Chapter | Twenty-seven

5.8K 93 9
                                    

Nabigla ako sa ginawa ni Darius nang itapon niya ang sing-sing sa malawak na bangin. Huli narin nang pigilan ko siya. Pero ramdam ko sa kanya, kung gaano talaga kahalaga si Thea. Ang swerte niya. Palagay ko, masaya narin siya ngayon para kay Darius.

Hanga parin ako sa mga lalaki na handang harapin ang buhay sa kabila ng maraming pagsubok. Nagawang mag-mahal, tumanggap at magsakripisyo. Isa na doon si Darius. Mahal na mahal niya ang kung anong mayroon siya! Kuntento sa mga bagay simple man o hindi, basta alam din niyang mahal siya, doon narin umiikot ang mundo niya.

Sa akin, kay Isabel at sa magiging anak namin.

Maraming beses narin akong napapangiti habang iniisip ko siya. Hanggang ngayon, hindi parin siya makapaniwala sa pagbubuntis ko! Sarap batukan e kala daw niya panaginip lang.

"Sab, gamitin mo na 'yung pregnancy test. Binilin ito sa'kin ng doktor para kung positive, pupuntahan natin siya bukas." Napatinag ako ng biglang magsalita si Darius. Excited ang loko para sa pregnancy test. Pakiramdam ko, nahiya ako sa sinabi niya.

"Heto ba 'yon?" Tanong ko sa kanya. Matagal kong pinagmasdan 'yon at binalik ko ulit kay Darius. Sumandal ako sa headboard at hindi narin ako umimik.

Tumabi siya sa'kin mula sa pagkakasandal niya sa dresser nang iabot niya sa'kin ang pregnancy test. "Bakit? May problema ba? Importante ito Sabrina." Mahinahon niyang sabi at nagawang pisilin ako sa palad. Tumitig siya sa'kin ng seryoso. "Please."

Tipid akong ngumiti at kinuha ko mula sa kamay ni Darius ang pregnancy test. Inalalayan niya akong makababa sa kama hanggang sa pinto ng C.R bago ako pumasok. Sandali niya rin akong niyakap. "Okay ka lang? Hihintayin kita. Maghihintay ako sa result." Sabay halik niya sa'kin sa noo. Tumango na lang ako at ni-locked ang door knob.

Napasandal ako sa pader, saka ko naman binuksan ang pregnancy test wrapper. Napalunok ako. Kahit alam ko sa sarili kong buntis ako, hindi pa ako gumamit nito. Two months na akong delayed at hindi na ako magtataka dahil regular naman ako.

Sinunod ko ang instructions sa papel. Naghintay ako ng 5 minutes para sa result. Ewan ko, palagay ko wala pang 5 minutes 'yon pero ang bilis ng result. "POSITIVE" bulong ko sa sarili ko. Napatakip ako ng bibig at masayang ngumiti. Ilang beses pa akong kumurap dahil hindi ako makapaniwala. Ngayon, totoo nga ano naman ang mangyayari sa'min nito?

"Sabrina, okay na ba? Okay ka lang diyan?" Nabigla ako nang kumatok si Darius. Nawala sandali sa isip ko ang kasalukuyan. Palagay ko sobrang nag-aalala na siya dahil sa bigat ng pagkatok niya sa pinto. "Sab, open the door!"

Hindi na ako nagtagal at lumabas na rin ako ng C.R kitang-kita ko ang reaksyon ng mukha niya pagbungad ko. Excited na hindi maintindihan. Nerbiyos at tipid na ngumiti. Hinawakan niya ako sa kamay at naupo kami sa gilid ng kama.

"Anong result?" Seryoso niyang sabi habang hawak niya ako sa magkabilang pisngi. Tumango ako at matamis naman siyang ngumiti sa'kin. "You mean--?"

"Yes! Positive." Nakangiti kong sagot sabay niyakap ako ng sobrang higpit. "Darius, okay na! 'Wag mong higpitan ang yakap mahirap huminga." Marahan ko siyang tinapik sa likod.

"Hindi lang ako makapaniwala. Masaya ako...ang saya Sabrina. Listen, gusto aalagaan mo ang sarili mo ha? Palagi kang kumain sa tamang oras. Ayokong magpapalipas ka. Kapag monthly check-up sasamahan kita. Okay?"

"Uhm, okay, pero paano kung may importante kang schedule at sakto sa araw ng check-up? Sasamahan mo parin ako?"

"Oo naman. Pwede naman akong umabsent. Isa pa, once a month lang naman 'yon diba? Tapos, mamasyal tayo kahit saan. Gusto mo sa Tagaytay ulit?"

Napailing nalang ako sa huli niyang sinabi. Gusto niya sa Tagaytay ulit kami? Ewan ko ba sa kanya. Gusto kong matawa sa reaksyon niya, kala mo naman first time daddy ang peg nitong si Darius. Mabilis siyang tumayo at parang may kinokontak. Kumunot ang noo ko habang sinusundan ko siya ng tingin.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon