43

3.6K 69 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 43

Ang hirap pala kapag tinalikuran ka na ng mga kaibigan mo no? Gustuhin ko man silang kausapin, nahihiya naman ako dahil alam ko naman kung gaano kalaki ang galit nila sa ginawa ko. Mahirap din dahil may galit din sa akin ang pamilya ko. Sobrang mahal nila si Julie kaya nang malaman nilang wala na kami ay nagtampo sila sa akin at simula nun ay madalang ko na sila makausap. At mas mahirap pala dahil galit rin ako sa sarili ko pero wala akong magawa. Wala akong magawa kundi lunurin ang sarili ko sa alak. Nagbabakasakaling mamamatay na ang puso ko at mawawala na ang sakit nanararamdaman ko.

"Hey there." lumingon ako sa direction nung nagsalita at nakita ang isang babae. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag-inom. "My name's Aiko. You are?"

"I don't give a shit." sagot ko.

Bahagya siyang natawa saka sumenyas ng inumin kay Bob. Ano ba to? Close ba kami?

"Nice name ha. Ang haba nga lang."

"Leave me alone, miss. Wala akong balak makipagkilala sa mga tulad mo." sabi ko.

"Nakikipagkaibigan lang naman ako. You don't have to be rude you know." sabi niya.

"Wala akong paki if I'm rude. Just disappear and leave me in peace." mariing sabi ko.

"Ts. Whatever." irap niya saka na siya umalis sa tabi ko.

"Sir, suplado mo ngayon ah." ani Bob.

"Wag mo kong asarin Bob at baka mapagbuntunan kita." sabi ko.

"May problema ba sir?" pagtataka niya.

"Madami. Sa sobrang dami, gusto ko na lang magpakamatay."

"Sir, di naman solusyon ang pagpapakamatay eh. Kung may problema ka, may solusyon yan. Pero kung wala namang solusyon, wag mo na lang problemahin sir." sabi niya saka pa ngumiti ng malapad.

"Eh kung tinutuktukan kaya kita?" sabi ko. "Di mo alam yung pinagdadaanan ko eh. Kaya ganyan ka."

"Alam ko sir. Sus. Sa 2 taon mong gabi-gabing pagtambay dito, imposibleng di ko malaman. Tuwing lasing ka lagi mong kinukwento sa akin yung girlfriend mo na sobrang mahal na mahal mo. Sir, bakit di mo siya suyuin uli?"

"2 years na ang lumipas, Bob. May iba na yun."

"Napakanegative mo naman sir! Ako nga yung misis ko, 4 years kaming nagkahiwalay dahil ayaw sa akin ng mga magulang niya. Pero tignan mo? Asawa ko na siya ngayon at magkakaanak na kami." aniya.

"Di naman kasi lahat ng magkarelasyon ganyan ang nangyayari, Bob. Mas madalas pa ring napupunta sa iba yung babaeng mahal mo." sabi ko.

"Pero sir, di naman mapupunta sa iba kung di mo hahayaang maagaw siya ng iba. Diba?"

"Ewan. Mukhang mas masaya siya sa lalaking yun kaysa saken eh. Hahayaan ko na lang. Bibigay ko na sa kanya yung kalayaan niya. Tutal di ko naman talaga nabigay yung pagmamahal na dapat niyang maramdaman eh."

"Ewan ko sayo sir. Kung mahal mo ang isang babae, kahit pa sino ang kaagaw mo sa kanya, kung alam mong minahal ka niya at mahal ka pa niya, makikipagpatayan ka makuha lang uli siya. Sabi nga, an eye for an eye, a nose for a nose!"

"Gago. Magqquote ka na lang katangahan pa. An eye for an eye, a tooth for a tooth yun." sabi ko. "Isa pa nga. On the rocks."

Tatawa-tawa siyang naglalagay ng alak sa baso ko.

"Sir, first love mo ba yan?" pagtataka niya makalipas ang ilang saglit na katahimikan.

"Second girlfriend ko yan. Kaya nagtataka din ako bakit ganito ako. Mas malala ako kaysa nang mawala ang first girlfriend ko."

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon