27

3.9K 81 3
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 27

Elmo's POV

"Let's meet halfway, Elmo."

Napahinto ako nang marinig ko ang mga katagang iyon. Halfway. It means, may chance nga talaga ako?! As in may chance ako na maging girlfriend ko siya?!

"W-what?" shit ka Elmo. Bakit ngayon pa sinumpong yang sakit mo kung kailan ganito ang sitwasyon?! Humarap ako sa kanya at nagkasalubong ang mga mata namin. Julie, why do you have to be so damn gorgeous?

"I said, let's meet halfway. I'll give you a chance. I'll ask you to wait and maybe one day, maramdaman ko rin yung nararamdaman mo. That maybe someday, I can finally love you in return."

"I will wait for you Julie. Kahit saang bus stop or waiting shed pa yan. Hihintayin kita." sabi ko. "Thank you."

"For what?" kunot-noong sabi niya.

"For giving me a chance."

Napangiti siya saka yumuko. Nahuli ko pa ang pamumula ng pisngi niya.

"K-kumuha ka na nga ng drinks. Nauuhaw na ko." utos niya habang nakayuko pa rin.

Lumapad ang ngiti ko saka ko pa ginulo ang buhok niya bago naglakad palabas ng eantertainment room.

Pagbalik ko dun ay naabutan ko siyang nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa at nakapikit. Dahan-dahan kong nilapag ang juice na kinuha ko saka tumabi sa kanya. This is my chance to memorize her face. Bawat himaymay ng mukha niya, pwede kong makabisado. Titig na titig pa ko sa kanya nang bigla siyang dumilat at nahuli akong nakatingin sa kanya.

"Staring is a crime, Elmo."

"I told you. It's okay to rot in jail as long as I can stare at you all day." sabi ko sabay kumindat sa kanya.

Umayos siya ng upo at saka uminom ng juice.

"Alam mo, let's finish this movie." sabi niya at pinindot na ang play button sa remote.

Nagpatuloy na nga kami sa panunuod ng movie. Nasa part na kami na ginagawa ng dalawang bida yung mga wish nung babae bago siya mamatay.

"Alam mo ba, isa rin sa bucketlist ko yan." biglang sabi ni Julie.

"Bucketlist?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at tumango.

"Bucketlist. Alam mo yun? It's a list of things you want to do before you die. May movie about that. Di mo ba pinanuod?"

"I don't watch dramas or the like. Puro action and horror ang pinapanood ko. Sometimes cartoons kapag kasama manuod ang kambal." sagot ko.

"Well. It's a must watch. So try that okay? Di naman siya heavy drama. It's actually a family movie." sabi niya naman. "Anyway. Ayun nga. Isa sa nasa bucketlist ko yan."

"Ang alin? Panuorin tong movie?" tanong ko.

"You're stupidity level has come to its peak. As in wala ka ng chance." sarcastic na sabi niya.

"Ts. Nagtatanong lang eh."

"Yung mga tanong mo kasi pang bobo." sagot niya naman. "What I mean is, isa sa bucketlist ko yung nasa bucketlist ni Jamie. To be in 2 places at once. But I don't think it's possible here. Wala naman tayong iba't ibang states eh."

"Hm. Malay mo magawa mo rin yan. There will always be a right time for everything." sabi ko. Tumango lang siya saka na kami nanahimik ulit.

Pagkatapos namin sa ikalawang movie ay naisipan kong yayain na lang muna siyang kumain. Hindi naman uuwi sila mom ngayon. Day-off nanaman ng maids. So no choice kaya ako lang ang mag-isa dito sa bahay.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon