38.2

3.7K 67 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 38.2

Nagising ako at pagtingin ko sa tabi ko ay wala na si Elmo. Alam ko namang nasa condo pa siya dahil nakasampay pa rin sa upuan ko ang polo at pantalon niya. Isa pa, naririnig ko ang ingay na nagmumula sa kitchen kaya halatang nandito pa siya. Tumingin ako sa digital clock na nasa night table ko at nakitang 5:30 na pala ng hapon.

"Maggagabi na pala." bulong ko sa sarili ko. Buong araw kaming hindi kumain ni Elmo. As if on cue naman ay tumunog ang tiyan ko. Dahilan na rin siguro ng naaamoy kong aroma ng bawang at sibuyas.

Bumangon na ako mula sa kama at naglakad papunta sa kusina. Nadatnan ko siyang nakatalikod sa akin at abala sa pagluluto niya kaya niyakap ko na lang siya mula sa likuran at pinagmasdan ang ginagawa niya.

"What are you cooking?" tanong ko.

"I'm cooking Pochero. Ayos ba?" sagot niya.

"Yes. Masarap yan, I'm sure." sabi ko naman. Hinawakan niya ang kamay ko at pinalipat ako sa tabi niya saka ako inakbayan.

"Syempre. Di pwedeng kumain ng hindi masarap ang Ganda ko. Bawal." sabi niya and even kissed my hair.

"Haha. Sweet naman ng Pogi ko."

Pinanuod ko lang siya sa pagluluto habang nakaakbay pa rin siya sa akin. Ayaw niya akong bitawan at wala rin naman akong balak na bumitaw sa kanya.

Pagkatapos maluto nun ay naghain na ako at saka na kami kumain. True enough, masarap nga ang luto niya. Kailan ba hindi? Eh kulang na lang maging kasing taba ako ng balyena sa mga pinapakain niya sa akin.

"Nga pala, I want you to meet someone tomorrow." sabi niya habang kumakain kami.

"Huh? Who?" pagtataka ko.

"Basta. Makikilala mo siya bukas. Maybe we can meet during lunch and ipapakilala kita sa kanya."

"Okay. If that's what you want." nakangiting sabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay pinagtulungan na namin ang pagliligpit at pagkatapos nun ay naghanda na siya para umuwi.

Kinabukasan ay pumasok na ako sa office at naabutan ko si dad na kadarating lang din kaya agad ko siyang pinuntahan.

"Good morning, dad." bati ko.

"Oh. You're early." sabi niya saka ako hinalikan sa noo. "How was the party?"

"Hm. Good. We enjoyed it. Tuwang-tuwa sila sa bagong condo ko." sabi ko.

"That's good. Anyway, we have a meeting with Mr. Gustave today via video call and he wants us in 5 minutes so magready ka na okay?"

"Alright, dad." tumango na siya saka na siya pumasok ng tuluyan sa opisina niya. Ako naman ay naglakad na patungo sa sarili kong kwarto. Nilapag ko lang ang bag ko at saka ko na kinuha ang paperworks na para sa hotel na ipapatayo sa Paris.

Pagpasok ko sa meeting room ay nadatnan ko na si dad dun at ang iba pang board members. Nandito na rin ang architect na siyang magppresent ng design ng hotel na itatayo sa Paris.

"Bonjour, Mr. Gustave." bati ni dad nang magconnect na ang video call sa kanya.

"Bonjour, Steve." bati niya naman.

Nagsimula na ang meeting. Tatango-tango lang naman si Mr. Gustave habang isa-isang ipinapakita sa kanya ang disenyo ng hotel. Nagbibigay rin siya ng mga ideas niya para mapaganda pa ito at lalong mapalago ang business namin.

"I guess it's settled then." sabi ni dad nang magkasundo na ang lahat.

"Yes. So I'm expecting that the construction will start by next month, eh?" aniya.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon