31

3.9K 88 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 31

Elmo's POV

"Bored ako." sabi ni Zac.

Andito kami ngayon sa bahay nila Gino para magjamming. Wala kasi ang mga kabanda niya so kaming mga band wannabes ang papalit. Hoy! Wag kayo agad magjudge. Tumutugtog kami no. Si Matteo magaling yan sa beatbox at drums. Si Zac at ako naman sa gitara. Kaya wag kayong ano diyan.

"Oo dude. Boring talaga." sang-ayon ko naman.

"Swimming tayo!" masiglang sabi ni Matteo.

"Mukha ka ng shokoy pre." halakhak ni Gino.

"Ulol! Syempre uso naman magunwind no. Nakakastress din kaya yung mga bagong members ng team." sabi naman ni Matteo.

"Eh teka. Plano tayo nang plano, si Elmo ba may planong sumama yan?" narinig kong sabi ni Zac.

"Oh. Ako nanaman?" pagtataka ko.

"Oo dude. Ikaw nanaman. The last time we planned an outing ay buhay pa si Bella kaya di ka sumama kasi magkasama kayo sa Malaysia nun for her auditions. And now that we're planning another outing ay may Julie ka namang nililigawan. So ano? Sasama ka ba?" tanong sa akin ni Gino.

"Oo. Sama ako." sagot ko saka kinuha ang gitara niya sa guitar stand.

"Yun oh!" sabay-sabay na sabi nila at nag-apir pa.

"Pero isama natin sila." dagdag ko.

Napahinto sila sa pag-uusap at napatingin sa akin.

"Sila?"

"Oo. Si Julie, si Maqui at yung kambal." nakangiting sabi ko. "Ano, Teo? Si Blue andun."

"Ts. Di naman ako pinapansin ni Beatrice eh. Lagi na lang nakaamba ng suntok." reklamo niya.

"Teka! Isasama sila? Paano yun? Di tayo mag-eenjoy brad!" angal ni Zac. "Dami pa namang magagandang chics sa beach."

"Dali na kasi. Mas madami, mas masaya." sabi ko. "Ano?"

"Oo nga. Sama na natin sila. Mapormahan ko man lang si Maqui." ngingiti-ngiting sabi ni Gino.

"Takte! Crush mo si Maqui?!" gulat na tanong ni Matteo. "Kaya pala nananahimik ka na sa mga chicas mo ha. Bwahahaha. Fuck you dude."

"Fuck you too! Nakakasawa din naman mambabae no. Diba, Elmo?"

"Haha. Oo. Kaya magsitino na tayo. Si Zac, wala ng pag-asa yan." sabi ko.

"Gago kayo! Nananahimik ako ha."

"Bwahaha. Wala ka dude. Mahina ka." asar sa kanya ni Gino. "Oh teka. San na ba tayo magsswimming?"

"Ewan ko." kibit-balikat kong sabi at nagsimula na magstrum sa gitara. "Somewhere far. Yung nakakarelax talaga."

"Hm. Boracay is far. But not relaxing." ani Zac.

"Yeah. Palawan is far and relaxing. But too expensive." sabi naman ni Matteo.

"Uh-huh. Subic is far and relaxing. Pero nakakasawa na." sabi ko naman.

"My uncle has a beach house in Baler. It's far, it's relaxing and it's not that expensive. Hindi pa nakakasawa. Plus! It's the surfing capital of the Philippines."

Nagliwanag ang mga mata namin. Baler would be nice. Wala pang nakakapunta sa amin dun. Mukhang masaya nga.

"Pwede tayo dun. How many hours ba papunta?" tanong ko.

"It's a 6 to 7-hour drive. Depende na lang kung madami tayong stopovers or something."

"That's nice. Madaming surfing chics dun!" bulalas ni Zac.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon