40

3.4K 64 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 40

Papunta na ko sa office ngayon. I have to go back to work. Nakakahiya na kay dad. I've been absent for 2 weeks at ayoko naman na lubusin yun just because I'm his daughter. I don't want everyone to think na nagttake advantage ako dahil anak ako ng may-ari ng SJGC.

"Julie, you're back!" bati sa akin ni Stef nang makapasok ako sa office.

"Hi, Stef." bati ko rin pabalik. "Si dad?"

"Nasa office na niya. Di namin alam na ngayon ka na papasok."

"Yeah. Kailangan eh. Madaming gagawin." sabi ko. Tumango naman siya saka na ako nagpunta sa office ni daddy.

Kumatok ako at sabay na sumilip sa maliit na awang sa pinto.

"Julie?" ani dad.

"Hi, daddy." bati ko saka ako tuluyang pumasok ng office niya. Lumapit ako at niyakap ko siya.

"You've been gone for 2 weeks. What happened?" tanong niya.

"Wala po. Nagkasakit lang ako."

"Nagkasakit? How are you? Okay ka na ba? Nagpacheck-up ka ba? Ano?" sunud-sunod na tanong niya.

"I'm fine dad. Lagnat lang naman and colds. Nothing serious."

"Are you sure?" tanong niya ulit.

"Yes daddy. I'm sure po."

"Okay. Nga pala. I talked to Mr. Gustave the other day and sabi niya okay lang naman daw kung ayaw mo dun magstay for the construction. Pero gusto niya sana bibisita ka dun. He wants to introduce his son to you para makatulong mo sa business."

"Ganun ba? I'll let you know dad. Pinag-iisipan ko pa rin eh."

"Take your time, sweetie. Take your time." aniya. Nagpaalam na akong pupunta sa sarili kong opisina kaya tumango na siya at lumabas na ako.

"Julie, itutuloy ba yung lunch meeting with Arch. Salonga? Ipapakita niya lang sayo yung final plans." ani Stef. "Julie?" she snapped her fingers in front of my face dahilan para mapatingin ako.

"Ha? Ah. Yeah. Tuloy yun. San daw ba?" tanong ko.

"Sa Café Bene daw. Okay lang ba?"

"Sure sure. Sabihin mo mga 11:30."

"Okay." sabi niya saka na umalis.

Umalis na ako sa office bago pa man ang usapang oras namin ni Arch. Salonga. Ewan ko ba. Di ako makatagal sa loob ng office ko dahil naiisip ko pa rin ang hindi pagpaparamdam ni Elmo sa akin. Yes. He hasn't talked to me since that day at hindi ko na talaga alam kung kami pa ba. Kung meron pa nga bang kami.

"Ms. San Jose." bati sa akin ni Arch. Salonga nang makalapit siya sa reserved table namin.

"Architect." bati ko naman.

"Sorry I'm late ha? Nagkaemergency lang sa firm eh."

"It's okay. Halos kakadating ko lang din naman." ngumiti siya sa akin at saka na niya binuksan ang laptop niya.

"So here. Sabi kasi ng daddy mo gusto mo daw is more of the modern-contemporary type habang siya naman more of the Victorian style. So nagkaron lang naman ng konting changes. Same exterior pa rin tayo like how you wanted it. Sa furniture natin iinfuse na lang yung Victorian. Yun din kasi ang gusto ni Mr. Gustave." explain niya.

Pinakita niya sa akin ang Cadd file ng hotel. Hindi ito kagaya ng hotels namin sa Pilipinas at hindi rin ng sa New York at Singapore. Ang design ngayon ay medyo out of this world. Unique kasi ito at wala pang ganung disenyo ng buildings sa Paris.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon