Chapter | Forty-five

5.5K 88 8
                                    

Muli kaming nagkaroon ng pagkakataon magkausap. Kung anu-ano lang naman ang laman ng kwentuhan...getting-to-know-each-other ang peg naming dalawa. Masaya. Ito ang hinintay kong moment after three months na wala siyang malay.

"Hon, 'pag labas ni baby gusto ko sundan natin ulit." 'Di matigil ang pangungulit ni Darius sa'kin simula kanina. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang tiyan ko at kinakausap. Akala niya madaling magbuntis at gano'n kadaling humiling.

"Nag-usap na tayo, diba? Ayoko naman taon-taon magbuntis... dapat sumunod tayo sa family planning." Protesta ko sa kanya.

Umiling siya at hinawakan ako sa kamay. "Walang family planning, 'di yon totoo."

"Ewan, masyadong demanding sa'yo ang pagbubuntis. Gusto mo ikaw na lang magbuntis para sa bisyo mo. 'Di madali baka akala mo." Inismiran ko siya at muling humiga sa kama.

"Hindi ka pwedeng tumanggi sa oras na--" sinadya kong takpan ang bibig niya dahil nagsimula na naman siyang magbiro.

"Darius, ano ba? Gusto mong matadyakan?" Nagkunwari akong galit para matigil narin siya. "Tama na nga, mahuhulog kaming dalawa ni baby."

Naiinis ako sa ginagawa niyang pangingiliti sa'kin. Ang hirap na nga kumilos dahil sa tiyan ko. 'Di talaga nag-iisip, mga lalake talaga kapag may gusto... hindi mapakali hanagga't 'di binibigay sa kanila. Maya-maya, nahiga narin siya sa tabi ko. Malapad na naman ang mga ngiti niya at parang nilalason ang utak niya ng kahalayan.

Hindi ko siya pinansin kahit marami siyang sinasabi. Lahat naman ng iyon halos ka-pliyohan. Mas lalo akong naiinis dahil sa malakas niyang tawa. Umismid ako at tinalikuran ko siya sa kama. Kahit paulit-ulit niya akong kalabitin hindi ako kumikibo. Wala siyang bukam-bibig kundi 'family-planning'.

"Hon, 'wag kana magalit." Pilit niya akong niyuyugyog sa braso.

"Di ako galit, lumayo ka nga't baka bigwasan na kita." Sinadya kong tarayan ang boses ko.

"Hindi na ako magiging makulit. Harapin mo na ako."

"Ayokong humarap sa'yo, kainis ka."

"Oo na. Nakakainis na... pero 'wag mo seryosohin ang mga biro ko."

"Paanong hindi? Paulit-ulit ka e."

"Sa family-planning ba?" Tanong niya sa'kin sabay tawa ng malakas.

'Di na ako nakatiis at nagkulong ako sa kumot. Ano bang meron sa family-planning at para siyang kinikiliti? Kung makatawa siya parang walang ibang makakarinig sa kanya. Pero isa ito sa mga na-miss ko sa kanya. Mga tawa at pang-iinis niya sa'kin para bang wala rin pinagbago.

*

Sinadya kong palipasin ang limang araw bago kami magpakasal. Iniisip ko ang kalagayan niya dahil hindi pa naman siya gano'n kahusay maglakad ng maayos. Palagi akong nakaalalay sa kanya. Mas gusto ko, ako ang umaakay sa kanya. Ako ang magsisilbing tungkod niya hangga't kaya ko.

Naalala ko noong mag-propose siya sa'kin. Pinilit niyang tumayo para ipakitang dapat akong maniwala sa mga nakikita ko. Paniwalaan kong hindi kalokohan ang nangyayari.

Sinabi ko sa kanya; gusto kong magpagaling muna siya bago kami magpakasal. 'Di ko naman kailangan madaliin ang limang araw kumpara sa tatlong buwan na paghihintay ko noong naratay siya sa Ospital. May ilang nagbago sa katawan niya, medyo pumayat siya pero palagi akong nagluluto ng masarap na ulam para ganahan din siyang kumain.

As usual, lahat ng hinahain ko sa kanya pinaghahandaan ko ng husto. Ultimong recipe-book at iba't-ibang magazine sinadya kong bumili. Hindi kasi ako pamilyar sa ibang lutong-pinoy tulad ng caldereta, mechado, kare-kare, sisig, dinuguan. Mas prefer ako sa sinigang kung anong pinaka-favorite niya.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon