Chapter | Twenty-eight

5.6K 97 9
                                    

"Hindi mo naman kailangan gawin 'yan." Napahinto ako sa pag-plantsa nang pigilan ako ni Darius. Hindi naman mabigat na trabaho ito pero ayaw niya.

"Ayoko naman mahiga lang maghapon. Pakiramdam ko, magkakasakit lang ako. Dapat nga kumilos ako ng kumilos, hindi naman ito nakakapagod diba?" Inagaw ko mula sa kamay niya ang plantsa at nagsimula ako ulit.

Napailing siya at parang nainis. "Baka naman kasi mapagod ka? Tapos, mag-collapse ka diyan. Maliligo ako e, tara sama ka? Maligo na lang tayo kaysa mag plantsa ka." Sabay hawak niya sa kamay ko.

"Ewan, maligo ka na, ayokong sumabay maligo. Wala ako sa mood." Sumimangot ako kunwari para hindi na siya mangulit.

"Okay." Mabilis siyang yumapos sa bewang ko. "Love you, basta, ayokong magpapagod ka ha? Pag tapos mo diyan, mag-pahinga ka na." Bulong niya sa'kin. Tumango na lang ako at tinulak ko narin siya papasok ng C.R

Palihim akong napangiti. Hindi na talaga siya nagbago. Ang totoo, si Nay Sonia ang gumagawa nito pero ako na lang din humiling mag plantsa ng damit ni Darius. Kawawa narin siya, may edad narin. Nagpatuloy ako ulit sa pag-plantsa, mas gusto may ginagawa ako.

After a minute...

Nag-vibrate ang phone ni Darius. Nakapatong iyon sa dresser kaya mabilis ko rin kinuha. Pinagmasdan ko ang screen, new number. Sinagot ko pero nakiramdam muna ako. Hindi ako nagsasalita at gano'n din ang nasa kabilang linya. Nagtaka ako, biglang kinabahan.

.

"H-hello? Babe? Darius? It's me... Vera, narito ako sa--"

.

Hindi ko na rin pina-tapos ang tawag at hinagis ko ang phone sa kama. Nakakainis. Biglang umakyat ang dugo ko sa utak. Matapos kay John, si Vera naman ngayon? At babe pa? Kailan pa sila naging 'sila'? Pakiramdam ko tuloy, nanlalamig ang kamay ko. Gusto kong pasukin ang C.R at ingud-ngod si Darius sa toilet. Nakakagigil. Huminga ako ng malalim at bumalik ulit sa pag-plantsa. Kailangan, malaman ko. Kailangn ako mismo makakita.

Napasulyap ako sa pinto ng C.R dahil bumukas iyon! Sa wakas at natapos narin maligo ang mokong na 'to. Nakangisi lang siya sa'kin at umismid ako. Kahit anong sexy at hot ng katawan niya, dinedma ko 'yon. Ewan ko, kumukulo ang dugo ko sa kanya. Pero hindi... ayokong pahalatang apektado ako.

"Sab? Yakapin mo nga ako." Natatawa niyang sabi habang nakalahad ang dalawang braso niya.

Ngumiti ako. 'Yung ngiti na may halong inis? "Oo, mamaya. Pag tapos ko. Mag-bihis ka na 'BABE?'" Sinadaya kong idiin ang huling sinabi ko, saka inabot sa kanya ang sando niyang kulay puti. "O, lumapit ka na." Utos ko sa kanya.

Marahan siyang lumapit at sinadya niyang towel ang suot sa ibabang parte niya. "Bakit ba ang sungit mo? Gusto mo... babe na lang tawagan natin?" Bulong niya sa'kin sabay halik sa pisngi. Mabilis kong inalis ang kamay niya sa bewang ko. Bahagya akong umiwas.

"Ano? Hindi, baka lang kasi may maalala ka." Tinaasan ko siya ng kilay at tinapal ko sa mukha niya ang sando na hawak ko. Mas lalo akong naiinis. Hindi niya pa 'yon get's? "Isa pa, masyadong common narin ang babe. Ayoko no'n. Alis nga diyan!" Sinadya kong kabigin ang braso niya at naupo ako sa gilid ng kama. Inayos ko narin ang ibang damit na nagkalat.

"Sab?"

"Ano 'yon?"

"I love you."

"I love you too."

Napatigil ako sa pag-aayos nang masabi kong "I love you too." Mabilis kong kinuha ang unan at hinagis iyon sa kanya. Naiirita parin ako. Sinalo niya ang unan at niyakap-yakap. Masaya siyang lumapit sa'kin at niyakap ako pahiga sa kama. Napatili ako at pinagpapalo ko siya sa braso. Pilit ko siyang tinutulak.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon