WANTED: TUTOR
Chapter 13
"H-hello..." ani ng isang paos na boses mula sa kabilang linya.
Sinilip ko yung screen para makita kung sino ang caller at nakitang landline ang number na ginamit.
"Hello?" sabi ko ulit. "Uhm. Who's this?"
"J-Julie... Si E-Elmo to." aniya.
"Elmo? Bakit?"
"I-I need you..."
"Ha? Bakit?"
"I'm s-sick, Julie. I-I need you."
"Elmo, off ko ngayon sayo. And besides, andyan naman sila manang diba?"
"W-wala silang lahat. Off ni Manang Caring and si Lucy naman umuwi sa province dahil namatay yung nanay niya." ani Elmo.
"Eh what about Tita Machie? Yung twins? Si Tito Ricky?"
"They're all in Clark. M-may conference si dad dun and supposedly kasama din ako b-but then ito nga. I g-got sick."
"Eh kasi..."
"Please Julie..."
"Elmo, may event din kasi ako ngayon eh."
"K-kahit samahan mo lang ako sa hospital. Then you can leave if you really want to. Just... Please... I n-need you."
Nagbuntong-hininga ako at matagal na nag-isip. Kainis naman. Bakit ba kasi ako pa tinawagan niya? Di ba pwedeng yung mga kaibigan niya? Yung homeboy niya? Tsk.
"J-Julie are you still there?"
"Maliligo lang ako okay? Uminom ka muna ng paracetamol diyan habang hinihintay mo ko. And drink plenty of water. I'll be there in an hour."
"T-thank you, Julie."
Inend call ko na at saka na naligo at nagbihis. Babaunin ko na lang yung damit ko para sa party mamaya at dun na lang siguro magbibihis sa hotel.
"San ka? Maaga pa ah." ani Maqui.
"Elmo called."
"Ooooh! Yaya duties huh?" asar ni Blue.
"Yeah. May sakit daw siya."
"Ha?! What about Percy? Magtatampo ang kapatid mo."
"No. Pupunta ako sa party. Pero mauna na kayo. Ihahatid ko lang naman si Elmo sa hospital eh. Ha?" sagot ko.
"O-osige. Ingat kayo." sabi ni Orange.
Patakbo akong lumabas ng condo saka na nagpunta sa parking lot para kunin ang kotse ko. Pagkatapos nun ay nagmaneho na ako papunta sa bahay ni Elmo.
Hindi pa man ako nakakababa sa kotse ay nakita ko na agad siyang lumabas ng bahay nila. He really does look sick. Ang putla-putla niya at ang tamlay niya pa. Bumaba ako at sinalubong ko siya sa gate.
"Sabi sayo wag kang makulit eh. Bakit lumabas ka?"
"T-tara na sa hospital. I really can't take it anymore." aniya.
"Eh t-teka. Sara muna natin yung bahay niyo." sabi ko.
Pinasakay ko muna siya sa kotse at saka na ako bumalik sa kanila para isara ang bahay nila. Nilock ko ang main door pati na rin ang gate at saka na ako sumakay at pinaandar ang kotse.
"Ano bang nangyari sayo? Bakit bigla kang nagkasakit?" tanong ko habang hinihipo ang noo niya. "Ang taas ng lagnat mo."
"I don't know. Basta I just woke up kaninang madaling araw na masama na pakiramdam ko. I thought headache lang siya so sabi ko kanila mom na hindi na lang ako sasama para hindi sumakit lalo yung ulo ko. Tapos natulog ako ulit, thinking na mawawala siya if I do that. But when I woke up again, may lagnat na ako. I couldn't even open my eyes kanina. Sobrang bigat ng mata ko."
BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
FanfictionA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!