2

4.4K 73 1
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 2

"Ouch." ingit ko. Nagmulat ako at nakita ang lalaki na nakadapa pa rin sa ibabaw ko. "H-hey! Get away from me you perv!" sigaw ko.

"Jules, are you okay?" alalang tanong ni Maqui habang tinutulungan nila ako ni Orange na tumayo.

"Brader, layo konti kay bestfriend. Medyo mahalay." sabi naman ni Blue habang tinatayo si Elmo.

"Oh my gosh. Baby Elmo, are you hurt?!" tanong ng isa sa mga babae. Tumingin siya sa akin saka ako dinuro. "You!! You hurt our Baby Elmo!" sigaw niya.

"Hep hep! Mga malalanding mukhang kulugong tinubuan ng mukha, wag manduduro ng ganyan kay bestfriend at baka maspike yang mga mukha niyo saken!" pagtatanggol naman ni Maqui.

"Omg. Bff ng nerd na yan ang volleyball captain?!" tanong naman nung isa.

"Oh bakit? Angal? Ang pumalag, bugbog!" sabi ni Orange while cracking her knuckles.

"Guys, let's not worsen the situation." sabi ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kubo saka umupo.

"You okay?" tanong sa akin ni Orange. Tumango naman ako habang hinihimas ang noo ko. Grabe ang sakit nun ha?

"Ito! Itong kumag na to may kasalanan eh." sabi ni Blue sabay tulak dun sa lalaking mukhang di pa rin nakakarecover.

"Omg! Binubully nila si Baby Elmo!" sigawan ng mga babae.

"Hep! Walang lalapit samen! Baka gusto niyong matiris?!" sigaw ni Blue habang hinaharangan nila ni Orange yung papasok sa kubo.

"Go away, froglets!" sigaw ni Orange. Inirapan naman sila nung mga babae at padabog na umalis sa tambayan.

"Look at him." sabi ni Maqui sabay turo dun sa lalaking nakahiga sa isang upuan ng kubo. Lumapit ako at saka ko siya kinalabit.

"Uhm. Hello? Uhm... Kuya nasaktan ka ba?" tanong ko habang kinakalabit siya.

"Ako nga." volunteer ni Orange saka lumapit sa amin. "Hoy! Buhay ka pa ba?!" sigaw niya sa tenga nito saka pa ito sinampal.

"Ouch!!!" napatayo agad yung lalaki habang hinihimas yung pisngi niya. "Why do you have to be so brutal?!" aniya.

"Buti nga sinampal ka eh! Edi nagising ka ngayong ungas ka." sabi ni Blue.

"Psh. Whatever." saka na siya tumayo at akmang aalis na nang pigilan naman siya ni Maqui. "What?!" singhal niya.

"Baka naman gusto mong magsorry sa bestfriend ko diba?"

"Why would I? Eh siya tong harang sa daan ko." aniya. "Tabi nga!" sabi niya pa pero di naman umalis si Maqui sa daanan.

"Hindi ka magsosorry?" tanong ni Maqui.

"Mukha ba kong nagsosorry?! Ha?!" aniya.

"Aba mayabang ka pa ha?!" sabi ni Blue tsaka niya ito kinwelyuhan. "Ikaw na nga tong tatanga-tangang tumatakbo na parang bata diyan tapos pag nakabangga ka ng nananahimik na tao hindi ka magsosorry?! Gaano kakapal yang apog mo nang mabawasan ko!"

"Hey. Blue, stop that." sabi ko. "Hayaan niyo na siya kung ayaw niya. We can't do anything about it. Tara na."

"See? Okay lang sa kanya na wag magsorry. So back-off!" sabi nung lalaki saka na siya umalis ng kubo.

"The nerve of that guy! Who does he think he is?! Ang kapal ng mukha!" reklamo ni Maqui sabay padabog na umupo sa tabi ko.

"Ikaw naman Jules, ang kabaitan minsan nilulugar yan eh. Tignan mo nga nangyari sayo? Magkakabukol ka pa ata. And look at your arms! May mga galos!" sabi ni Blue. "Tara nga sa clinic. Nako! Kundi lang kita kaibigan kanina pa kita binugbog sa sobrang bait mo eh. 2 points ka na ha?!" sabi niya pa habang hinahatak ako papuntang clinic. Sumunod naman sa amin sina Maqui at Orange.

Pagkatapos namin sa clinic ay nagpaalam na ako sa kanila na babalik na sa building ko para sa next subject ko.

