23

3.9K 89 6
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 23

Hapon na nang magising ako. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ang tatlo na nagkkwentuhan sa dining table. Naamoy ko ang bagong lutong pasta ni Maqui at nang makita niya ako ay sumenyas siyang lumapit sa kanila.

"Wow. Pesto." sabi ko pagkakita sa nakahain.

"Uh-huh. Dalaga ka na kasi so I decided to cook your favorite." asar niya saken.

"Dalaga?" pagtataka ko.

"Hahaha. Told ya, Jules. Our what ifs came true." tumatawang sabi ni Orange.

"Ha? Anong what if?" tanong ko ulit.

"What if yung tuturuan mo was the same age as ours? Check! And what if mainlove ka sa kanya? Double check!!" sabi naman ni Blue.

"What?! Sino namang adik ang nagsabi sa inyo na in love ako sa kumag na yun?!"

"Haha. Oh come on, Julie. We've known you since we were kids. Alam na namin mga kilos at emosyon mo. So don't ask us stupid questions dahil sa kilos mo pa lang halata na." sabi ni Maqui.

"Joke ba to?" sabi ko. "Hindi ko gusto yun!"

"The more you deny it, the more it becomes obvious." sabi naman ni Orange.

"Ts. Please, girls. Wag niyo nga ipilit ang hindi naman."

"Hindi naman namin pinipilit kasi hindi na kailangan ipilit." ani Blue sabay lagay ng pasta sa bowl niya. "Alam mo, ayos lang naman kung magustuhan mo siya. Infairness naman kasi ha. Kahit paano naman pala eh may good side yang alaga mong kulugo. So okay na din. Besides, pwede mo namang mapatino lalo yan eh. Ikaw pa ba? Kailan ka ba nagfail?"

"Blue, I will never like that guy." sabi ko.

"Wag magsalita ng tapos, Julie Anne. Baka kainin mo lahat yan." ani Orange.

Nagpatuloy sila sa pang-aasar saken habang kumakain kami. Hindi na lang ako kumibo kasi panigurado may banat nanaman sila laban sa kung ano man ang sasabihin ko. Hay. Hirap ng may tatlong kaibigan na daig pa nanay kung manermon.

Nasa sala na kami at naisipang mag marathong ng The Walking Dead nang magvibrate ang phone ko.

Percy San Jose:

Sunday lunch tomorrow ate. Don't forget.

Me:

I won't, Perce. Miss you both.

"Uyy. Katext si Elmo." asar sa akin ni Maqui.

"Anong Elmo? Si Percy to. Sunday lunch sa bahay bukas." sabi ko habang binabasa ang reply ng kapatid ko.

"Aysus. Kala ko naman si Elmo na. Hahaha." sabi naman ni Blue habang nilalagay ang bowl ng chips and dips sa center table.

"You guessed wrong, then." sabi ko saka sila nginitian.

Inabot kami ng gabi sa panunuod ng TWD. Hindi pa sana kami titigil kaya lang ay kinailangan na matulog ng maaga ni Maqui dahil maaga ang training niya bukas.

"Hay. Matutulog na rin kami, Jules. Uuwi din kami sa bahay bukas eh. Birthday ni Lorenzo." ani Orange.

"Ah oo nga pala no? He's turning what? 15?"

"Yup. Haha. And mom wants all of us home sa ancestral house sa Bulacan. Alam mo na."

"Hahaha. Yeah. Osige. I have to wake up early din para bukas eh. Good night!" paalam ko.

Pagpasok sa kwarto ay nadatnan ko si Maqui na naghahanda na sa pagtulog. Humiga na ako sa kama nang marinig ko siyang magsalita.

"You don't have to control your feelings, Julie. I know you're scared pero bes, you know that the heart can't be controlled right?"

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon