35

3.6K 79 3
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 35

It's our last day in Baler. May mga huling attractions na lang kaming pupuntahan then after that, uuwi na kami.

Nauna kaming nagpunta sa Balete Park kung san nandun ang sikat na Millenium tree. Ang puno na mula panahon ng Kastila ay nakatayo na dun. Nakakatuwa dahil nang pumasok kami dun ay para kaming mga batang nagsiakyat sa mga sanga. Pinicture-an naman kami ng guide na andun bilang remembrance.

Pagkatapos namin sa Balete Park ay nagtungo kami sa Ermita Hills. Ito ang sikat na lugar sa Baler kung saan may monumento ang mga survivors ng tsunami noong 90s. Dahil sa burol na ito naligtas ang libo-libong residente ng Baler mula sa tsunami. Umakyat rin kami sa 265 steps na patungo sa tuktok ng burol at dun ay matatanaw mo ang 360 degrees view ng buong Baler.

Pagkatapos naman sa Ermita Hills ay nagdiretso kami sa fishport para tumingin ng mga dumadaong na bangka mula sa pangingisda. Saktong pagdating namin dun ay may bagong dating na mga mangingisda and they were carrying different kinds of fishes and sea creatures. May clams din and even lobsters and king crabs.

It's 5pm at papunta na kami sa last destination namin. Ang Aniao Islets. It's actually 3 little islands with beautiful rock formations. Sikat itong tourist spot dito sa Baler dali sa sobrang ganda ng view dito.

"Asan nga pala si Elmo?" tanong ko.

"He forgot something sa bahay. Kaya nagcommute siya pabalik dun. Magpapahatid na lang daw siya kay Mang Carding sa Islets." sagot naman ni Zac.

"Bakit? Miss mo na?" tanong sa akin ni Gino.

"Tss. De ah." sagot ko naman. "Nakakapagtaka lang na bigla siyang nawala. Kanina lang sa port eh magkasama pa kami. Di man lang nagpaalam." dagdag ko.

"Haha. Starting to get clingy, huh?" ani Maqui.

"Shut up, Maq." sabi ko. Tumawa lang naman ang kambal sa likod ko.

Dumungaw na lang ako sa labas ng bintana and after a few minutes ay unti-unti ko na nakikita ang iba't ibang rock formations.

"Here we are!" sabi ni Gino at saka na hininto ang van sa isang tabi.

Agad na nagsibabaan ang mga kaibigan namin at saka pa sila tumakbo pababa sa shore para makapagpicture.

"Julie! Tara dito!" tawag sa akin ni Orange habang kumakaway sila sa baba.

Sumunod ako sa kanila at saka na rin naglakad palapit sa kanila para makasama ako sa picture taking. This place is breathtaking. I just hope that Elmo was here para naman may remembrance kami dito.

I was still admiring the view nang may biglang nagtakip sa mata ko.

"Wha-- Hey!!" protesta ko.

Nagtitili ako nang buhatin ako ng kung sino. Shit. Ano bang nangyayari? Nawala na rin ang mga boses ng nga kaibigan ko. Asan ba ko?! Sino ba tong nagbubuhat sa akin?!

"Put me down!!" sigaw ko.

"Ouch! Shit dude. Ang sakit nun!" sabi ng isa.

Teka. Pamilyar ang boses na iyon ah.

"Ibaba niyo ko sabi!" sigaw ko pa rin.

"Mamaya na!" sabi naman nung isa pang pamilyar na boses.

Naramdaman kong paakyat kami uli sa kalsada at maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagbagsak sa akin sa isang upuan. Kinapa ko iyon at mukhang upuan iyon ng kotse.

"Ano ba!! Pakawalan niyo nga ako!!" sigaw ko pero parang di nila ako naririnig. Ramdam ko ang pag-andar ng kotse at maya-maya pa ay huminto ito at binaba nanaman nila ako.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon