WANTED: TUTOR
Chapter 7
"May project ako. Gawin mo." sabi niya sa akin pagdating na pagdating niya.
"Bakit ako gagawa? Di ko naman project yan." sabi ko naman.
"Eh tutor kita diba? Oh. Gawin mo yung project ko!" sabi niya saka hinagis sa akin yung notebook niya.
"Ikaw gumawa niyan. Tutulungan kita but you have to do it on your own." sabi ko sabay abot pabalik sa kanya ng notebook.
"Aish!!! Bakit ba kasi ako pa gagawa pwede namang ikaw! Sinuswelduhan ka naman ah!"
"Halata kasi kapag matalino ang gumawa ng project mo. Kaya gawin mo yan."
"So you're telling me na bobo ako ganun ba?!" tanong niya.
"Di ko sinabi yun. Ikaw nagsabi niyan." tipid na sagot ko.
Padabog siyang umupo sa tabi ko saka ako tinignan ng masama.
"I have to go to my friend's house para sa isang game. Ikaw na ang gumawa niyan at dadagdagan ko ang sweldo mo with my own allowance. Bilis na!"
Tinitigan ko rin siya saka nagtaas ng isang kilay.
"No." mariing sabi ko saka nagbalik ng tingin sa notes niya. "You do it. Kung talagang kaibigan mo sila, hindi ka nila yayayain na magbulakbol lalo na kung may project ka pala."
"Argh!!! Bakit ba kasi nabuhay ka pa?!" singhal niya sa akin.
"Nabuhay ako para patinuin ka. Kaya magtigil ka kakaangal diyan kung gusto mong matapos agad at makahabol sa walang kwentang bagay na pupuntahan mo."
"Psh. More like nabuhay ka para guluhin ang buhay ko." bulong niya.
Hindi ko na siya pinansin at nagtuon na lang sa pagbabasa ng notes niya para sa project nila.
"Paano ba kasi to?" sabi niya habang binabasa yung handout about sa project nila.
Dinungaw ko kung anong subject iyon at nakitang Rizal pala. Seryoso? Rizal pa rin? I took that subject when I was a freshman. Bakit ngayon lang niya kinuha yan?
"Ang sabi diyan, you have to create Rizal's family tree." sabi ko sabay turo dun sa title ng project.
"Oh. Yun pala eh. Alam mo na gagawin mo so ikaw na bahala ha? I really need to go." sabi niya tayo mula sa upuan. Akmang aalis na siya ng pigilan ko siya.
"Madali lang naman yan eh. Bilisan mo. Get your laptop and we'll do your project. Di yung ako lang ang gagawa." sabi ko.
"Bwiset ka talaga!" sabi niya at padabog na umakyat ng kwarto niya.
"Manang andyan po ba si Elmo?" narinig kong sabi ng isang lalaki.
"Tignan mo sa gazebo. Andun sila ng tutor niya eh." sabi naman ni Manang.
Nakarinig ako ng mga yabag ng paa at maya-maya ay may lalaki nang nakatayo sa bukana ng gazebo.
"Wala si Elmo?" tanong niya sa akin.
"Wala. Umakyat may kinuha. Bakit?"
"Ah. Yayayain ko siya sa one on one sa basketball eh." sagot naman nito.
"Zac dude!!" narinig kong sigaw ni Elmo mula sa balcony ng kwarto niya. "Teka lang!" sabi niya saka na nagmadaling pumasok ng kwarto.
"Uhm. Pwedeng wag muna kayo magbasketball? May project kasi si Elmo so he really needs to do this. Kung gusto mo hintayin mo na lang siyang matapos." sabi ko.
"Ah ganun ba?" tumango naman ako.
"Ano dude? Tara?" anyaya ni Elmo nang makalapit kay Zac. Nakita kong nakapagbihis na siya ng white shirt at black jersey shorts at nakasabit rin sa leeg niya ang basketball shoes niya.
"Eh dude, may project ka pala eh. Gawin mo muna." sabi ni Zac sa kanya. Sumimangot naman si Elmo at tumingin sa akin.
"Epal ka alam mo yun?" sabi niya sa akin.
"Trabaho lang. Bilisan mo na. Hihintayin ka naman ni Zac." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Una na ko sa tambayan dude. Hintayin ka na lang namin." saka na patakbong umalis si Zac.
Padabog nanamang umupo si Elmo sa tapat ko at saka niya binuksan ang laptop niya.
"Oh. Nilista ko na yung names ng nasa family tree ni Rizal. Isearch mo na lang yung pictures nila kung meron and iprint natin mamaya." simpleng sabi ko sa kanya.
Marahas niyang inabot ang papel na binibigay ko saka na siya nagsimulang magtype sa laptop niya. Habang ginagawa niya yun ay nagsimula naman ako sa paggawa rin ng homework ko. Medyo marami kasi kaming kailangang iresearch para sa ES kaya naman naisipan ko na simulan na rin ito dito para mamaya pag-uwi ay konti na lang ang gagawin ko.
"Hello? Hey sweet thing!" narinig kong sabi niya.
Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko siyang may kausap sa phone niya. Naningkit ang mata ko dahil halatang tuwang-tuwa siya sa kausap niya.
"Psst!!" tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin pero umirap lang. "Psst!!!" sitsit ko ulit.
"Sshhhh!" sabi niya sabay turo sa phone niya. Umirap ako saka tumayo at nilapitan siya saka hinablot ang phone niya.
"Sorry to interrupt your flirting session but Elmo really needs to finish his project. Mamaya ka na tumawa okay?" sabi ko sabay end ng call at tsaka binulsa ang phone niya.
"What the fuck?!" sigaw niya.
Nginitian ko lang siya saka bumalik sa inuupuan ko.
"Finish that." utos ko.
He was cussing as he resumes his work at paminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang tumitingin ng masama sa akin at magmumura nanaman. Kung nakakamatay lang siguro ang mura ay kanina pa ako patay. Buti na lang hindi.
"Tapos ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa!" galit na sagot niya.
"Eh kung yan kasing pinuputok ng butsi mo eh nagconcentrate ka sa project mo, baka sakaling tapos na yan at baka nagbabasketball ka na ngayon." sabi ko. Umirap lang siya saka nagbalik ng tingin sa laptop niya.
"Kung ikaw na lang kasi gumawa nito baka sakaling natutuwa pa ko sayo." sabi niya.
"Kung ako ang gumawa niyan, baka isipin ng prof mo, masyado kang magaling at ibagsak ka lalo dahil halatang di naman ikaw ang nagpakahirap niyan."
"Kung ikaw na lang kasi ang gumawa nito edi sana tapos na to at di ako napapagod magresearch sa mga taong hindi naman buhay!"
"Kung ako siguro ang gumawa niyan baka sakaling lalo kang walang matutunan. Minor subject na nga lang iaasa mo pa sa iba. Paano ka matututo kung lahat ng bagay inaasa mo sa iba?!" sabi ko. Natahimik siya saglit saka nagmura nanaman ng pabulong.
"Oh. Ayan na." aniya makalipas ang halos kalahating oras. Hinarap niya sa akin yung laptop niya at nakita ko ang mga nakasave na pictures na andun.
"What the--" humagalpak siya ng tawa dahil sa mga pictures na pinakita niya.
Paano kasi puro naman picture yun ng mga babaeng nakasuot ng two-piece o di kaya ay natatakpan lang ng kung anong bagay yung mga katawan nila.
"PERVERT!!" sigaw ko.
"Hahahahahahahahahahahaha."
"Magseryoso ka naman kahit minsan lang please? Sa tingin mo ba para sa akin tong ginagawa ko? Sayo din naman to! Gusto mo makagraduate diba? Di ka ba naaawa sa parents mo? They've been trying their best to give you everything you need at good grades na nga lang ang pwede mong isukli sa lahat ng binibigay nila eh hindi mo pa magawa. Grabe ka naman Elmo. Kung ayaw mong matuto edi wag. Pero isipin mo na lang na magpapakatino ka para naman sulit yung pagod ng mommy at daddy mo." sabi ko sa kanya.
"You're just my tutor kaya wag kang magsalita ng ganyan. Sawa ka na sa kalokohan ko? Then leave! I never asked for your presence."
"Sana ganun lang kadali diba? Pero sorry Elmo. Naaawa ako sa parents mo kaya willing akong magstay kahit na puro kagaguhan ang alam mo. If you don't want to do your project, fine. Uuwi na ko dahil madami rin akong gagawing research. Bukas na lang ulit." sabi ko saka na tumayo at nagligpit ng gamit.

BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
FanfictionA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!