WANTED: TUTOR
Chapter 24
Matalim ko siyang tinitigan pagkasabi niya nun.
"Haha. Works everytime." sabi niya.
Agad ko siyang binatukan dahilan para humagalpak siya ng tawa.
"Pervert!!" sabi ko sa kanya pero tawa lang siya nang tawa.
Sa sobrang inis ko sa kanya ay kinurot ko siya sa tagiliran. Depende kung san na dumapo ang mga kurot ko.
"H-hey! Stop it! Hahahahaha. Julie! Stop!" hagalpak niya.
"Bunganga mo talaga di mo mapigilan. I told you I'm not one of your toys okay?! You stupid pervert!"
"Hahaha. Julie stop! Baka mabangga tayo!" aniya.
"Bwiset ka!" sabi ko. Hinampas ko siya sa braso saka na lang tumingin sa labas ng bintana.
Kinukulit niya ko nang kinukulit pero di ko siya pinapansin. Bahala ka diyan. Mamatay ka sa kakulitan mo.
"Ikaw talaga. Joke lang naman yun eh." aniya.
"Jokes are half meant, Elmo." sabi ko.
"Alam ko. Pero di ko naman gagawin yun sayo kung ayaw mo. I'm not that desperate Julie. Kaya ko pang maghintay."
"Don't talk to me." sabi ko at lalo pang nag-iwas ng tingin sa kanya.
Nasa may QC na kami kaya naman umayos na ko ng upo. Inayos ko na rin ang buhok ko kung nagulo man at saka na chineck ang phone ko sa oras. 11:30. Sakto lang pala ang dating namin sa bahay.
"Daan ka sa Katipunan. Tapos diretso ka hanggang bago mag Old Balara. Kanan ka then left sa first village. Yung Pinnacle." sabi ko sa kanya.
Tumango lang siya pero ramdam kong paminsan-minsa'y tumitingin siya sa gawi ko habang ang isang kamay niya ay pinaglalaruan ang labi niya. Naaaninag ko ang pagngisi niya at pagkatapos ay kakagatin ang lower lip niya.
"Stop doing that." sabi ko kahit di ako nakatingin sa kanya.
"Stop what?" tanong niya.
"Yan! Yang pagllipbite mo. Stop it!" iritang sabi ko.
"Oh. Anong mali sa ginagawa ko?"
"Ugh. Basta. Tigilan mo yan."
"Tsk. Hindi ko mapigilan eh. Gusto kasing dumampi sa labi mo."
Mabilis akong tumingin sa kanya saka ko siya piningot sa tenga.
"Araaaaaaay!!!" aniya. "Ouch! Aray! Julie mababangga tayo ano ba!"
"Tumigil ka sa mga sinasabi mo Elmo ha. Sinasabi ko sayo. Di mo ko madadaan sa mga ganyan mo ha." sabi ko sa kanya habang pinipingot ko pa rin siya.
"Oo na oo na! Just let go of my ear!"
Binitawan ko nga ang tenga niya pero tinitignan ko pa rin siya ng masama. Pasalamat siya gwapo siya. Kundi, kanina pa basag yang mukha niya.
"Staring is a crime, babe." aniya.
"Babe ka diyan?! Tayo ba ha?!"
"Hahaha. Gosh. So hotheaded." bulong niya. "Pasalamat ka maganda ka eh."
"At bakit?"
"Kasi kung hindi? Baka kanina pa kita binaba sa gitna ng kalye. Hahaha."
"Ts." irap ko.
Lumingon ako sa labas ng bintana. Nasa Pinnacle na kami. Huminto siya sa may guard house at binaba ang bintana. Dumungaw naman ako sa bintana niya para batiin ang guard.
BINABASA MO ANG
Wanted: Tutor
FanfictionA DerpHerp Fan-fiction This story is filled with typographical and grammatical errors. Ignore them and just enjoy the story. Thank you!