Chapter | Seventeen

6K 117 12
                                    

Araw ng biyernes. May lunch meeting si Darius sa conference room ng opisina nito. Sa bahay naman abala palagi si Sabrina sa pag-aalaga kay Isabel.

Sa 'di inaasahan pagkakataon ay dumating si Mrs. Fuentes. Ang mommy ni Thea. Magalang niya itong binati at kinausap. Hindi aakalain may edad narin ang babae dahil sa young personality nito.

"Good morning ma'am." Magalang na bati ni Nanay Sonia. Agad naman nabaling ang atensyon ni Sabrina habang nilalaro nito si Isabel sa may sala's.

"Good morning, ang apo ko?" Diretsong tanong ni Mrs. Fuentes. Kilala ito sa pangalang Ingrid. Dati narin ito nagpakilala kay Sabrina no'ng unang kita nila.

Agad tumayo si Sabrina mula sa pagkakaupo sa sahig at binuhat ang bata. Pakiramdam niya sa tuwing magkikita sila ni Ingrid Fuentes ay palaging may tensyon. Bihira niya kasi ito nakitang ngumiti. Gano'n pa man nagbigay galang parin si Sabrina. Ngumiti siya.

"Hi, Isabel... kamusta na 'yung baby ko?" Malambing na sabi nito habang kinuha sa bisig ni Sabrina ang bata. "Nakakainom ba ng vitamins ang bata?" Dugtong niya.

"Opo." Masayang sagot ni Sabrina.

Sinundan niya ng tingin ang mag-lola hanggang maupo sa sofa. Nanatili siyang nakatayo sa gilid at napayuko. Mukhang hindi niya talaga ito makakasundo. Ang tingin niya ayaw sa kanya ng mommy ni Thea. Akma na sanang aalis siya nang tawagin siya nito.

"Sabrina?" Nabigla man ay humarap siya nang nakangiti. Ayaw niyang ipakitang apektado siya sa malamig na pakitungo sa kanya.

"Next time, ayokong paupuin mo si Isabel sa sahig. Lahat ng laruan niya, ingatan mo. Nurse ka, diba? Alam mo naman siguro ang salitang 'germs' at 'viruses'.?"

Napaawang na lamang ang labi ni Sabrina. Pakiramdam niya'y naiinsulto siya ngayon ng kausap. Kahit ang propesyon niyang 'nurse' nasambit nito. Nanliliit tuloy siya. Para bang may laman ang huling sinabi sa kanya.

NARAMDAMAN ni Sabrina ang paghawak sa kanya ni 'Nay Sonia. Sumenyas ito na sumunod sa kanya. Nakarating sila sa likod bahay at tiniyak nito na hindi sila maririnig na nag-uusap.

"Iha, pabayaan mo nalang si ma'am Ingrid. Matabil talaga ang dila no'n. Isa pa, matikolosa rin. Ayos lang iha, ilabas mo sa kabilang tenga mga sinabi niya."

Tipid na ngumiti si Sabrina. Sumandal siya sa pader at huminga ng malalim. "Alam ko naman po lahat 'nay. Kung minsan iniisip ko baka galit parin siya sa'kin dahil sa pagkawala ni Isabel noon. Pero wala naman talaga akong balak itago ang bata. Nag-alangan ako sa mga pulis. Natakot." Malungkot niyang sabi.

"Kaya nga, naniniwala naman ako sa'yo... kapag may narinig kang hindi maganda mula sa kanya deadmahin mo. 'Wag mo dibdibin."

Napailing na lamang si Sabrina. Kahit paano may kakampi siya at nariyan si Nanay Sonia para mag-advice sa kanya. Inabot sila ng ilang minuto sa pag-uusap. Tungkol din naman sa mag-asawang Darius at Thea ang napag-usapan nila.

Nakinig siya. Naglakbay ang isip sa kwento ng matanda. Sadya nga, perfect couple ang dalawa. Masaya rin siya pero may kung ano sa puso niya nakakadama ng sakit. Sakit ng selos. 'Yun ang pinakamasakit.

"Uhm, 'nay? Mabuti siguro kung balikan ko narin si Isabel. Baka ano isipin sa'kin at hindi ko ginagampanan ang trabaho." Tumindig si Sabrina. Gusto na niyang umiwas.

"Iha..." Masuyong hinawakan ni Nanay Sonia ang kamay niya. "Mahalin mo si Darius. Mahalin mo ang alaga ko ha? Pasayahin niyo ang isa't-isa."

Pagtango at matamis na ngiti ang sinagot ni Sabrina. Marahil naramdaman ng matanda na gusto na niyang umiwas dahil ayaw na niyang marinig ang mga kwento nito.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon