Naranasan mo na ba magmahal? 'Yung totoo at wagas? 'Yung feeling na kahit sino humadlang, kaya mo parin ipaglaban? Kulang nalang magmukha kang tanga sa harapan niya para lang maiparamdam mo na mahal mo siya?
Ang mali lang, sa taong alam mong pag aari na ng iba. Mali dahil may anak din sila. Hindi talaga nagiging tugma ang bawat relasyon ng bawat isa. Marahil, naiinggit ka na bakit sa iba, makulay? Masaya at perpekto kumbaga.
Ganoon ko maihahambing ang love-life ko. Hindi ko masabing makulay dahil hanggang ngayon, malabo parin ito. Kasing labo ni kupido na pumana sa puso ko. Para sa isang taong sarado na ang puso para mag mahal at 'sing tigas ng bato ang damdamin.
Isa lang naman ang gusto ko e, 'yung mahalin din ako. 'Yung kaya rin ako ipaglaban kahit kanino. Hirap man siguro ako sa pisikal pero, ayaw ko sumuko sa emosyonal.
Ako nga pala si Sabrina Valdez, "Sab" for short. 22 na ako, single (maybe). N.B.S.B. e, oh, diba? Sad to say, wala akong jowa? Hindi naman ako choosy pero, walang magkamali.
Ganoon pa man, nursing graduate ako. Nagsikap ako ng sarili ko, kinailangan ko mawalay sa pamilya ko ng halos apat na taon. Kung ano-ano narin trabaho pinasok ko, lahat ng 'yon marangal. At ngayon, kahit may sarili na akong trabaho, hindi ako nakakalimot kila mama.
Anyway, ayaw ko mag drama. Palagay ko mas mainam pag usapan ang love life ko. Gaya nga sa una, wala pero, dati 'yon. Noong hindi pa ako napaibig ni Darius Asuncion. Single-dad na workaholic at pusong-bato!. Hindi ko rin alam kung paano kami pinaglapit ng tadhana. Basta ang alam ko, malaki kaugnayan ng anak niya kung paano kami nagkakilala. Si baby Isabel.
+++++
Ganito nag-umpisa ang lahat...
Nagkayayaan kami mag kakaibigan na rumampa sa mall. Lima kami, 4 girls at 1 pa-girl. Tama, beki ang isa pero mas close kami. Si Carl, mabait yan at shoulder to cry on. Ang kaso, ayaw niya i-offer ang balikat niya pag type ko maiyak minsan.
"Oh, paano Sab, Carl, iwan na namin kayo ha?" Paalam ni Jen.
"Oo nga, may date pa kami mamaya." Singit ni Tere. "Bye, mga sis." Sabay beso sa'min ni Chen. Nagmadali na silang lumakad habang kumakaway sa'min ni Carl.
"So, ano na tayo dito Sab? Magbibilang ng mga naglalakad dito?" Walang ganang tinungkod ni Carl ang kamay sa baba. Halos sumayad mukha nito sa table.
Ako, naisip ko mag update sa facebook. Sabog nanaman ang notifs ko. Pilit ko inaayos ang reading glass ko. Medyo malabo na yata ang lens.
"Hoy, Gaga ano ba? Busy ka nanaman sa facebook mo? God, ngayon lang tayo rumampa na nawalan ako ng gana." Saad ni Carl. Kinuha niya ang face powder at nag retouch.
"Sorry, ano kaya kung kumain nalang tayo?" Nakangiti kong sabi.
"O, sige.. nandito naman tayo sa food court ikaw narin umorder?" Umismid siya sa'kin.
Tinago ko na ang cellphone at tumayo para umorder. Kakaiba talaga si Carl, ang hirap naman kapag "pa-girl" ang kasama mo. Naisip ko tuloy dapat siya naman gumawa non. Tuwing iiwanan kami nila Jen, Tere at Chen. Ako palagi ang pinapupunta niya dito sa counter.
Habang abala ako sa pagpili ng menu sa board may nakaagaw ng atensyon ko. Tama, Isang baby na umiiyak na nasa stroller. Hinanap ko iyon at nasa may gawing gilid. Nakaramdam ako ng inis sa nag aalaga dahil pinababayaan umiyak 'yung baby.
"Miss, ikaw na." Sabi ng babae na nasa likuran ko. Ako na kasi ang nasa harapan ng counter. Hindi ko namalayan dahil naroon nag atensyon ko sa bata.
Patakbo ako nag punta sa table namin ni Carl. Nabigla siya sa'kin.
"A-ano ba minamadali mo Sab?" Taranta niyang tanong sa'kin.