15

3.9K 72 3
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 15

Julie's POV

Naalimpungatan ako nang biglang pumasok sa kwarto ni Elmo ang 2 nurse. May isang kumuha sa blood pressure niya at ang isa naman ay chineck ang dextrose niya.

"Ano pong nangyari sir?" narinig kong tanong ng nurse.

"Bigla po kasing nagpalpitate yung puso ko. Baka po mamatay ako." sagot ni Elmo.

"Ha? Eh may nainom po ba kayong energy drink or kung ano? Nako sir bawal yun."

"Ha? W-wala, wala. Bigla lang talaga bumilis ang tibok ng puso ko." sabi niya.

"Hm. Medyo mataas nga po ang bp niyo eh. May sakit ba kayo sa puso sir?"

"Wala po."

"Magugulatin ka ba sir or matatakutin ka ba?"

"H-hindi po." sagot naman niya.

Tumingin sa akin ang dalawang nurse. Tumango ang isa at nagkatinginan silang dalawa saka nagngitian. Mga adik ba mga tao dito?

"Nurse, ano pong problema?" ako na ang nagtanong.

"Wala naman po, ma'am." sagot nung isa saka nagbalik ng tingin sa kay Elmo. "Sir normal lang po yan." sabi niya.

"Normal? Impossible. Ang bilis talaga ng tibok eh!" nagpapanic na sabi ni Elmo.

"It's normal sir. Ganyan talaga pag inlove." kumindat naman yung isa saka na sila lumabas ng kwarto.

"Inlove?" pagtataka ko. Lutang pa ko since kagigising ko lang kaya tumingin ako kay Elmo. "Naiinlove ka rin palang kumag ka? Hahaha." sabi ko saka na natulog ulit.

Pasikat na ang araw nang magising ako ulit. Sakto ay papasok pa lang ang nurse para icheck uli ang bp ni Elmo at para na rin palitan ang dextrose niya.

"Good morning po ma'am." bati sa akin ng nurse. "Nagpalpitate daw po ang puso ng boyfriend niyo kagabi sabi sa akin nung ibang nurse. Okay naman na po ba siya?"

"Ha? Hindi ko po siya boyfriend. Haha. Okay naman na po. Siguro kinabahan lang siya kagabi kasi first time niya talaga sa hospital." sabi ko.

"Ah okay. Akala ko po boyfriend niyo siya eh. Bagay pa naman kayo ma'am." hagikgik niya.

Adik nga ata talaga mga tao dito. Delikado ako dito.

"Haha. Ikaw talaga ate. Joker ka." sabi ko.

"Haha. Di naman po." nakangiting sabi niya. "Paggising po ni sir, painumin lang po agad siya nitong mga gamot niya after magbreakfast. Bawal pa rin po sa kanya ang may kulay na pagkain. Tawagin niyo na lang po kami kung nay emergency."

Tumango na ako saka na siya lumabas ng kwarto.

"Boyfriend daw? Jusmiyo marimar. Di kaya tinutungga ng mga nurse yung dextrose pag walang magawa?" pagtataka ko. Sinilip ko si Elmo at dahil masarap pa ang tulog niya ay naisipan kong bumaba muna para makabili ng almusal ko.

Pumasok ako sa Starbucks dito sa ground floor ng hospital. Dito ko naisipang bumili ng breakfast since mas malapit ito sa entrance ng hospital. Yung resto kasing iba ay nasa kabilang building pa. Pagkaorder ko ng coffee and sandwich ay bumalik naman agad ako sa taas.

"San ka galing?" nagulat pa ko nang nagsalita si Elmo pagbukas ko pa lang ng pinto.

"Ha? Bumili akong food ko sa baba eh. Andyan na ba yung food mo?" tanong ko. Dumungaw siya sa side table niya at nakita ko namang may tray na ng pagkain dun.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon