44

3.6K 66 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 44

Julie's POV

"Mama, Nangnang Maqui?"

"She's in the grocery, sweetie." sagot ko.

Nagbalik siya sa paglalaro ng blocks niya. Ako naman ay nagbalik ng tingin sa librong binabasa ko. Maya-maya ay tumingin nanaman siya sa akin.

"Mama, Tito Ninong?" tanong nanaman ng bulinggit ko.

"He's with Auntie Brit. Don't worry, anak. We'll see them later okay?" panlalambing ko.

Bumungisngis lang naman siya sa akin at saka tumayo at naglakad palapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan ko naman siya sa noo.

It's been almost 2 years since my baby was born. Bouncing baby boy siya and sobrang malambing na bata. Mana sa daddy niya. He even looked so much like him. Yung pagkakakulot ng buhok niya, yung malaki at bilugang mata niya, yung matangos at manipis na ilong at yung puckered lips niya. Now tell me, how can I move on if I can see a younger version of the guy I lost? Or the guy who pushed me away.

"Mama, you cry-cry?" tanong niya. His little hands cupped my face and made me look at him.

"No, sweetie." pagsisinungaling ko. "You want to eat ice cream?" tanong ko sa kanya. Tango siya nang tango at pumapalakpak pa.

"Yes! Yes! Ice creeeeeeaaaaam!!!"

"Okay, sweetie. Calm down. We'll eat ice cream." sabi ko sa kanya.

Kinarga ko na siya at naglakad na kami papunta sa kitchen. Pinaupo ko siya sa high chair niya at saka na kumuha ng ice cream tub sa freezer. Pagkatapos nun ay kumuha ako ng box ng cookies at saka ako bumalik sa kanya.

We would usually do this at home. Lalo na kapag wala si Maqui at naiwan lang kaming dalawa. Favorite bonding naming mag-ina ito. Kumuha ako ng malaking bowl at saka na nilagay ang ice cream dun. Sunod ay naglagay ako ng durog na cookies. Sinundan naman ng baby ko na lagyan iyon ng gummy worms.

"Hahahaha. Wormy wormy wormy!" kanta niya habang kinakalat ang worms sa paligid ng ice cream.

Pinagmasdan ko lang siya as he digs in. Napakacute niya talagang bata. 8 months old nang magsimula siya magsalita. He's first word was even "Dada" at nang marinig ko iyon ay umiyak ako. If only his dada was with us. 11 months naman nang magsimula siyang maglakad ng paunti-unti. At nang mag-1 year siya ay diretso na siya maglakad at magsalita. Medyo bulol nga lang pero naiintindihan naman.

Enjoy na enjoy siya sa pagkain ng ice cream. Puro chocolate at vanilla na ang nasa paligid ng labi niya pero hinayaan ko lang.

"Heaven, look at mama." tawag ko sa kanya. "Smile for mama." sabi ko.

Bumungisngis siya at agad ko siyang kinuhaan ng picture.

"Wow! Heaven's a model again!"

Napalingon kaming dalawa ni Heaven sa nagsalita at nakita si Maqui na nakatayo sa bukana ng kitchen.

"Nangnang! Nangnang!" tili niya at saka pa nagmuwestra na magpapakarga kay Maqui. Tumatawa lang namang lumapit si Maqui. Binaba niya sa counter ang grocery bags saka niya nilapitan si Heaven para kargahin.

"You missed Nangnang Maqui, Heaven?" nakangiting sabi ni Maqui. Tumango naman si Heaven at saka isinandal ang ulo sa balikat ni Maqui.

"Alam mo naman yan, Maq. Maka-ninang. Hahaha." sabi ko habang inaayos ang groceries sa cupboard. "Ang dami naman ata nitong binili mo?" pagtataka ko.

"Dadami na kasi tayo in a few days eh. Kaya yan. Dinamihan ko na yung bili." sagot niya.

"Huh? Why?"

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon