Sobrang damot ng antok ngayon para sa'kin. Halos gabi-gabi hindi ako makatulog agad ng maayos. Pakiramdam ko, anemic narin ako. Kahit kasi medyo tumaba ako dahil sa pinagbubuntis ko, palagi parin akong nahihilo.
Hindi pa man ako nakakatagal sa pagka-idlip, nawala sa tabi ko si Darius. Marahan kong hinaplos ang right-side ng kama kung saan ang pwesto niya pero wala siya. Matagal na ba akong nakatulog sa lagay na 'yon? Medyo nag-alala ako para isipin kung nasaan siya.
Kumabog ng 'di sadya ang dib-dib ko at napahawak ako sa parteng iyon.
Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Isa lang naman ang alam ko kung nasaan siya at hindi ako nagkamali; Sa nursery kung nasaan si Isabel.
Marahan kong pinihit ang door-knob at hindi ako naglikha ng ingay kahit sa mga yapak ng paa ko. Alam ko, si Darius ang naka-upo sa rocking chair na nasa gawing bintana. Mula kasi sa pinto, patalikod ang pwesto niya at gusto kong masiguro kung gising ba siya? o tulog?
Sa kabila ng pag-aalala ko, lahat nang iyon nawala. Kusang lumambot ang puso ko sa nakita kong eksena mula sa mag-ama. Naroon na nakahilig si Isabel sa dib-dib ni Darius at mukhang himbing narin ang mga ito sa pagkakatulog.
Nakakatuwa.
Masayang panuorin ang hitsura nila bagay na mas lalong nagkaroon ng isipin na sobra ang pagkakalapit ng loob ng dalawa. Hindi man ugali ni Darius ang gawing spoiled ang anak, hindi ko siya nakitaan na minsan siyang nagalit dito o'di kaya naman ay nawalan siya ng panahon.
Kung ano kasi siya noon.
Pareho parin hanggang sa kasalukuyan.
Palihim akong napangiti. Gusto kong isipin na sadyang swerte ako sa lalaking tulad niya. Mahal na mahal ako at gano'n din ang nararamdaman ko para sa kanya.
Agad kong kinuha ang kumot at binalot ko iyon sa mag-ama. Natuon ang buong atensyon kong pagmasdan si Darius. Palagay ko, tulog na tulog siya dahil sa himbing nito at hindi niya namalayan ang pagsulpot ko sa kwarto.
Bahagya siyang gumalaw pero hindi ako natinag. Kumilos ang buong sistema ko para halikan ko siya sa labi. Matagal at pumikit ako sa pagkakataon habang magkalapat ang labi namin.
Sa pagdilat ko, marahan din siyang namulat. Ngumiti ako at gano'n din siya sa'kin.
Hindi ko maipaliwanag at mabilis akong naluha. Nagawa kong humikbi sa kaliwang bahagi ng leeg niya. Ito lang naman ang gusto ko e, manatili siya sa buhay ko.
Walang naganap na pagbabago sa pagsasama namin, kahit sa sarili ko hindi ko alam ang papel ko sa buhay niya. Ang maramdaman ko sanang maging "asawa" at "ikasal" sa kanya.
"Umiiyak ka ba? A-anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?" Bulong niya sa'kin. Umiling ako at marahan kong niluwagan ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Sorry, hindi na kita ginising. Narinig kong umiyak si Isabel, pinuntahan ko siya dito sa nursery. Nakaidlip ako sa rocking-chair habang sinadya kong ihilig siya sa dib-dib ko.
Nagustuhan niya at hindi ko narin siya nilipat sa crib." Paliwanag niya sa'kin.
Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya, habang hinagkan niya ang bata sa noo. Marahan niya iyon hinaplos sa buhok at muli siyang pumikit.
"Sab, kapag labas ni baby, gagawin ko rin ang mga bagay na ito sa kanya. Uupo kami sa rocking chair at magdamag ko rin siyang babantayan. Gusto kong masanay rin ang magiging anak natin sa ginagawa kong pag-aalaga. Ngayon palang, iniisip ko na. Excited narin akong simulan." Masaya niyang sabi.
Hindi ko inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Sinimulan ko rin iyon pisilin. Marahan akong pumikit para imaginin ang mga sinabi niya sa'kin. Ano pa nga bang hahangarin ko sa kanya? Hihintayin ko ang pagkakataon na maging totoo ang lahat.