3

4.3K 72 3
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 3

"Seryoso, Jules? You'll apply as a private tutor?" pagtataka ni Maqui while looking at the newspaper.

"Yup. Seryoso." nakangiting sabi ko.

"I really think that's unnecessary Julie. Kasi diba, after college I'm pretty sure naman na you'll be handling all your businesses outside of the country. So I think you don't have to worry about travelling the world." sabi niya.

"Tell me about it." irap naman ni Orange habang sumusubo sa cereals niya.

It's a Friday night and since it's been a tradition to the four of us ever since we became roommates ay andito uli kami sa rooftop ng condo as we eat our midnight snacks and watched the city lights of the whole Metro Manila.

"What if makulit yung bata?" biglang tanong ni Maqui.

"Edi patitinuin ko." simpleng sagot ko sabay kain sa Jjampong noodles na inorder ko sa 7-11 sa groundfloor.

"Eh what if naman bobo masyado at slow learner?" tanong ni Blue.

"Kaya ko nga itututor diba?" sabi ko naman.

"Teka, teka, teka." singit ni Orange. "What if, yung tuturuan mo is a college student tapos mainlove ka?" tanong niya sabay tingin sa akin ng nakakaloko.

"Ooooh! Oo nga. What if ganun?" sabay na tanong nina Maqui at Blue.

"Ts. That's impossible. Siguro naman since college na siya, he knows his lessons already. Isa pa, hindi naman nakalagay sa ad kung college ba tuturuan ko eh."

"Eh kaya nga what if eh. Paano nga kung ganun diba? What if college student siya na rebelde pala tapos sa sobrang fed up na ng parents niya sa kanya, they decided to hire a private tutor just so he could pass his courses. Tapos as the days, weeks and months passed, eh mainlove ka sa kanya?" pamimilit ni Blue.

"Hindi mangyayari yun." sabi ko. "Work is work. And I have no time for love. I have a dream to fulfill." dagdag ko saka na sumubo ulit.

"You can never tell, Julie. Life has a lot of twists and turns. Maybe this is not just for you to reach your dreams. Maybe this is also when you can finally have someone you can love." Maqui said as she takes a bite on her Philly cheesesteak sandwich.

"Yung totoo?" tanong ko sa kanila. "Bakit parang mas problemado pa kayo sa lovelife ko ha?"

Natahimik sila saglit at pagkatapos nun ay sabay-sabay kaming humagalpak sa tawa.

"Bwahahahahahaha. Kasi naman eh! Ikaw na lang kaya sa atin ang never nagkainteres sa love. Syempre curious naman kami sa mga tipo mo no? Mamaya niyan kakabasa mo ng novels, ang taas na pala ng standards mo sa lalaki." sabi ni Orange.

"Hahahaha. Oo nga!" sang-ayon nina Maqui at Blue.

"Ts. Baliw talaga kayo." sabi ko naman.

Pagkatapos naming maubos yung mga pagkain namin ay humiga kami sa floor ng rooftop at pinagmasdan ang kalangitan.

"Pero seryoso kasi Jules. Paano nga kung ganun ang mangyari?" pangungulit pa rin ni Maqui.

"I don't know Maq. Let's just wait for the result." sabi ko. "Isa pa, di pa naman nagtetext sa akin yung contact na nandun sa ad eh. Siguro nakahanap na sila ng tutor."

"Hm. Maybe." sabi niya.

Tahimik na uli kaming apat habang nakamasid sa langit. Ganito lang naman kami eh. Ninanamnam ang lamig ng gabi as we listen to the different noises happening below. The car horns, the dogs barking, sometimes a plane would pass-by and yung mga tunog ng mga taong nasa bars sa kabilang street. It's noisy pero somehow, we found peace in them. Sanayan lang din naman kasi yan eh. If you grew up in the metro, these noise pollutions will be your everyday music.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon