"Sir, good morning po. May gustong kumausap sa inyo sa labas." Bungad ng isa sa mga sekretarya niya. Abala si Darius para pirmahan ang ilang papel bagay na hindi niya ito nilingon.
"Okay, papasukin mo siya."
Agad naman bumungad ang lalaking may edad. Nakasuot ito ng leather jacket at medyo may katabaan ang katawan. Si Mr. Jaime ang private investigator niya. Alam niyang darating ito ayon sa napag-usapan nila.
"Sir, heto po ang results."
Inilahad nito sa harapan ni Darius ang picture na umano'y kumuha kay Isabel. Nasa loob din ng brown envelope ang ilang files, isa-isa niya iyong pinagmasdan. Tila kinakabisado nito ang hitsura ng babaeng tumangay sa bata; si Sabrina.
"Kumpleto na ba lahat ito? Kasama ang kopya ng CCTV sa mall?" Seryosong tanong nito sa kausap.
"Yes, confirm lahat. Nariyan ang buong detalye sa loob ng envelope. Matibay nang ebidensya 'yan para ipakulong ang nagkasala." Paliwanag sa kanya.
Hindi nagawang pakinggan ni Darius ang huling sinabi sa kanya ng kausap. Natuon ang atensyon niyang paglaanan ng oras usisain ng husto ang ilang detalye ng buhay ni Sabrina. Pakiramdam niya'y mapapadali ang kanyang plano para mabawi ang anak.
"Mr. Asuncion, siguro naman panahon narin para mabawi niyo ang inyong anak?"
"Sa ngayon, ako nang bahala Mr. Jaime. Ako nang bahalang umaksyon para dito."
"B-bakit? Anong ibig niyong sabihin? Wala ba kayong balak ipakulong ang kidnapper na 'yan?"
"No, She's not... I mean hindi tayo dapat mang-husga. Mas madaling mababawi sa kanya ang bata, kung hindi tayo gagamit ng anumang dahas."
Huminga na lamang ng malalim ang kausap nito at awtomatikong kumunot ang noo. Walang nagawa si Mr. Jaime para sa desisyon ni Darius. Ano man ang tumatakbo sa isip nito'y wala rin siyang idea. Paano nga bang sundin siya nito? Kung mas nais panindigan ang huling sinabi, dahilan upang hindi makulong si Sabrina?
Tumagal ang diskusyon ng dalawa at muling pangngumbinsi kay Darius ngunit, hindi na ito umasa. Hindi rin nagtagal umalis narin si Mr. Jaime. Kaswal itong nagpaalam at nakipag-kamay pagkatapos.
"Thank you again Mr. Jaime." Pasalamat niya dito.
Hindi pa man lumilipas ang ilang sandali mula nang makipag-usap si Darius sa kanyang private investigator, naroon naman ang biglang pagsulpot ni John. Ngumiti ito at bakas sa mukha ang excitement para kausapin ang kaibigan.
"John, kung hindi ba ako nagkakamali? Ito rin ba ang babae na binanggit mo sa'kin no'ng nakaraang ihatid mo sa Ospital?" Curious na tanong ni Darius.
Inilahad niya sa harap ng kaibigan ang envelope naglalaman ng pictures at buong detalye sa buhay ng babaeng tinutukoy nito. Isa-isa iyong pinagmasdan ni John at gulat ito sa naging reaksyon.
"Oo, walang duda, ito ang babae. Siya 'yung hinatid ko sa Ospital na may kasamang bata. Paanong nagkaroon ka ng mga pictures niya? 'Wag mong sabihin--"
"Nagsadya dito ang private investigator ko para ibigay 'yan sa'kin. I decided, ako mismo ang gagawa ng aksyon para mabawi ang anak ko."
"Kailan?"
Hindi nagawang sagutin ni Darius ang huling tanong sa kanya. Maraming gustong isiwalat ang kanyang isip ngunit walang kasiguraduhan kung kailan nga ba niya ito mapag-pasyahan. Ang totoo'y halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon.
Tiwala siyang malulusutan ito at may pagkakataon para sa kanyang makasama ang bata. Sabik siya. Ang pakiramdam ng isang ama na walang hangad kundi ang kapakanan ng anak. Masaya ang kanyang kalooban at nagkaroon ng panatag sa problemang hinaharap.