa kanila.
"Alright! At dahil nandito nga tayo sa may dam, ate! Papicture naman kami." sabi ni Orange sabay kumaway sa guide namin.
Nakasabit kasi sa guide namin yung camera ni Gino kaya nagpakuha na kami ng picture. Ang dami nga ng pictures na kinuhanan eh. Ayaw kasi paawat ng mga to.
"Dude, talon tayo dun!" turo ni Matteo sa mataas na part malapit na sa mismong falls.
"Malalim dun diba?" tanong sa kanya ni Blue.
"Oo. Gusto mo?"
"Ts. Ako pa dinare mo? Tara!" sagot ni Blue at saka na sila lumangoy papunta dun.
"Tamo yung dalawang yun. Nagpapagalingan pa." sabi naman ni Maqui.
"Gusto mo tumalon?" tanong sa kanya ni Gino.
"Ayoko. Malalim eh."
"Sasaluhin naman kita sa baba eh. Tara!" hinatak na siya ni Gino at sumunod na rin sila sa dalawa.
"Orange, tara dali!" anyaya ni Zac.
"Dude, ayoko." sabi naman ni Orange.
"Dali na. Sabay tayong tatalon dali!" sabi ni Zac.
"Tsk. Sige na nga!" at lumangoy na rin sila palayo.
"Tara, Pogi. Talon din tayo." sabi ko kay Elmo na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko.
"Ayoko. Mataas yan eh." aniya sabay turo sa falls. Andun na sina Matteo at Blue at ready na tumalon.
"Don't tell me takot ka sa heights?" tanong ko. "Ang tangkad mo tapos may fear of heights ka? Haha."
"Hindi. Hindi naman sa takot." sabi niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at saka ko siya hinila palusong sa tubig.
"Tara na. Sabay tayong tatalong para di ka matakot." sabi ko.
"Alright! Tatalon din ang lovebirds!" sabay-sabay na sabi nila. Nasa taas na silang anim nun and naghahanda na tumalon.
Umakyat na kami ni Elmo sa mga bato. Madulas ang mga bato gawa ng namuong lumot dahil sa tubig ng falls. Malakas rin ang pressure dito at sobrang lamig ng tubig.
"Game, Blue?" tanong ni Matteo.
"Game!" at nauna pang tumalon si Blue kay Matteo.
"Madaya ka!" ani Matteo saka tumalon after ni Blue.
Narinig namin ang pagbagsak nila sa tubig at maya-maya pa'y nakaangat na rin sila at nagtatawanan.
"Astig!!" sabi ni Gino. "Tara, Maq!" hinila na niya si Maqui at sabay silang tumalon mula sa taas.
"Aaaaaaaaah!!!!" tili ni Maqui kasunod nun ay ang pagbagsak nila sa tubig.
"Oh. Kayo na!" sabi ko kanila Zac at Orange.

BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
FanfictionA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!