WANTED: TUTOR
Chapter 29
Elmo's POV
Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong napasandal sa pinto. Seryoso. Anong nangyari kanina? She was pulling a prank on me then all of a sudden, manlalambing siya tapos manghahalik. Seryoso. Si Julie ba talaga yun?
"I'm fucked." nakangiting sabi ko.
Automatic na dumapo ang kamay ko sa labi ko. Pakiramdam ko humahalik pa rin siya sa akin. Her damn soft, sweet lips. Yung mga haplos niya kaninang nakakapakshet. Kinikilig ako na ewan. Shet. Nakakabakla mainlove!! Parang... Parang mas masarap yung ganitong pakiramdam kaysa noon.
"Shit!" napamura nanaman ako nang maalalang wala nga pala siyang damit na extra. Mabilis akong dumukot ng tshirt at boxers sa closet ko at saka agad na bumalik sa guest room.
Kumatok ako sa pinto pero walang sumagot kaya pinihit ko na lang ang doorknob. Rinig pa rin ang lagaslas ng tubig mula sa shower, tanda na naliligo pa siya. Nilagay ko na lang ang damit ko sa kama saka lumapit sa bathroom.
"Julie!" tawag ko sa kanya. Huminto naman ang pag-agos ng tubig sa shower. "Uhm. Andito na yung damit mo. May uhm... May mga underwear sa closet dito sa guest room. Don't worry. Hindi gamit yun. They're really for unexpected guests na naiisipan lang magovernight. Uhm..."
"Thank you!" narinig kong sabi niya. "Uhm... Ako na bahala."
"O-okay! Uhm... L-lalabas na ko." paalam ko saka na lumabas ng kwarto.
Bumalik na ko sa sarili kong kwarto at saka na naligo at nagbihis. Paglabas ko ay saktong paglabas niya rin mula sa guest room. Napangiti ako nang makita siya na suot ang tshirt at boxers ko. Basa pa ang buhok niya at nakasalamin na rin siya.
"Hey there, nerd." bati ko.
"Uh-huh. Uhm... I think I'd better go home." aniya.
"Already? Pero..."
Bigla namang nagring ang phone niya at agad itong sinagot.
"Hello? Maq... Oo... Uhm... G-ganun? Eh yung kambal?... Eh?... Ano... Andito ako kanila Elmo..." bigla naman niyang nilayo ang phone niya sa tenga niya. Rinig ko ang sigaw ni Maqui sa kabilang linya pero malabo iyon. "Maqui calm down okay?... No I won't let that happen... Wala akong damit... Nasa BR din yung bag ko... Yeah... Eh?! Uuwi na lang ako... Okay lang... Eh!!! Wag na! Uuwi nga ako... Maqui naman eh!!!" nagtaka ako nang biglang nilayo niya ang phone sa tenga niya at tinignan ang call. "Tamo yun."
"What happened?" tanong ko.
"Maqui will be seeing her mom sa condo nito sa Sta. Mesa. Dun daw siya magstay kasi babalik rin ng Italy bukas yung mommy niya. Yung kambal naman hindi uuwi ng condo kasi namiss nila yung mga kapatid nila." explain niya.
"So mag-isa ka lang sa condo niyo?" tanong ko.
"Well, Maqui asked kung asan ako and ang sabi niya, ihahatid niya daw ang gamit at damit ko dito..." she trailed off.
"Oh. Okay."
"Sabi ko wag na. Kasi kaya ko namang mag-isa sa condo. Tsaka baka umuwi na sila tita. Di naman ako pwede dito."
"Actually, hindi sila uuwi ngayon. Sa Thursday pa. Sila manang naman, bukas pa ang balik so yun. Ako lang mag-isa dito."
"Okay. So parehas pala tayo na mag-isa lang. Hihintayin ko na lang si Maqui sa labas then papahatid na lang ako sa kanya pabalik sa condo." sabi niya.
"Wag na! You can stay here. Para may kasama ka."
"Wag na Elmo." sabi niya at nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
Fiksi PenggemarA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!