18

3.7K 76 6
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 18

It's been two weeks since Elmo got discharged from the hospital. At sa loob ng dalawang linggong pag-uwi niya ay nagbalik kami sa normal. And by normal ay yung nag-aaway na uli kami at nagsisigawan. Siguro nga ay hindi na kumpleto ang araw kapag hindi kami nagbangayan ng kumag na to. Pero kahit paano naman ay medyo nagbago na siya. Medyo lang. Mga 1.25% lang.

"Elmo kasi. Tapusin mo na to para maprint na! May gagawin ka pang iba oh!" utos ko sa kanya.

Mas madalas na rin kaming sa library nila mag-tutoring sessions. Aircon daw kasi dito samantalang malamok sa garden. Sus. Wala namang pinagbago. Tamad pa rin naman siya kahit san kami pumwesto para mag-aral.

"Psh. Ang hirap-hirap naman kasi niyan eh. Bakit ba kasi kailangan ako pa gumawa ng script para sa Rizal subject?! Di naman ako sasali sa play!"

"Kaya nga ikaw na lang ginawang scriptwriter eh. Coz you don't want to be part of any other groups in the play. Ayaw mo sa props, ayaw mo sa acting, ayaw mo sa lights and sounds at ayaw mo din magdirect. So you're left with this. Be the scriptwriter." sabi ko.

"Tss. Bakit kasi may ganyan pa eh pang gradeschool lang yan eh!"

"Magrereklamo ka pa o tuturukan kita?! Pili!"

Yan. Yan yung panlaban ko sa kanya ngayon. Injection! Alam ko na kasi weakness niya eh. Diba? So everytime he whines about his homework ay pinagbabantaan ko siya.

"Ts. Heto na nga ittype na." aniya.

"Good. Bilisan mo ha. Jusko. Ako na nga nagsummarize at nagsulat ng script sa scratch mag-iinarte ka pa. Eh icocomputerized mo lang naman." irap ko.

Kunot-noo siyang nagbalik sa pagttype samantalang inaayos ko naman yung iba niyang homework. Kailangan niyang makahabol dahil magsstart na ang midterms next week.

"Nerd."

"..."

"Hoy, Nerd!"

"Hindi ako si Nerd." sabi ko.

"Julie."

"Ano?"

"Magkwento ka nga. Ang tahimik eh." sabi niya.

"Wala akong ikkwento."

"Ts. Papakwento lang eh."

"Wala nga sabi."

"Osige. Magtatanong na lang ako sayo."

"Wala akong isasagot." sabi ko. "Tapusin mo na yan para masimulan mo na tong iba pa."

"Oo na. Pero magtatanong nga kasi ako sayo."

"Kung walang connect sa subjects mo, di kita sasagutin."

"Ts. May connect to."

"Ge." naaninag ko siyang ngumiti at saka umayos ng upo bago nagsimulang magsalita ulit.

"Nung Rizal niyo ba, may play din kayo?"

"Oo. Lahat ng magttake ng Rizal, required na magkaron ng play."

"Oh. Anong sinalihan mong group?"

"Acting."

"Weh."

"Di kita pinipilit maniwala." sabi ko. Tatanong-tanong tapos di maniniwala.

"De. Joke lang. Osige. Sinong character yung pinortray mo?"

"Maria Clara." sagot ko.

"Talaga? Ediba, nagpakasal sila ni Ibarra? So may kiss?"

"Wala. It's a mini play Elmo. Only the important scenes are required."

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon