Chapter | Thirty-three

4.3K 85 12
                                    

"WALA ka naman magagawa kung gano'n narin ang ugali ng in-laws ni Darius. Tingin mo dapat mo parin itago ang mga sinabi sa'yo at mag-pasya na naman ng mali? Tatawagan mo na naman ako... sasabihin, Carl, bakit ang sakit? Ang sakit-sakit? Nako, iuuntog talaga kita."

Ininom ko ang drinks at kumagat ng burger habang tuloy parin sa pag-sermon si Carl. Nagkita kami sa Mall sa Cubao, malapit daw kasi dito ang pinapasukan niyang opisina. Mas okay daw ang sahod pero kailangan parin niyang buksan ang mini-parlor na pinundar din niya. Buti pa siya, maraming side-line.

Ako? Heto, bagot narin ako maghapon. Naka-kulong sa bahay! At sa laki no'n, kaming dalawa lang ni Isabel ang naiiwan. Hindi na nga ako nag-paalam kay Darius, palagay ko sandali lang din kami. Total naman, ako ang nag-aya sa kanya sinabi ko narin ang nararamdaman ko.

"So, anong plano mo? Susundin mo 'yung bruha sa gusto niya? Aalis ka? E, paano naman 'yang pinagbubuntis mo? Thank you Darius na lang? I'll keep it as a treasure. Parang souvenir. Gano'n?"

"Ano ba? Hinay-hinay ka naman sa boses mo. Tsk, Hindi ko nga alam e, ipit na ipit ako Carl. Sa lahat ng tanong mo, wala akong masagutan. Ayoko rin naman umalis pero..."

"Pero... ano? Ituloy mo na at 'wag mo akong bitinin."

Huminga ako ng malalim at sandaling pumikit. Natinag ako nang hawakan niya ako sa kamay. Tipid akong ngumiti pero ramdam kong nangilid ang luha ko. Mabilis akong yumuko at palihim na pinahid iyon.

"Ano? Sabrina."

"Kung hindi ako aalis, kukunin nila si Isabel. Gagawa ng paraan si Mrs. Ingrid para ilayo ang bata kay Darius! Eto ang gusto kong puntuhin sa'yo kanina."

Napahagod ako sa lalamunan ko nang masabi ko iyon kay Carl. Halos masamid naman siya sa iniinom niyang drinks. Nagawa niya akong tapikin sa braso at saka kumuha ng fries. Kitang-kita ko ang reaksyon niya. Nagulat.

"Ano? Gulat ang reaksyon mo? Hati ngayon ang opinyon mo dahil sa sinabi ko." Sumandal ako sa upuan at hinaplos ang tiyan ko.

"Sab, ewan lang ha? Pero gusto kong dagukan 'yung in-laws niya. Hello, hindi naman nangalunya si Darius. Hindi naman matatawag na mistress ka dahil tigok na si Thea. Baka naman 'yung bruha na 'yon... crush niya si Darius? Nako, big issue 'yan." Biro niya sa'kin.

Napahagikgik ako sa huling sinabi niya. Kung minsan, kahit ganito si Carl type ko parin mga banat niya. Nagkakaroon tuloy ako ng lakas ng loob para maging matatag. Alam ko, hindi naman papayag si Darius kung umalis ako.

Sabi nga niya no'ng nakaraan, maliit ang Pinas, kaya imposibleng hindi niya ako matagpuan. Kung sakali... ituloy ko ito, dapat kong pag-isipan ng milyong beses. Anak din niya ang dinadala ko. Anak naming dalawa.

"Loka, ano man tumatakbo sa utak mo, mag-isip ka. Hindi mabubuo ang anak mo kung hindi dahil kay Darius. Tingin ko naman, hindi niya hahayaan kantiin ka nung bruha niyang in-laws. Ano nga ba? Anger? Ing--"

"Ingrid." Pag-correct na sabi ko sa kanya at sunod-sunod naman siyang tumango.

"Oo, Ingrid. Hindi ko pa man siya nakikita feeling ko nako-constipate ako. Biglang sumakit ang sikmura ko para imagin ko siya." Sabay halakhak ni Carl.

Umiling ako sa kanya at tipid na ngumiti. Gusto kong matawa ng malakas tulad niya pero naalala kong nasa public place kami. Isa pa, marami naring mata panay sulyap sa pwesto namin. Ako tuloy nahihiya sa mga sinasabi niya ngayon!

"Carl, tama na nga kakatawa mo. Seryoso ako dito e, moment. Gano'n? Minsan, hindi ko alam sa'yo kung seryoso karin ba pero inferness, natawa ako sa constipate."

Impit naman siyang natawa at halos mamula ang mestiso niyang mukha. Umiwas na lang ako at muling kinain ang burger. Napalingon ako kay Isabel at mahimbing ang tulog nito msa stroller. Hinawakan ko ang wrist-watch ni Carl para alamin ang oras.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon