WANTED: TUTOR
Chapter 16
"Buti na lang andito ka pa. Akala ko wala ka na eh." sabi niya. Humigpit ang yakap niya sa akin at mas lalong bumuhos ang luha niya.
"Elmo, ayos ka lang ba ha?" tanong ko sa kanya.
"Dito ka lang. Wag mo kong iiwan."
"Eh paano naman kita iiwan eh ang higpit mo makayakap. Close ba tayo?" biro ko sa kanya.
"Please. Stay with me." makaawa niya.
Ano pa nga bang magagawa ko? Edi niyakap ko na lang siya pabalik. No choice naman eh. His crushing me with his strong arms and I just felt like a rag doll being hugged by a little kid.
"Sige. Hindi na ko aalis. Sabi mo eh." sabi ko sa kanya habang inaalo siya. Medyo kumalma naman na siya. Humupa na ang pag-iyak niya at hikbi na lang ang naririnig ko.
Lumayo na siya mula sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ko naman ang luha niya.
"T-thanks..."
"Sige na. Matulog ka na ulit." sabi ko. Hinawakan niya ang pulso ko saka siya dahan-dahan na humiga.
"Wag mo kong iiwan." sabi niya.
"Hindi kita iiwan. Dito lang ako. Promise."
"Diyan ka lang. Wag kang aalis. Please." aniya. "Stay with me."
"Yes, Elmo. I'll stay with you."
Hinila ko yung monobloc na nasa may isang tabi ng kama niya. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kaya dito na lang muna talaga ako. Walang kawala eh. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog siya. Mabilis pa rin ang paghinga niya kaya alam kong naiisip niya pa rin kung ano man iyong napanaginipan niya.
"Ano ba talagang kwento mo?" pagtataka ko habang pinagmamasdan siya.
Nagising ako nang bigla akong nakaramdam ng paggalaw. Nag-angat ako ng ulo at nakitang mahimbing pa rin ang tulog ni Elmo.
"Good morning po, ma'am. Mamaya po pala kukuhaan ng dugo si sir." sabi ng nurse sa akin. Nakita ko siyang kinukuhaan ng temperature si Elmo at pinapalitan rin ang dextrose niya.
"Ah. S-sige po." medyo inaantok ko pang sabi.
"Uhm. Yung listahan po pala ng urine count niya?" tanong niya sa akin.
"Ah. Wait lang po." sabi ko saka tumayo para kunin ang listahan ni Elmo sa may cr. "Ito po." sabi ko sabay abot sa kanya ng clipboard.
"Thank you po." aniya. Pinilas niya yung papel na puno na ng sulat at saka na nagpaalam.
Tumingin ako sa wall clock malapit sa kama ni Elmo at nakitang malapit na palang mag-7 ng umaga.
"Makaligo na nga." sabi ko saka na ko pumasok ng cr.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ko ng bathroom. Nagsusuklay ako ng buhok habang inaayos ang gamit ko at palakad-lakad sa buong kwarto. Para akong timang dito na di magkandaugaga sa ginagawa.
"A-aalis ka na ba?" nagulat ako nang biglang may magsalita sa likod ko.
Lumingon ako at nakita ang bagong gising na si Elmo.
"Oo. Maaga pasok ko today eh. Don't worry. Dadating na daw sila Tita Machie mamaya." sabi ko.
"Pero I told you to stay here." aniya.
"Elmo, I have to go to school. Ipapaalam ko pa sa lahat ng profs mo na aabsent ka for a week dahil sa sakit mo. Isa pa, I'm going to ask them to give you a weeks-worth of homework para makahabol ka sa lesson. Plus, I'm also a student Elmo. I need to study."
BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
FanfictionA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!