32

4K 73 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 32

Julie's POV

"11 na. Asan na ba yung mga kumag na nagyaya saten ha?" tanong ni Blue habang tumitingin sa wristwatch niya.

"Bal, medyo excited. 10:45 pa lang kaya." sabi naman ni Orange sa kanya.

"They're on their way I guess. Chill girls." sabi ko naman.

"True. And besides, boys tend to be late all the time." sang-ayon naman ni Maqui.

"Whatever. I hate late." angal pa rin ni Blue.

"You hate late or you're just too excited to see Matteo?" asar ko.

"Oh. Don't start with that, Julie." aniya. Tumawa sina Orange at Maqui sa pag-aaway naming dalawa.

"Haha. I think it's the latter, Jules." sabi naman ni Orange.

"Ugh! I hate you three!" sabi ni Blue saka nagtantrums.

"Hey! Bakit mo ko sinasali eh nananahimik lang naman ako." sabi ni Maqui sa kanya.

"You laughed!" asar na bintang sa kanya ni Blue.

"I found it funny eh. You blushed, you got annoyed, you were acting like some highschool student who got teased by her friends. Hahaha."

"Frencheska Farr, I didn't blush okay?"

"Suit yourself, Beatrice. Don't deny the fact that you liked Matteo from the very start. Kaya nga gusto mong tumatambay sa kubo na malapit sa pool area right? You've had a crush on him since highschool." asar ko.

"No I don't!" deny nanaman niya.

"Bal, we all know how much you like him. Kakambal mo ko and I know how your eyes twinkle everytime he's around. And alam mo, you should feel lucky. Kasi he likes you too."

"Hindi ah."

"Ts. Whatever you say." sabi naming tatlo.

Maya-maya pa'y nakarinig na kami ng busina mula sa labas ng bahay. Agad kaming naglakad palabas and saw the van that we're going to ride to Baler. It was a black Grand Ace at saktong paglapit namin sa gate ay nagbukas ang pinto sa likod ng driver's seat and out came Elmo. Nakasuot siya ng white vneck shirt, black chino shorts and a beanie.

"Naks. Papogi talaga oh." bulong ni Maqui sa akin saka na naunang lumabas ng gate.

"Hey girls!" bati ni Elmo sa amin. "Hi Julie." dagdag niya.

"Sus! Pag si Julie may special mention! Hahaha." halakhak ng kambal.

Tinignan ko sila ng masama at saka pinanlakihan ng mata.

"Will you girls just put your things in the car?" sabi ko.

"Haha. Pikon much!" asar nila sa akin saka na naglagay ng gamit sa likod at saka na sumakay.

"Sorry about them." sabi ko kay Elmo na tahimik lang na nakatayo sa may gate.

"It's okay. Haha. Tara na?" anyaya niya at saka na kinuha ang bag ko at nilagay iyon sa likod.

Pagpasok ko sa van ay tinignan ko ang mga pwesto nila sa loob. Si Gino ang nasa driver's seat, si Zac naman sa passenger's seat. Sa last row naman nakaupo si Matteo. Actually di siya nakaupo. Nakahiga na siya sa kabuuan ng upuan at nakatakip ng snapback ang mukha niya. Sa second to the last naman ay sina Maqui, Blue at Orange. Uupo na sana ako sa tabi ni Orange nang bigla silang naghigaan na tatlo.

"Usog!" sabi ko.

"Julie, luwag-luwag sa harap makikisiksik ka dito. Wag ka nga!" sabi ni Maqui.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon