17

3.9K 80 1
                                    

WANTED: TUTOR

Chapter 17

"Pero ikaw ang madalas na bukambibig niya sa klase ko." ani Ms. Cruz.

"P-po?" pagtataka ko. "A-ako?"

"Yes. He's always, Julie can do this. Julie can do that. Julie this and that. Puro ganun."

"Ah. Baka po nagkakamali kayo. I'm his private tutor. Not his girlfriend po."

"Really? Coz I've never seen that boy talk about someone like that." pagtataka niya. "Anyway. Just let him know na excused siya and puntahan mo ko mamaya sa faculty room. I'll give you his homeworks."

"Okay po. Thank you, miss." sabi ko saka na ako naglakad papunta sa kubo.

Nadatnan ko na dun sina Maqui at ang kambal. Abala sila sa pagkkwentuhan at nang maupo ako sa tabi nila ay agad nila akong niyakap na tatlo.

"My gosh! I miss you bes! Kailan ka ba uuwi?" tanong ni Maqui sa akin.

"Sa condo na ko mamaya. Though pupunta muna ako sa hospital para ihatid yung homeworks ni Elmo for this week."

"Nako ha. Nagseselos na kami ha." ani Blue.

"Oh bakit naman?" pagtataka ko.

"Lagi na lang kasi si Elmo eh. Pupuntahan ko pa si Elmo. Bibigay ko pa to kay Elmo. May gagawin pa kami ni Elmo. Nubayan." reklamo niya.

"Blue, trabaho naman kasi to eh."

"We know that Jules. Buti nga at alam naming trabaho yan eh. If not? Then we'd think na may something na pala between you two." si Orange ang nagsalita.

"Yeah. Basta bes. Work lang talaga yan ha?" sabi naman ni Maqui.

"Oo naman no. Ang aadik niyo. Alam niyo namang wala akong panahon sa lovelife na yan eh." sagot ko sabay kuha dun sa isang burger na nasa gitna ng table.

"You can never tell, bes. Minsan kahit ayaw mo, kusang titibok ang puso mo para sa isang tao." ani Maqui.

"Trust me, bes. Hindi mangyayari yun. I have dreams to fulfill and having a lovelife is not one of them."

"Haha. Just reminding you. Anyway, how's your monster patient?" tanong ni Orange.

"Monster turned to coward." simpleng sagot ko.

"Why?"

"Aba ang halimaw, takot sa karayom?! Hahaha."

Nagtawanan silang tatlo sa sinabi ko. Napahiga pa nga si Blue sa bench sa sobrang tawa niya eh.

"Seryoso?! Hahahahahahahahaha."

"Yeah. He's scared of needles and blood. Kanina nga, kinuhaan siya ng dugo tapos alam niyo ba, tinawagan niya pa ko para lang sabihin sa mga nurse na wag siya kunan ng dugo. Hahahaha."

"Grabeeeeee! Duwag naman pala yang alaga mo eh. Kung makaastang halimaw kala mo kung sino eh. Biglang takot pala sa karayom at dugo? Hahahahaha." sabi ni Blue.

"Hey you!"

Natigil kami sa pagkkwentuhan nang may biglang sumigaw na mga babae sa amin. Sabay-sabay kaming tumingin at nakita namin yung mga babaeng humahabol kay Elmo noon.

"Oh. Problema ng kulugong to?" tanong ni Blue. Nagkibit-balikat naman kaming tatlo nila Orange at Maqui.

"How dare you laugh at our baby Elmo. Where are you hiding him?!" tanong ng isa.

"Huh?"

"I'm asking you. Where are you hiding our baby Elmo?!" ulit niya.

"Pigilan niyo ko. Sasapakin ko to!" iritang sabi ni Blue.

Wanted: TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon