Chapter | Fourteen

6K 128 11
                                    

KAPAG masaya ang isang tao sa kasalukuyan niyang kalagayan ay nagagawa niyang 'wag munang isipin ang mangyayari sa hinaharap.

Sa sandaling katahimikan sa pagitan ni Darius at Sabrina ay nagkaroon ng panatag sa isa't-isa. Bakit nga kailangan pigilan ng isang faithful magmahal ang kanyang pag-ibig? Dumarating ba talaga sa ganoong pagkakataon kahit pinagsisigawan ng iyong puso ang pangalan ng taong mahal mo?

Isang pag-amin? Isang pag-alinlangan? Takot? Sakit? Pagsuko? Para bang hindi parin sapat. Marahil bawat pag-ibig, may panahon at oras. Depende parin kung may handang maghintay. Handang mag sakripisyo at magparaya.

"Darius, hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Ito ang unang pagkakataon sa buhay ko na may naglaan ng isang dinner date na tulad nito. Expect ko, kakain lang tayo. Tapos uuwi na. Masaya ako, sobra."

Matamis na ngumiti si Darius. "Salamat, sa simpleng date natin nagkaroon parin ng kabuluhan. Alam mo kung bakit? Ramdam ko ang sinasabi mo simula nang pumayag ka sa imbitasyon ko."

Tila handa nang magpatangay si Darius sa mapanuksong halikan. Nais niyang idampi ang kanyang labi para kay Sabrina. Marahan pumikit ang dalaga, senyales na handa ito sa iniisip ng kaharap. Pero hindi, may kung ano paring pumipigil kay Darius.

Imbes na sundin niya ang dikta ng kanyang puso, minabuti na lamang nitong ikulong ang dalaga sa kanyang bisig. Isang pagyakap na may halong pagkasabik. Mas naipaparamdam niya kay Sabrina ang pagmamahal sa pamamagitan nito. Halos ibulong na lamang sa hangin ang pangalan ng dalaga. Nakuha pa nitong huminga ng malalim at parang may gustong sabihin.

"Darius, ayos ka lang ba? Nakakarami ka nang yakap sa'kin." Nag-aalala man ay nakuha pa niyang magbiro.

"Yes... I'm okay. Masaya lang din ako at hindi ko 'yon maitatanggi. Hayaan mo lang yakapin kita kahit saglit."

Hindi na sumagot ni Sabrina. Sa halip, hinayaan niyang pagbigyan ang hiling na yakapin siya. Kung anu-ano tuloy ang naiisip ng dalaga. Napalunok na lamang siya at marahan din niyakap si Darius.

"Alam mo bang may isa pa akong surprise para sa'yo?"

"Ano? Hindi pa ba tayo kakain? Pakiramdam ko, pwede na tayong langgamin dito Darius."

Napaisip narin si Sabrina tungkol sa sinasabing surprise ni Darius para sa kanya. 'Meron pa nga ba? At ano naman kaya 'yon?' Tanong ng kanyang isip.

"Darius, pwede ko bang itanong kung anong surprise ang sinasabi mo? Ang hilig mo kasing bitinin ako. Isa pa, natatakot ako kapag masyado kang seryoso. Bawasan mo naman."

Natawa si Darius. "Masanay ka na. Ganito talaga ako Sabrina. Pero kung gusto mo baguhin, okay, baka sa susunod na ayain kita ulit, tanggihan mo na ako."

Sumandal si Darius sa armchair kung saan siya nakaupo at sandaling pinagmasdan si Sabrina. Tila nakaramdam ng hiya ang dalaga at tinuon sa ibang direksyon ang mata.

Napangisi lang si Darius at nakuha nitong pumitik sa hangin. Senyales iyon para ipakita ang surpresang sinasabi niya sa dalaga.

Mula sa terrace ng kwarto, may sumulpot na isang lalaki na may hawak na violin. Napangiti siya at ramdam ang buong init sa pisngi. Hanggang sa magtakip na lamang ito ng mukha dahil sa hiyang nararamdaman.

Hindi na pinatagal ni Darius ang pagkakataon. Marahan siyang tumayo at inilahad ang kanan kamay sa dalaga. Gusto nito makipag-sayaw. Wala narin magagawa si Sabrina at masayang tinanggap ang kamay nito.

Nag-umpisang tumugtog ng piyesa ang violinists. Iniisip ni Sabrina kung anong tugtog iyon. Nilagay ni Darius ang dalawang kamay ni Sabrina sa kanyang balikat habang marahan din hinapit ang bewang nito.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon