25

3.7K 83 7
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 25

Elmo's POV

Nandito ako ngayon sa entertainment room nila Julie. Actually I can't help myself from roaming my eyes around their house. Ang laki kasi. Though malaki naman yung amin but still. It's like you're living in 3 mansions combined to 1 here. And they live in The Pinnacle people. It's one of the executive villages that only allows a maximum of 20 homes!

Kanina pa lang pagpasok sa gate nila ay namangha na ako. It's a Modern-Contemporary type of house. Pagpasok sa gate ay may pocket garden sila. There's a stairs leading to their main door at sa gawing kaliwa ay ang daan sa garage, maid's quarters and sa basement ng bahay. Sa kanan naman kung nasan ang garden ay may stonepath leading to the back of the house. Pagpasok mo naman sa maindoor ay bubungad sayo ang living area nila. High ceiling ang ground floor nila. They also have a custom made chandelier na animo'y patak ng tubig ang disenyo. Tapos may dalawang staircases sa dulo ng living area. Ang isa ay paakyat ng second floor at ang isa naman ay pababa sa basement. Nasa second floor ang mga kwarto nila. Tapos ay sa may gawing kaliwa nun bago ang isang kwarto ay may hagdan rin na patungo sa attic, ayon kay Julie. Pagbaba mo sa basement ay ang dining area nila. Kapag lumiko ka sa kanan mo mula sa hagdan ay may hallway kung san makikita ang 3 guestrooms, isang library, isang opisina at ang entertainment room at may arcade pa sila. Sa likod naman ng 12-seater table nila ay ang sliding door patungong lanai. Sa gawing kaliwa ay may swingdoor na patungo sa kitchen. Malaki ang kitchen nila. Akala mo nasa restaurant ka sa sobrang laki nun. May nakita pa nga akong head chef na andun. Paglabas naman sa lanai ay may makikita kang isang set ng couch at isang outdoor table. Kita mo rin ang malawak na garden at ang pool nila na may man-made falls pa. Pero pinakagusto ko sa pool nila ay ang floating bar area na kasalungat ng man-made falls. Sa bar area na yun ay may mga stools na nasa tubig. Tapos ay ang bar counter at sa kabilang side ng counter ay ang mga shelves na puno ng iba't ibang klaseng alak. Nakakalaglag panga sobra. And to think na sila lang ang nakatira dito kasama ang mga maid nila. Grabe.

"What are your parents' job?" tanong sa akin ni Percy.

Kaming dalawa lang ang nandito sa entertainment habang nanunuod ng baseball game. Yankees vs Red Sox. Gusto kasing makausap ni Tito Steve si Julie kaya iniwan muna nila kami dito.

"Uhm. My dad's a Chief Marine Engineer. He's also the president of the Magalona Maritime Lines. And my mom's the CEO of the Arroyo-Magalona malls." sabi ko.

"Uh-huh. Siblings?" walang interes na tanong nanaman niya.

Sa totoo lang unang beses ko itong kabahan. Kung di lang siguro ito pamilya ni Julie? Baka kanina pa umiiyak ang batang to. Pero hindi eh. Pamilya siya ni Julie. Kaya heto. Nawawala na ang puso ko sa kaba.

"I have twin brothers."

"They must be unlucky."

"You could say that." sabi ko. "Homerun." dagdag ko nang makahomerun si Jeter.

"Sports?" tanong niya.

"I play basketball and Muay Thai." sabi ko.

"Okay. I play basketball too. Favorite team?"

"Miami Heat." sagot ko. Tumingin siya sa akin saka nilahad ang kamay niya. Nagtaka naman ako pero kinuha ko iyon.

"We're teammates." aniya and after all those questions ay saka pa lang gumaan ang pakiramdam ko. "One last question."

"Shoot." sabi ko. Ayan. Kinabahan nanaman ako.

"Do you like my sister?" seryosong tanong niya saka pa ako tinitigang maigi.

"Yes." agad kong sabi.

"Follow-up. Why?" tanong niya.

"I can't explain it. I think it just happened that I started liking her. Maybe because she was the only one who never showed interest in me. And also the fact that she uhm, she somehow looked like the girl I lost."

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon