9

3.6K 62 1
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 9

Elmo's POV

Finally! Bati na ba tayo author at may POV na ko sa kwento mo? Ha? Ha? Bwahahahaha. Uy thank you ha? Sabi na may puwang pa rin ako diyan sa puso mo kahit katiting lang eh. Aylabyu!

A/N: Baliw si Elmo. Sure na! 😂

*****

"Hoy Elmo!" natulak ko yung kadate ko nang marinig ko ang isang sigaw.

Napalinga-linga ako sa loob ng madilim na sinehan pero wala naman akong nakitang kakilala ko kaya humarap uli ako sa kadate ko.

"Psst! Ungas! Hoy!" narinig ko nanaman.

Tumingin ako dun sa gitnang row dito sa pinakalikuran ng sinehan at dun ko nakita ang grupong kung pwede ko lang tirisin eh nagawa ko na.

"What are you doing here?!" galit na tanong ko.

"Angas mo tanga! Sinehan to. Public area kaya pwede kahit sino dito!" pabulong na sigaw nung isang babaeng may dimple sa kanan.

"Who are they, babe?" tanong ng kadate ko.

"Ha? I don't know. Some creatures. Tara lipat na lang tayo." anyaya ko sa kanya sabay tayo na at hinatak siya palabas.

Nang makalabas kami ng sinehan ay may narinig akong bulungan at parang mga yabag ng paa na humahabol sa amin.

Lumingon ako at nakita ko nanaman sila.

"What now?!" iritang tanong ko.

"Group project pala ha? Ano kayang sasabihin ng mommy mo pag nalamang yang group project mo eh study the human anatomy inside the cinema? Ha?!" sabi ng nerd na to.

"Look, nerd. This is none of your business okay? Kaya pwede ba? Wag kang magbida-bidahan diyan?" sabi ko.

"Uhm. Babe sino ba sila?" tanong ni Denise? Daryl? Ah basta siya!

"I'm Julie and these are my friends: Maqui, Orange and Blue." aniya. "Ako ang private tutor ni Elmo."

"Private tutor?" pagtataka niya. "Ano yun?"

"Ay. Boba." narinig kong bulong nung sinabi ni nerd na Blue ang pangalan. Naghagikgikan ang tatlong kaibigan ni Nerd samantalang siya naman ay poker face lang.

"Private tutor niya ako. Ako ang responsable sa pagtuturo sa kanya tungkol sa lahat ng di niya alam sa school at ako ang may responsibilidad na patinuin siya."

"Ah. Yun pala yon."

"Nadali na." sabi naman nung Orange.

Tumikhim si Nerd dahilan para matigil sa pagtawa ang tatlo niyang kaibigan.

"Anyway. Sinabi kasi sa akin ni Elmo that he has a group project to make kaya di kami magkakaron ng tutoring session ngayon." sabi niya sabay tingin ng masama sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. "Hm. By any chance, classmate ka ba niya? Groupmates ba kayo?"

"Uhm. No. I-I thought di ka na nag-aaral?" tumingin naman sa akin tong kadate ko. Patay na.

"H-hindi! Wag kang maniniwala sa sinasabi niyang nerd na yan. Stalker ko yan kaya ganyan yan." sabi ko saka humarap kay Nerd. "Pwede ba, Nerd? How many times do I have to tell you na I'm not interested?!"

"Kapal ng mukha mo! Bakit? Kainte-interes ka ba ha? I don't like birdbrains. Much more kung isang katulad mo na hangin ang laman ng utak." sabi niya.

"Booyah!" sabi nung tatlong kaibigan niya.

"Nga pala, miss." sabi niya sabay tingin dun sa kadate ko. "Try asking him your name. Baka kasi sa dami ng dinedate niya sa isang araw eh hindi ka naman pala niya kilala." kumindat pa siya dito at saka na sila naglakad palayo.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon