Chapter | Twenty-four

5K 87 7
                                    

Pasado alas-dos ng hapon nakarating narin ako sa apartment ni Carl sa Quezon. Iniwan ko muna si Isabel kay Nanay Sonia. Napahinga ako ng malalim. Okay narin ito, gusto kong may makausap ng personal. Isa pa, matagal ko narin siyang hindi nakikita.

"Bakla! Bilisan mo." Malayo palang natanaw ko na si Carl sa makipot na eskinita. Sigaw siya ng sigaw. Natawa ako sa ayos niya. Mukhang lumala yata siya. May pink siyang hairband sa ulo at may paro-paro sa ibabaw no'n, maong shorts na sobrang iksi at green spaghetti sando.

"Wala talagang nagbago sa lakad mo." Sigaw niya ulit. Medyo binilisan ko narin, hindi pwedeng tumakbo masyadong maraming lubak. Halos ang mga bahay magkakatabi rin.

Nagbeso kami nang makarating na ako sa tapat ng bahay niya kung saan din siya nakatayo. "Ano? hindi ka naligaw? Kumusta? Miss na miss na kita. Hindi ako makapunta sa inyo. Medyo busy...alam mo naman." Tuloy-tuloy siya sa pagsasalita habang papasok kami sa bahay niya. Naupo ako sa wooden sofa at kumuha ng isang throw pillow.

"Painom nga." Sabi ko. Lumakad siya at nagbukas ng ref. Nilibot ko sandali ang paningin ko, maaliwalas ang loob at kumpleto sa gamit. Nasa tabi ng lababo ang personal ref. niya. Doon narin ang lamesa at sa dulo banyo na at pinto para sa kwarto.

"Kumakain ka ba ng graham? Ginawa ko kagabi, try mo masarap." Napailing ako, kitang kita ko sa kanya ang excitement na magkikita kami. Kumuha ako ng isang sliced ng graham. Masarap nga iyon, mango flavored. Talagang nag-effort pa siya sa pagbisita ko.

"Sis, mahaba na 'yung buhok mo, sayad na talaga sa lupa. Kamusta naman ang wife to be ni Darius? Ah...hindi, substitute wife?" Humalakhak siya habang ako biglang nawala ang pag-katuwa ko sa sinabi ni Carl. "Hoy, joke lang, ito naman pinapatawa lang kita."

"Bakit sis? Tingin mo substitute ang papel ko?" Walang emosyon kong sabi. "Ikaw? Tingin mo? Satisfied ka na kay Darius? Mahal mo naba talaga? 'Yung talagang-talaga ha? Alam mo kasi dapat nagsasabi ka sa kanya. Like, kailan ba tayo ikakasal? May kasal nga ba?" Nagpout siya pagkaraan niya 'yon sabihin. Pumikit ako at huminga ulit ng malalim.

"Iniisip ko rin naman itanong 'yan Carl. Kaso ayoko isipin niya desperada naman ako. Kaya nga nagpunta ako dito para humingi ng advice. Naguguluhan na ako e, isa pa 'yung mga in-laws niya? Galit sa'kin 'yung babae, si Mrs. Ingrid. Masama ang timpla niya pag ako kaharap niya. Paano kaya kung malaman nila 'yung namamagitan sa'min ni Darius?"

Umayos ng upo si Carl. "Ako nahihirapan sa'yo, what if kung humingi ka ng sandaling bakasyon sa kanya? Sabihin mo, kung pwede ka muna mag-relax? 'Yung hindi kayo magkasama ha? Baka naman magbabakasyon, kasama naman siya. Atleast mawala muna 'yung iniisip mo."

"Gano'n? Hindi naman siya papayag. Isa pa, ang hirap magpaalam sa kanya. Lalo kung makahulugan ang rason. Marami na naman kaming issues na pag-uusapan."

Hindi pa man kami nagtatagal ni Carl sa pag-uusap, naputol 'yon nang may sumulpot na babae mula sa kwarto niya. Agad akong natinag. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa'min. Halata siyang bagong gising dahil magulo ang blonde niyang buhok. Sexy rin siya sa suot nitong shorts at yellow spaghetti sando. Medyo matangkad at mestisa.

"O, wait...hindi ko siya girlfriend sis. Friends lang kami." Tumayo si Carl at lumapit sa babaeng tinutukoy niya. "By the way Sab.Si Beatrice nga pala! Our new friend." Ngumiti ako pero hindi siya ngumiti sa'kin. "Hi," Nag-wave ako pero hindi siya kumibo. "Eto naman ang sama ng gising. Mabait 'yan si Sab." Tapik ni Carl sa kanya. Hindi narin ito pinansin at nagtuloy na lang sa pag-toothbrush ang babae. Muling bumalik si Carl at naupo sa tabi ko.

"Sis, pasensya, ganyan talaga ang babaeng 'yan. May time kasing tinotoyo." Bulong niya sa'kin sabay bungisngis. Hindi ko na lang din siya sinakyan, pakiramdam ko mainit ang mata sa'kin ni Beatrice. Pakunwari'y inalam ko ang oras, pasado alas-singko narin.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon