19

3.7K 82 4
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 19

Elmo's POV

Ilang araw na ba ang nakalipas since that night? Ilang araw na ba akong hindi natutulog? Ilang araw na ba akong umuuwi galing school, expecting her to be waiting for me inside the library only to find out that she's not there? Ilang araw ko na ba siyang iniisip?

"It's been a week Elmo. Bakit ba nakakulong ka na lang palagi sa kwarto mo?" narinig kong sabi ni mom from outside.

Hindi ako sumagot at narinig ko na lang ang pagsinghap niya.

"Dinner's ready. Kumain ka naman please?" aniya bago umalis sa pinto ko.

Hindi ako gumalaw mula sa pagkakahiga ko dito sa kama. I don't know what's wrong with me basta ang alam ko hindi ako masaya. It's as if I'm feeling that same feeling when she left me. Pero ngayon, parang mas masakit.

"Kuya, someone's waiting for you downstairs." agad akong tumayo mula sa kama saka ako nagmadaling nagbukas ng pinto.

"Julie's here?!" excited na tanong ko. Hindi ko na hinayaang magsalita ang kambal at agad na lang akong tumakbo pababa.

"Oh. Para ka namang may race na sasalihan." napahinto ako sa pagtakbo when I saw who my visitor was. "Disappointed?"

"What're you doing here you moron?" tanong ko sa kanya.

"Ouch, dude! Ganyan ka ba ka-harsh pag heartbroken?"

"Ts. Go home, Gino. Wala akong panahon makipag-usap sayo." aakyat na sana ako nang bigla nanaman siyang magsalita.

"Okay fine. I just came by kasi iinvite sana kita sa gig namin."

"Ayoko."

"Ah. Okay. Andun pa naman sila Julie. Sige dude. Alis na ko ha?"

Si Julie? Nasa gig? Bakit?

"H-hoy! Gino!" tawag ko. Tumakbo ako palapit sa kanya at saka siya hinawakan sa balikat.

"Ano?" lumingon siya sa akin at saka ako nginitian ng nakakaloko.

"Seryoso ba yan? O ginagago mo lang ako?"

"Ts. Ako dude? Gagaguhin ka?"

"Oh bakit? Gawain mo yun eh."

"Psh. Elmo, di kita pinipilit na manuod sa gig ko okay? I'm just saying na andun sila Julie kasi yung venue namin na bar is owned by her friend's brother. Kaya ayun. Malamang may chance na andun sila. Pero ikaw. Bahala ka diyan. Your loss." sabi niya saka na ako iniwan.

"Tamo yun. Di man lang ako hinintay."

Umakyat na uli ako sa kwarto ko at saka sumalampak muli sa kama. Mukha namang nagjojoke lang si Gino eh. Mabuti pa itutulog ko na lang to.

KKKRRRRRRRRNNNNNGGGGGG!!!

"Psh. Sino ba to?" antok na sabi ko. "Hello?"

"Hoy dude. Asan ka?!" tanong sa akin ni Matteo. Maingay sa background niya at halatang nasa bar siya ngayon.

"Bahay. Bakit?"

"Pumunta ka kaya dito sa Blue Baja no? Andito sila Julie."

"Fuck you all! Wag niyo nga akong pinaglololoko ha. Kanina si Gino. Ngayon naman ikaw."

"Bahala ka. Andito naman talaga sila. Actually, she asked me kung asan ka daw."

"Go to hell, Matteo!" sabi ko saka na inend ang call.

Tulala nanaman ako sa kisame. I was told twice about where Julie is pero bakit parang di pa rin ako convinced? Is it because my friends are idiots and that everything they say is a joke?

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon