34.1

4.1K 75 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 34.1

Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog pa si Maqui sa kabilang kama at hindi pa rin sumisikat ang araw. Anong oras na ba? Tumingin ako sa phone ko at nakitang 5:30 pa lang. Hindi pa nga sikat ang araw. Naisipan kong maghilamos na at magtoothbrush at pagkatapos nun ay lumabas ako at naglakad-lakad sa beach.

Wala pang gaanong tao sa beach. May nakita lang akong mag-asawang matanda na naglalakad sa dalampasigan at magkahawak pa ang kamay. May nakasalubong rin akong isang kaedad ko sigurong babae na nilalakad ang alaga niyang asong Labrador. Binati niya ako at kumawag rin naman ang buntot ng aso niya habang kumakahol sa akin. Ngumiti ako sa kanila at saka na nagpatuloy sa paglalakad. Nang mapagod ako ay umupo ako sa buhangin. Madilim pa rin. Palibhasa ay -ber month na kaya mahaba na ang gabi.

"You're up early." pagtingin ko sa nagsalita ay si Elmo pala.

Nakasuot siya ng dri-fit shirt at jersey shorts at nakarunning shoes. Siguro ay nagjogging siya kanina habang tulog pa ang iba.

"Ah. Yeah. Early bird eh." sabi ko.

"Uh-huh." tango niya. "May I?" tanong niya sabay muwestra sa tabi ko.

"Yeah sure." sagot ko naman. "Ikaw? Ang aga mo ata?"

"Yeah. I wanted to jog habang hindi pa sumisikat yung araw. Sabi kasi maganda raw ang sunrise dito so naisipan kong magjogging habang hinihintay yung pagsikat ng araw. Hindi ko naman aakalain na makukumpleto na agad yung araw ko kahit wala pang sunrise." seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Huh? Buo agad araw mo?"

"Yeah. Seeing you here, sitting beside me as the sun tries to wake himself up, completes my day."

"Mr. Banat 101." biro ko. Pero sa totoo lang kinilig ako sa sinabi niya. Damn you, Elmo!

"Tara. Lakad tayo." anyaya niya at saka siya tumayo at nilahad ang kamay sa akin. Kinuha ko iyon at inalalayan niya akong makatayo.

Nagsimula na kaming maglakad sa may dalampasigan. Malalakas ang alon ngayong umaga. Sabi rin nila Rocky kahapon ay mas malalaki ang alon kapag umaga. Mas masaya magsurfing. Pero ngayong oras na to, mas gusto ko ang maglakad lang. Kasama si Elmo. Habang magkahawak kami ng kamay.

"Alam mo ba na dream date ko yung ganito?" biglang sabi niya makalipas ang ilang saglit ng katahimikan.

"Ang alin? Date sa beach?" tanong ko.

"Yeah. I've always wanted to date the girl I love on the beach. Yung magddinner kami then maglalakad-lakad tapos magsstargazing. Kahit ano. Basta sa beach. And you made that happen." sabi niya.

"I didn't. You were the one who asked me to walk with you." sabi ko. "Tsaka, umaga pa lang eh."

"And this is the best version of my dream date. Sabi mo saken, ayaw mo ng magastos na date. Ang sabi mo, ayaw mo na ginagastusan ka ng lalaking nanliligaw sayo. Julie, I can't promise na di ako gagastos sayo. Pero I will always do everything that will make you happy. Even if it's just as simple as this." sabi niya sa akin.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya na siya namang ikinagulat niya. Napatingin pa siya sa akin at animo'y nagtataka sa ginawa ko.

"The simpler, the better Elmo. I don't want you to spend money on me kasi mas gusto ko yung oras mo na lang ang ibigay mo sa akin. I'm not materialistic. I just want you to spend your every minute with me." sabi ko.

Napangiti siya sa sinabi ko at saka tumango. Nagulat naman ako nang huminto siya sa paglalakad at saka pa humarap sa akin.

"Pwede ba kitang mahug? Kasi kanina ko pa pinipigilan yung sarili kong halikan ko. So pwede bang yakapin na lang kita?" paalam niya.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon