45.1

3.9K 72 1
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 45.1

"Ate si Heaven oh! Sinapak nanaman ako!" narinig kong angal ni Percy mula sa playroom ni Heaven.

"Wag mo kasing pikunin! Mahilig ka din eh." sabi naman ni Blue na kasama nila sa playroom.

"Oh. Nag-aaway nanaman yung tatlo dun. Hahaha." tatawa-tawang sabi ni Orange.

"Yaan mo sila. Mga mahilig magrambol eh." sabi naman ni Maqui.

"Pano tong kapatid ko nag-utak 1 year old nanaman." dagdag ko.

Maya-maya ay pumunta silang tatlo sa kitchen. Sabog ang buhok ni Blue at si Percy naman ay may galos sa mukha.

"Ayoko na bantayan yang anak mo ate. Di Heaven ang dapat pangalan niyan eh." sabi ni Percy sabay lagay kay Heaven sa high chair.

"Oh. Ano nanamang pangalan naiisip mo? Mapagpatol ka din kasi eh." sabi ko.

"Hell dapat pangalan niyan eh. Grabe makakalmot daig pa pusa!" aniya. Pinitik ko naman siya sa tenga saka sinabunutan. "Aray! Mana nga sayo anak mo!"

"Mga pinagsasabi mo kasi. Dagdagan ko yan gusto mo?" hamon ko.

"Psh. Eh wala naman kasi akong ginagawa eh. Naglalaro lang kaming dalawa kanina bigla na lang nangalmot yang anak mo." aniya sabay turo kay Heaven na naglalaro lang naman ng laway niya.

"Heaven stop doing that." pagbawal ko saka pa pinunasan ang bibig niya.

"Ako nga pumigil lang, nabugbog eh." sabi naman ni Blue habang tinatali ng maayos ang buhok niya.

"Hay nako. Tignan niyo nga tong si Heaven nananahimik lang. Eh parang kayong dalawa pa nga yung nagbugbugan sa loob eh." ani Maqui sabay karga kay Heaven. "Right, batchoy?"

Tumango naman si Heaven at saka pa tinuro sina Blue at Percy. Tumawa naman kaming tatlo lalo na nang tignan siya ng masama ng dalawa.

"Kumain na nga lang tayo. We made sandwiches." sabi ni Orange at saka na hinain ang platter na may mga sandwich.

Agad na kumuha si Percy at Blue. Binigyan ko naman si Heaven ng maliliit na version ng sandwiches at tuwang-tuwa siyang kinain iyon.

Nagkwentuhan kami habang nagmmeryenda at tinatawanan naman namin ang itsura ni Heaven habang kumakain. Puro kasi crumbs ang paligid mg bibig niya at may jam pa siya sa bawat daliri.

"Batchoy, can I have?" tanong ni Percy at saka pa akmang kukuha mula sa maliit na plato ni Heaven.

"No!!" sabi niya sabay palo sa ulo ni Percy. "No Tito Ninong! No!" paulit-ulit niyang bigkas.

"Aray! Aray!" angal ni Percy saka pa lumayo dito. "Ate oh!"

"Wag mo na kasing asarin yan, Percy." bawal ni Maqui.

"Humihingi lang naman eh." sabi niya.

"Ang dami-dami nito Percy oh. Aagawan mo pa yung bata." sabi ko naman sabay abot sa kanya ng platter.

"Eh! Gusto ko yung maliit!" turo niya sa pagkain ni Heaven. Binatukan naman siya ni Blue dahilan para napangiwi nanaman siya.

"Mapilit pa? Mapilit pa? Ikaw paliitin ko gusto mo?" ani Blue.

"Grabe talaga kayong lahat. Napakasama niyo saken." sambit niya habang hinihimas ang ulo niya. "Di porket matatanda kayo saken gaganyanin niyo na--"

"Oh. Lamunin mo yang sandwich. Dami mong dakdak." ani Orange sabay pasak ng tinapay sa bibig ni Percy.

Umupo naman uli si Percy habang tinitignan kaming apat ng masama.

"Uyuyuy! Bukas pala andito na sina Matteo." sabi ni Blue makalipas ang ilang saglit.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon