5

3.7K 71 0
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 5

"Look out!!" sigaw ng dalawang bata.

Umilag kami ng kasambahay nila para hindi matamaan ng rocketships na pinalilipad nila.

"Alright!!! Wahahahaha. Success, Luke!" sabi nung isa habang tumatakbo palabas ng bahay para kunin ang dalawang rocketships.

Lumapit naman yung isa sa akin at saka ako tinitigan. Nilapitan siya nung sa tingin ko'y kakambal niya at tumitig din sa akin. Ngumiti ako sa kanila pero tinaasan lang nila ko ng kilay.

"Who are you?"

"What are you doing here?"

"Are you kuya's girlfriend?"

"How did you meet?"

"Were you drunk when you saw kuya?"

Sunud-sunod na tanong nila habang papalapit lalo sa akin. Umatras naman ako hanggang sa napasandal ako sa isang pinto.

"A-ah n-no." utal-utal na sagot ko.

"Lucas, Lance!" narinig kong tawag ng isang babae.

Agad na napatingin ang kambal sa kanya at saka sila lumayo sa akin. Tumingin naman sa akin yung babae at ngumiti. Hula ko ay siya ang mommy nila dahil kamukhang-kamukha niya ang kambal na batang nasa harapan ko.

"G-good afternoon po." bati ko.

"Good afternoon. So? Ikaw ba ang bagong tutor ng anak ko?" tanong niya. Tango lang naman ang sagot ko. "Hey, wag kang mahihiya sa akin ha? I'm Maricar Magalona, mommy nila." aniya.

"Nice to meet you po, ma'am. J-Julie Anne San Jose po." sabi ko naman.

"Nako. We don't have to be too formal here. Just call me Tita Machie. Okay?" nakangiting sabi niya sa akin.

"Okay po."

"Hey hey! Mom! What about us? What about us?!" paulit-ulit na sabi ng kambal. Tumingin kami ni Tita Machie sa kanila at nakita kong tumikhim sila at inayos ang taas-taas na buhok bago tumingin sa akin.

"I'm Lance!" / "I'm Lucas!" sabay na sabi nila sabay lahad ng kamay. "We're twins!"

"Hello, twins." bati ko naman habang sabay nilang inaalog ang kamay ko.

"Boys, stop it. Baka malaglag ang kamay ng ate niyo." sabi ni Tita Machie sa kanila.

Huminto ang kambal saka ako tinignan ulit.

"Mom, we don't need a tutor." ani Lance.

May pagkakaiba ang kambal na ito kaya madali ko silang nakilala. Si Lance ay may dimple sa kaliwang pisngi samantalang si Luke naman ay sa kanang pisngi ang dimple.

"She's not your tutor, Lance. She's your kuya's tutor." sagot ng mommy nila.

"Kuya?!" pagtataka ng dalawa at saka pa nagkatinginan pagkatapos ay sabay na humagalpak.

"Pagpasensyahan mo na ang kambal. Madalas talaga nilang asarin ang kuya nila dahil palaging may tutor na nagpupunta rito."

"Okay lang po yun." sabi ko.

"Anyway. Why don't you join us for a little snack lang while we wait for my son. Okay?"

Tumango ako saka ko na sila sinundan patungo sa garden nila sa likod ng bahay. Pumwesto kami sa maliit na gazebo nila habang hinahanda ng mga kasambay ang meryenda.

"Ate, do you like science?" tanong ni Luke.

"Yes." sabi ko.

"Woah!!! Do you do experiments?" tanong naman ni Lance.

"Hm. When I was a senior in highschool, I won the Science Fair competition." sabi ko.

"Awesome!!!!" sabay na sabi nila sabay nag-apir pa.

"What was your winning piece?"

"Hm. It's a rocketship. Just like what you have but mine's controlled with water." sagot ko.

"That's so cool!!!" sabi nila.

"So, Staffordshire University ka pala?" tanong ni Tita Machie.

"Yes po."

"Anong course mo?"

"Ah. International Studies po." sabi ko.

"Wow. That's nice. My son's taking up Management. Are you sure hindi ka mahihirapan na turuan siya? Magkalayo ang course niyo, hija."

"Okay lang po. I learned management by myself naman po."

"Well, that's nice. Atleast pala hindi ka mahihirapan."

"Opo."

"Anyway, according to my husband, anak ka daw ni Mr. Steve San Jose?"

"Ah. O-opo."

"So, hija. Bakit naisip mong magtrabaho? I mean, your family's one of the richest family in the Philippines."

"Uhm. Sa totoo po kasi, nahihiya na po talaga ako kay dad manghingi ng pera for the things that I want. Spoiled na po kasi sa kanya ang kapatid ko and ayoko na dumagdag pa sa pangungulit kay dad about sa mga kapritso ko lang naman. And isa pa po, gusto ko po kasing maexperience na pagpaguran yung perang ginagastos ko para alam ko po kung gaano nagpapakahirap si dad para ibigay yung gusto namin." sabi ko.

Ngumiti si Tita Machie sa akin.

"If only my son's like you. Baka ako na ang pinakamasayang nanay sa mundo." sabi niya.

"Ha? Bakit po?"

"My son's a spoiled brat. Masyado kasi naming tinuon ni Richard sa kanya ang pansin namin dahil nga malayo ang age gap niya at ng kambal. Kaya ngayong 20 na siya, kami rin ni Richard ang hirap. He's a rebel. Hindi ko alam kung bakit nagrerebelde siya gayung wala naman kaming pagkukulang sa kanya mula bata siya. I don't even know why he keeps on getting failing marks samantalang mula bata siya ay may private tutors na siya."

Hindi ako nakasagot. Ang hirap siguro ng sitwasyon nila Tita Machie dahil sa kalokohan ng anak nila.

"Excuse me lang Julie ha? May kukunin lang ako saglit sa kwarto." sabi niya.

"Sige po."

Umalis na siya sa garden at iniwan akong kasama ang kambal. Nagkkwentuhan ang kambal sa plano nilang gawin at paminsan-minsa'y nagtatanong sila sa akin.

"Ate, if we ever try your water blasting rocket, what materials do we need?" tanong ni Lance sa akin.

"You just need a recyclable bottle, a cork and an airpump."

"That's all?!"

"Yeah."

"No need for remote controls or anything?"

"Nope. It's just a simple science experiment, Luke." sabi ko.

"Cool! Let's try it, Lance!" anyaya ni Luke sabay hatak sa kakambal para pumasok sa loob.

Bumalik naman agad si Tita Machie mula sa loob at muling umupo sa tapat ko.

"Onga pala, Julie. Here are my son's books. Dito na lang kayo sa gazebo mag-aral para presko." sabi niya.

"Okay po." sabi ko naman.

Tahimik na lang kami ni Tita Machie. Abala rin kasi siya sa pakikipag-usap sa telepono tungkol ata sa business niya kaya di na lang ako nagsalita. Ayoko naman siyang gambalain.

Uminom lang ako sa juice saka kumain ng cake habang hinihintay ang anak nilang tuturuan ko nang may tumabi sa aking lalaki at marahas na ininuman ang baso ko.

"What the--" sabi ko.

"Ma, walang lasa yung juice ni manang. Pagtimplahin mo ng bago. Gusto ko ng iced tea." masungit na sabi niya. Tumikhim si Tita Machie saka siya pinandilatan ng mata bago tinapos ang pakikipag-usap sa telepono.

"Elmo, why don't you greet your new tutor first. Hindi yung nagrereklamo ka agad diyan." ani Tita Machie.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan niya. Parang narinig ko na yun dati. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at mas nanlaki ang mata ko sa nakita. Seryoso ba to?!

"IKAW?!!"

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon