WANTED: TUTOR
Chapter 37.2
Madaling dumating ang araw ng Sabado. Maaga pa lang ay nasa condo ko na si Maqui para iprepare ang mga kakainin namin mamaya. Ang kambal naman ay nasa grocery sa tapat na mall dahil sila na ang nagvolunteer bumili ng ibang pagkain at drinks. Si Elmo naman ay sinamahan muna ang kambal na sina Lance at Luke sa summer sports clinic nila sa school at darating mamayang hapon. At sina Zac, Matteo at Gino naman ay dadating pa mamayang gabi dahil sa may mga trabaho sila ngayon.
"Hey, anong gagawin nating dip for the nacho chips?" tanong sa akin ni Maqui.
"Hm. I'm thinking maybe salsa and guacamole. I bought avocado yesterday. Nasa fridge." sabi ko.
"Okay. Ako na gagawa. Ano pa bang lulutuin?"
"Hm. I ordered five boxes of pizza eh. Siguro magffried chicken na lang para mamaya sa beer."
"Ah oo. Masarap yun. And sisig!"
"Yes! Haha."
Nagsimula nang gawin ni Maqui ang dips samantalang ako naman ay nagsimula na ring iprepare ang chicken at ang pang sisig. Madali lang naman ang sisig since bumili na ko ng easy-to-cook na ganun kahapon sa grocery. Tahimik lang kaming dalawa habang pasabay-sabay minsan sa mga kantang tumutugtog mula sa phone ko nang bigla siyang magsalita.
"Ang bilis ng panahon no? Parang dati, hindi ka pa nagbboyfriend. Wala nga sa vocabulary mo yan eh. Tapos naging tutor ka. Tapos nainlove ka sa student mo and ta-da! May boyfriend ka na. Tapos heto na. You and Elmo are 6 months already." sabi niya habang naghihiwa ng kamatis. "Di pa rin nagssink-in sa akin na ibang Julie ka na. You are the Julie who is not afraid to love someone. Not afraid to take risks anymore."
"Maq, ako pa rin naman to. Pero tama ka. Hindi na nga ako takot pumusta sa kahit anong bagay." sabi ko naman. "I just hope that this thing would last. Yung kung ano mang meron sa amin ni Moe, sana tumagal."
"Tatagal yan. Elmo's a great guy and kahit pa nung una, halatang di ko siya bet para sayo, okay naman na siya saken ngayon. Napatunayan na niyang kaya ka niyang alagaan. Alam mo namang baby kita eh. Hahaha."
"Eeeh. Maqui naman eh. Baby mo pa rin naman ako eh." sabi ko sa kanya saka ko pa siya niyakap. "Since mga bata naman tayo baby niyo na ko ng kambal eh. Kaya nga hindi ako nagdedecide hangga't di kayo nagsasabi ng opinion niyo eh."
"Haha. Adik ka. You're turning 21 soon. You can decide on your own already. Di na kailangan ng opinion namin."
"Pero gusto ko pa rin malaman iniisip niyo. Coz I know that the three of you only want what's best for me."
"Of course, Julie. Kaya nga bestfriends mo kami eh. Nalagpasan na kaya namin yung friends, good friends, real friends at true friends stage natin sa friendship."
"Haha. Tama. At dahil dun, together forever na tayong apat."
"Hanggang sa madeads." kindat niya. " And magiging bestfriends din mga anak natin. Kaya kayo ni Elmo, pag nagkababy kayo gusto ko magaganda at gwapo ha. Nako. Pag panget yan, susumpa ko kayong dalawa. Hahaha."
"Adik ka talaga! Hahaha." sabi ko sabay bato ng sibuyas sa kanya.
"Ah ganun?!" aniya at saka naman ako binato ng kamatis.
We were throwing tomatoes, onions and even the flour for the chicken to each other as if we were back to being kids doing all these food fights. Nakakamiss pala ang maging ganito.
"Haha. Enough na! Wala ng natira for later." halakhak ko. Niyakap ko si Maqui at niyakap niya rin naman ako. "Namiss kita, bes."
"Namiss din kita. Puro ka na kasi Elmo ngayon eh." sagot niya.
BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
FanfictionA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!