"Sure ka? Pag nakasalubong mo yung kumag na yun, patirin mo ha?" sabi ni Orange.

"Tama!" sang-ayon nila Maqui at Blue.

"Guys..."

"Psh. Edi hindi na lang. Kami na lang bahala sa kanya." sabi ni Blue saka pa tinapik ang ulo ko. "Kitakits na lang sa condo, Jules. Ingat ha?" sabi niya saka na sila umalis ni Orange.

"Hey, mauna na ko ha? Late siguro ako later since we have a volleyball meeting." sabi naman ni Maqui.

"Okay. Ingat din, Maq." sabi ko naman.

Niyakap na ako ni Maqui and we went on our separate ways.

Mabilis na natapos ang afternoon classes namin. Ganyan naman usually kapag first day. May ibang subjects akong hindi pumasok ang profs at may iba namang walang pinagawa sa amin. Hay. First day feels. Ang dami agad nangyari sa araw ko, first day of school pa lang.

Umuwi ako sa condo naming apat. Wala pa yung kambal. Pag MWF kasi ay 5pm pa ang uwi nila dahil puro major sila nun samantalang ako naman ay 4pm. Naisipan kong maglinis muna ng condo habang hinihintay sila. Pagkatapos nun ay umupo ako sa couch habang binabasa ko yung newspaper kaninang umaga.

"Hm. Ano naman kayang bagong trabaho pwede?" sabi ko while scanning the newspaper. Yes. I'm looking for a job. Gusto ko kasing makaipon so that I can travel the world. Ayoko kasi humingi kay daddy kasi wala namang connect yun sa school.

Nilipat ko ang page ng newspaper hanggang sa nakaabot ako sa Classified Ads. I scanned the ads posted at isa dun ang nakapukaw sa attention ko.

WANTED: Private Tutor

Must be atleast a Senior college student or a freshly grad. Must present school records and schedule and should be patient. Php15,000/month

If interested contact: 09271234567 and look for Lucy

"Hi, Julie!" nagulat ako nang biglang nagbukas ang pinto sa kwarto namin ni Maqui. Yung kambal lang pala.

"Uy! Hello!" bati ko.

"Ano yan?" tanong ni Orange habang ngumunguya ng bubblegum. Pinalobo pa niya ito at saka pinutok sa loob ng bibig niya.

"Ha? Wala. Naghahanap ng trabaho." sabi ko. Tumabi sila sa akin and looked at the ad.

"Tutor?" pagtataka ng dalawa.

"What for?" tanong ni Blue.

"Ha? Eh you guys know that already. I want to travel the world." sagot ko.

"Travel the world? Hm..." tinapik-tapik ni Orange yung baba niya habang si Blue naman ay humiga sa kama ko at pinaglaruan yung Spongebob na stuffed toy ko.

"Why don't you just ask Tito Steve for a travel fund diba? He's been offering you that since you opened it up to him nung freshmen pa lang tayo." sabi ni Orange.

"Uh-huh. Saves time and effort, Jules." dagdag naman ni Blue.

"Guys, I want to do this on my own. Ayokong iasa lahat kay daddy kahit mga kapritso ko lang. This is something that I want to do for myself. Besides, nahihiya na ko kay dad manghingi ng pera. Percy's entering college next year kaya kailangan matuto na ko to live on my own." sabi ko naman.

"Jules, why do you have to be a saint? I mean seriously. Dad mo na ang nag-ooffer na bigyan ka ng travel fund. He even offered your private plane for that pero ayaw mo naman." sabi ni Blue.

"Yung totoo Jules? Gusto mo talagang pinapahirapan sarili mo no?" sabi naman ni Orange.

Ngumiti lang ako sa kanila and encircled the tutor ad.

"I want to make daddy proud. Gusto ko ipagmalaki niya ako dahil sa gagawin ko."

"Adik ka din eno? Tito Steve has been very proud of you. Lahat nga ng certificates mo nasa office niya diba? And every achievement mo nagpapaparty siya."

"Iba kasi to eh. This is something na alam niyo yun? Parang kukumpleto sa buhay ko. Basta! Ang hirap i-explain." sabi ko.

"Ewan ko sayo Jules. Effect ata yan ng pagkakabangga sayo nung kumag na mukhang paa na lalaking yun eh." iritang sabi ni Orange habang nagkakamot ng ulo.

I just shrugged my shoulders as I looked at the ad again. Php15,000 a month. Kapag pumasa ako sa interview sa akin, fulfilling my dream to travel the world would be easier. I just hope hindi makulit masyado ang batang tuturuan ko.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon